Chapter thirty six

5.8K 213 80
                                    

~~PAST~~

Humugot lang ako ng malamin na hininga at dahan dahang binuksan ang pinto ng aming bahay. Nakita kong nanunuod silang lahat sa sala.

Dire-diretso akong sa umakyat sa taas. Alam kong tinatawag ako ni mama pero hindi ko na ito pinakinggan dahil ayokong makita nilang umiyak ako. Pagkarating ko sa kwarto ay nagbihis at nahiga lang ako sa kama habang tinititigan ko ang kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin doon basta ang alam ko lang ay nakatulala ako sa kawalan.

Gwapo si lionel, habulin siya ng babae, sikat sa school, kahit saan pinagtitinginan siya. Halos lahat na ata ng magagandang katangiang pampisikal na makikita mo sa isang lalaki na hinahanap ng mga babae at mga bakla ay makikita mo na sa kanya. Hay! Alam kong isang panaginip lang ito. Hinding hindi nila kami magagawang mahalin ng pang matagalan dahil may hinahanap sila na hinding hindi namin kayang ibigay sa kanila.

Isa ka lang bakla jerol na nagmamahal sa lalaki at kahit kelan ay hinding hindi ka nito magagawang mahalin sa paraang gusto mo. Pwede silang makaramdam ng pagmamahal sayo pero hindi ito tatagal sa panahong naisin mo.

Bakit ko nga ba pinapanindigan ang pagiging ganito ko kung sa gayung alam ko naman na hindi nila ako kayang mahalin ng habang buhay.

Alam mo kung bakit? Simple lang naman. Mahal ko ang sarili ko at hinding hindi ako magbabago sa gusto lang ng kung sino. Hinding hindi ko lolokohin ang sarili ko. Ako ito at kung tumanda man akong mag-isa, choice ko na yun.

Hindi lang naman pag-ibig sa lalaki nakikita o nahahanap ang forever ng isang tao. Alam kong gasgas na ito pero pwede mong mahalin ang mga taong nagmamahal sayo tulad ng mga kaibigan mo, kaklase, kabarkada at lalong lalo na ng pamilya mo. Hindi ka man swertihin sa pag-ibig pero yung tanggapin ka lang nila at mahalin ay sapat na.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may taong natutulog sa tabi ko. Paglingon ko sa kanya ay biglang nanlaki ang mata ko. Himbing na himbing ang tulog nito habang nakaharap sa akin. Kita ko rin ang mga mumunting luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman tong lalaking ito. Wala ba siyang bahay? Biglang tumunog ang cellphone ko na naging dahilan para magising ito. Dahan dahan itong nagmulat ng mata. Halatang halata ang pamumula sa kanyang mga mata.

"Hon" ang sabi nito.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso. Bakla ka jerol lagi mong tatandaan yan. Hinding hindi kayo magtatagal kaya tama lang ang desisyon mo. Ang sabi ko sa sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang walang emosyong sabi ko at naupo ako sa kama.

"Hon sorry na... hindi ko na po talaga uulitin" pakiusap nito. Naupo rin siya.

"Ganun ba? Good for them dahil hinding hindi na mauulit sakin yan dahil wala ng tayo lionel. Umalis kana" ang malamig na sabi ko dito.

Tumayo ako at dire-diretsong pumasok sa c.r at naligo. Paglabas ko ay nandun pa rin siya. Hindi ko siya pinansin nagbihis lang ako at kinuha ang bag ko.

"Jerol naman eh" pagmamakaawa nito.

Hindi ko talaga siya pinansin. Pagbaba ko ay naabutan ko lang doon sina mama habang kumakain.

"Ma, anong ginagawa ni lionel dito?"

"Ha? Malamang boyfriend mo yan. Namumugto nga ang mata niyan kagabi eh. May problema ba kayo?" ang pagkukwento ni mama habang tahimik lang si papa. Umiling lang ako.

Hay!

Napabuntong hininga ako. Hindi nga pala nila alam ang tungkol sa nangyari sa amin. Naupo na lang ako at kumain. Ilang minuto rin ang nakalipas ng biglang may naupo sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon tuloy lang ako sa pagkain.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now