Chapter three

9.4K 460 12
                                    

Jerol's POV

"Jonel, anak. Umakyat kana sa kwarto mo at magbihis kana ha" ang utos ko dito.

"Opo papa" ang masayang sabi nito at mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto. Ang cute na bata.

"Manang pwede po bang pakuha muna si baby leon? Ako po muna ang magluluto ng hapunan. Gusto ko po kasing ipagluto ang aking mag-ama" ang utos ko kay manang.

"Sige po sir. Asan na po ba si baby leon?" Tanong ni manang.

"Nandun pa sa sasakyan. Ewan ko ba diyan kay lionel. Ke-bata bata pa ng baby namin tinuturuan nang humawak ng manibela" ang natatawang kwento ko kay manang. Nakitawa narin si manang.

Hindi ko panga pala naipapakilala sa inyo si manang lydia. Sya din ang nagpalaki dito kay lionel noong bata pa ikaya naman napakalaki ng tiwala naming mag-asawa lalo na ng mga magulang ni lionel sa kanya.

"Hon, ang bilis matuto ng anak natin" ang natatawang kwento nito. Habang buhat buhat nito si baby leon sa kaliwang braso.

Lumapit naman si manang kay lionel at kinuha si baby leon. Umakyat sila sa kwarto ni jonel.

"Hon, magbihis kana rin. Magluluto lang ako ng hapunan natin" ang sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kusina. Pero hindi ko inaasahan na susunod pala ako ni lionel. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko, habang ang baba naman niya ay nakapatong sa balikat ko.

"Bakit hindi ka pa magbihis?" Ang mahinahong sabi ko sa kanya habang naghihiwa ako ng mga sangkap sa pagluluto. Nanatili lang itong nakayakap sa akin.

"Eeee.. gusto ko munang yakapin ang mahal ko eh" ang malambing na sabi nito at inamoy amoy ang leeg ko.

"Ano kaba Nakikiliti kaya ako" ang natatawang sabi ko. Pero hindi sya tumigil. "Hon naman eh, paano ako matatapos niyan"

Nagulat nalang ako ng halikan ako nito sa leeg. Bagamat nadadala na ako sa ginagawa niya ay pinipilit ko paring hindi ito pansinin. Tumaas ang mga kamay nito papuntang dibdib ko habang ang isang kamay naman nito ay bumaba papuntang pagkalalaki ko. Bigla naman akong napatigil sa ginagawa ko at hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa pagkalalaki ko.

"Hon, baka makita tayo ng anak natin at ni manang" saway ko sa kanya.

"Pasensya na hon, hindi ko lang matiis ang kacute-an mo" ang natatawang sabi nito. Hinawakan niya ako sa balikat at ihinarap sa kanya.

"Bakit kaya ang cute cute ng hon ko" ang dagdag pa nito.

"Che! Bolero!" Ang natatawang sabi ko at pinalo ko sya ng mahina sa dibdib pero hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa dibdib nito.

Nakatitig sya sa aking mga mata.

Nakipagtitigan narin ako sa kanya hangang sa dahan dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ko. Pumikit nalang ako at hinintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Ang sarap ng halik niya. Hinding hindi ako magsasawang halikan ang labi nya. Banayad ang halik nito hanggang sa naging mapusok. Medyo nadadala narin ako sa ginagawa nya. Bumaba ang halik nito papunta sa leeg ko. Nagtagal sya doon ng ilang minuto hangang sa ipasok nito ang kanyang kamay sa loob ng t-shirt ko at dahan dahang itaas ito. Napahawak naman ako agad sa kamay niya upang pigilan ito.

"Hon, maya nalang po pwede?" Ang nangungusap kong sabi sa kanya.

"Yun na yun eh! Tsk! Sayang" ang dismayang sabi nito. Hahaha.. natawa ako sa kanya.

"Maya nalang po kase" ang sabi ko pa.

"Sige ha! Pramis mo yan" ang sabi nito habang nagtataas baba ang kilay.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now