Chapter six

6.9K 391 33
                                    

Jerol's POV

Habang mahimbing akong natutulog ay naramdaman kong may humahaplos sa pisnge ko. Ididilat ko na sana ang mata ko ng maramdaman kong may humalik sa labi ko. Noong una ay dampi lang saka mawawala. Hanggang sa dumapi ulit at mawawala, dumampi ulit at mawawala. Yung totoo?

"Pramis last na" ang bulong nito at humalik ulit sa akin. Nanatili lang akong nakapikit.

"Last na talaga" at dumampi ulit ang labi nya sa labi ko. Nanatili parin akong nakapikit.

"Pramis, totoo na to! Last na" at saka ulit idinampi ang labi niya sa labi ko.

"Last, na last, na last na talaga" at saka nya ulit ako hinalikan sa labi.

Naramdaman kong humiwalay na ito sa paghalik sa akin pero nagulat ako ng sunggaban niya ako ng halik sa labi.. mapusok na halik. Doon na ako nagdesisyong imulat ang mata ko at takpan ang labi ko. Halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Hoy! Anong ginagawa mo ha?" Ang tanong ko sa kanya.

"Ginigising ka?" Ang tila nagtatanong nitong sagot na parang hindi siya sigurado. Hahaha...

"Ganun ba yun? Kelangang laplapin mo ng halik ang labi ko?" Ang kunwaring masungit na sabi ko.

"Ah.. eh.." sabay kamot nito sa ulo.

"Anong, ah.. eh.. ih.. oh.. uh.. ganun ba yun?" Ang masungit kong turan. Hahaha..

"Ang korni ng joke mo hon, hindi ma benta" ang sabi nito habang nakangiti at naniningkit ang mata.

"Ah... ganun?" Ang sabi ko at kumuha ako ng unan at pinaghahampas sya.

"Ganun pala ha! Etong sayo" at patuloy ko siyang pinaghahampas ng unan, pero itong asawa kong ito ay tawa lang ng tawa.

"Sorry na hon, ang sarap kase ng labi mo. Nakaka adik" saad nito habang pumapatong siya sa ibabaw ko at saka ako kiniliti sa tig-kabilang tagiliran.

"Waahhh!! Ahahaha.. wag dyan hon. Ayoko na po please.. nakikiliti ako. Alam mo namang malakas kiliti ko dyan eh, aahh!!" At bigla itong tumigil habang nakapatong sa akin.

Nakangiti siya habang tinitigan ako.

Ako naman ay nakatitig din sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Yung magkatitigan lang kayo kahit hindi kayo nagsasalita ay parang naiintindihan niyo na ang isat-isa.

"Hon, para kang paborito kong pagkain" ang sabi nito sa akin habang nakatitig parin siya sa mga mata ko.

"Bakit? Dahil masarap ako?"

"Hindi" saad nya.

"Dahil hindi ka magsasawa sa akin? Yun ba yun? Sus alam ko na yun eh.. hahaha" ang pambabara ko habang tumatawa pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Bigla itong sumeryoso.

"Hindi" napa kunot naman ako ng noo.

"Eh ano?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil mahal kita" ang seryosong sabi nito habang nakatitig parin sa mga mata ko. Napakagat naman ako ng labi.

"Ano kayang connect nun?"

"Wala..." mabilis nyang sagot. "Wala, pero dahil dun! Nagkaroon tayo ng connection at nasabi ko sayong mahal kita"

Hindi ko man maintindihan ang kanyang pinagsasasabi ay nilukuban ako ng matinding kilig. Halos magsugat na naman ang labi ko kaka-kagat sa ibabang labi ko dahil sa sobrang kilig. Ayoko kasing ipakita dito na kinikilig ako. Magyayabang na naman iyan.

"Hon, namumula ka at pinagpapawisan" ang sabi nito.

"Eeee... pinapakilig mo ako eh.. Paanong hindi ako mamumula" ngumiti lang ito sa akin.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now