Chapter two

10.8K 541 30
                                    

   Dedicated to gholsky and kylejeric

Jerol's POV

"Manang pwede po bang pakuha muna si baby leon.. maghahanda na po kase ako para sa pagpasok ko sa school" ang pagtawag ko kay manang ng makarating kami ni lionel sa bahay.

Tulog na tulog kase ang baby namin. Napagod siguro sa byahe. Humalik muna ako dito bago ibigay kay manang. "Kayo narin po ang bahala sa baby namin ah.. papasok na po kase kami ni lionel sa trabaho"

Pagkakuha ni manang kay baby leon ay umakyat na ito sa kwaro namin.

"Hon, sabay na tayo, ihahatid na kita sa school" ang sabi ni lionel sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Sige hon. Magbibihis lang ako" ang sabi ko sa kanya. Maglalakad na sana ako paakyat sa kwarto ng hatakin niya ang braso ko at mabilis na binigyan ng halik sa labi. Akala ko ay mabilis lang pero hinawakan pa ako nito sa ulo at mas lalong idiniin sa kanya. Naging mapusok ang halikan namin. Hindi ko na rin natiis pa at gumanti narin ako sa mga halik nya.

"W-wait!" pag-awat ko saka tinakpan ang bibig ko. "Tama na! Baka ma-late pa tayo sa trabaho. Mamaya nalang" ang sabi ko. Halata na nabitin sya sa ginawa namin. Hindi ko naman maiwasang pisilin ang nguso nitong nanghahaba na dahil sa pagkabitin hahaha.. pilyo talaga.

"Sige! Pramis mo yan ah" ang parang batang pagmamaktol nito.

Hindi ko na siya pinansin pa at umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay niyaya ko na si lionel na ihatid na niya ako sa school. Hindi naman malayo ang school ni jonel sa school na pinagtuturuan ko halos malapit lang talaga na pwedeng lakarin.

Pagkarating namin sa school ay nagpaalam na ako dito.

"Salamat hon. Mag-ingat ka ha" paalala ko sa kanya at saka siya hinalikan sa labi.

"Susunduin ko kayo ni jonel mamaya, antayin niyo ako" ang sabi pa nito bago siya umalis.

Haixt! Mahal na mahal ko talaga yang mokong na yan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Good morning sir" ang bati sa akin ng mga estudyante sa tuwing makakasalubong nila ako.

Isa akong teacher at advicer ng 4th year high school na Grade 10 na ngayon. Mayroon kaming anim na section sa antas na ito. Ako rin ang naatasang magturo sa section 3. Actually rambol section kami pero ewan may ko kung bakit may label pa rin kung sino ang 1,2,3 and so on. Basta halo halo ang magagaling hehehe..

Sa totoo lang ay hindi madaling magturo lalo na sa mga highschool student ngayon. Makukulit, magulo, pasaway. Lalo na at ilang taon lang ang lamang ko sa kanila. Minsan nga ay napagkakamalan pa nila akong kaklase nila dahil sa bata ko pang itsura, sa height ko at siguro sa edad ko na rin.

"Good morning sir madrid" ang bati sa akin ng co-teacher kong si sir Marvin.. Marvin lopez, 24 years old at masasabi kong gwapo din siya. Si sir lopez ang kauna-unahan kong guro na naging kaibigan ko sa school na ito.

"Morning din sir" ang bati ko sa kanya.

"Sir ako na magdadala ng mga libro mo. Baka nabibigatan kana" ang pag-alok nito. Ngumiti lang ako at umiling sa kanya.

"Hindi na sir. Kaya ko naman eh" saad ko.

"Ok nga lang sir. Ako na ang magdadala nyan" pagpupumilit pa nito. Aixt! Ang kulit ha hehehe..

"Wag ka nang makulit, ok?" Ang saway ko sa kanya buti naman at hindi na ito nagpumilit pa. Ewan ko ba diyan kay sir marvin kung bakit ganun siya sa akin. Siguro ay ganun talaga siyang kaibigan.. sweet lang, ganun.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now