Chapter thirty seven

5.9K 219 83
                                    

~~PAST~~

Tahimik lang kaming dalawa ni lionel habang nakaupo sa sofa nila. Sobra ang kabang nararamdaman ko sa oras na ito. Hinawakan nito ang kamay ko saka ngumiti.

"Ah... mommy, daddy si jerol po. Boyfriend ko" ang pagpapakilala ni lionel sa kanila. Tahimik lang ang mga magulang nito. Walang reaksyon.

"Jerol sila ang mga magulang ko at magiging magulang mo na rin simula ngayon" ang sabi nito. Tumingin ako sa kanila at bumati.

"Magandang hapon po sa inyo" ang magalang na bati ko. Pero nanatili pa rin silang tahimik.

"Ah, eh lionel, anak hindi mo naman pala sinabing may kasama ka pa lang kaibigan. Ikaw talaga anak. Mapagbiro ka talaga anak hahaha.." ang tumatawang sabi ng mommy nito.

"Mommy hindi po ako nagbibiro. Boyfriend ko po talaga siya at papakasalan ko po itong taong to kaya pinapakilala ko na siya sa inyo" ang seryosong sabi ni lionel. Bigla namang natahimik ang mommy nito.

"Tama na ang kalokohang ito lionel. Sige na kumain na tayo" ang biglang singit ng daddy ni lionel saka tumayo. Napayuko lang ako.

"Daddy boyfriend ko nga siya at papakasalan ko siya. Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin ha!" Ang mataas na tonong sabi ni lionel. Humarap ang daddy nito sa amin at tumingin ng masama.

"Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo Lionel ha? Hindi ka bakla at hindi ko matatanggap na may bakla sa pamilyang ito! Tapos!" Ang maotoridad na sabi ng daddy nito.

Aktong maglalakad na ang daddy nito papuntang kusina ng magsalita si lionel.

"Anong gusto niyo? Magka-amnesia ako? Magkasakit, maaksidente o ano gaya ng nababasa at napapanuod niyo sa TV para lang tanggapin niyo kami. Ganun po ba yun daddy, mommy? Kahit anong mangyari. Hinding hindi na magbabago ang isip ko. Pakakasalan ko si jerol at magiging magulang niya na kayo sa ayaw at gusto niyo" aalis na sana kami ni lionel ng biglang magsalita ang mommy nito.

"S-sandali anak" ang pigil nito sa amin.

"Mom, Kung hindi niyo rin po kami kayang tanggapin ni jerol please lang... Wag niyo na po kaming pigilang umalis dahil hinding hindi na magbabago ang isip ko. Doon na lang po kami sa taong pwede at kaya kaming tanggapin" ang diterminadong sabi nito.

"Ah.. eh.. ano kase anak. Tanggap ko naman talaga kayo. Akala ko lang kase nagbibiro ka" ang sabi ng mommy nito. Lumapit ito sa akin.

"Di ba ikaw si jerol?" Tumango lang ako.

Tiningnan niya lang ako ng seryoso saka ngumiti.

"Ang cute naman nitong boyfriend mo anak. Bagay na bagay kayo" ang tuwang tuwang sabi ng mommy nito saka niya ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Ang saya ko... Akala ko ay hindi kami matatanggap ng mommy nito. Para din pala siyang si mama.

"Salamat mommy sa pagtanggap. Mahal na mahal ko po talaga itong si jerol at kung hindi niyo po siya kayang tanggapin sa pamilyang ito parang sinabi niyo na rin po na hindi niyo ko kayang tanggapin" ngumiti lang ang mommy ni lionel at hinawakan ito sa kamay.

"Anak wala namang kaso kay mommy kung ganyan ka o kahit maging sino ka pa. Lagi mong tatandaan. Kung tunay mo kaming magulang, matatanggap at matatanggap ka namin dahil sa amin ka ng galing. Nagulat lang talaga ako saka hindi ako makapaniwala na ang isang maangas at matapang kong anak ay mapapaibig ng isang cute na batang tulad niya. Wala ka pa kayang dinadala ditong babae kaya hindi ako makapaniwala."

Umakbay naman sa akin si lionel at hinalikan ako sa ulo.

"Ewan ko nga ba mommy. Akala ko nga rin eh isa ako sa mga lalaking magpapaiyak ng maraming babae pero ako ata itong iiyak kapag iniwan ako ni jerol. Mahal na mahal ko talaga siya mommy at handa akong ipaglaban siya kahit kanino" ang sabi nito.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now