Chapter twety five

4.9K 200 53
                                    

Jerol's POV

Nakahanda na ang lahat ng damit na dadalhin namin papunta sa lolo at lola ng mga anak namin sa magulang ni lionel. Kararating lang kase nila galing amerika at ngayon ay nasa manila na sila. May bahay din kase sina lionel doon. Sabi ko naman sa inyo diba na mayaman sila hahaha.. Ilang buwan din kase silang hindi umuuwi dito sa pilipinas dahil sa kanilang negosyo doon sa amerika, kaya kung umuwi man sila dito sa bansa ay para lang magbakasyon at bisitahin ang apo nila.

Doon na rin sa amerika nag-aaral at naninirahan ang mga kapatid ni lionel na sina kuya lenmar na mas matanda kay lionel ng dalawang taon at si loisa na eight teen years old lang. Itong si lionel lang naman ang nagpaiwan dito sa pilipinas dahil nandito daw ang kanyang buhay, mga anak at ang taong mahal niya. Siyempre ako yun hehe..

Yung magulang naman ni lionel ay parang magulang ko rin, mababait din sila kahit sa una ay nahirapan silang tanggapin kami at natural lang naman siguro iyon sa mga magulang na hindi kami agad natanggap. Pero simula noon ng maipaglaban ako ni lionel ay doon ko rin nalaman na may pagkabaliw din pala ang mommy nito habang ang daddy naman nito ay seryoso man pero marunong makipagbiruan. Ewan ko lang kay kuya lenmar na sobrang sungit din.

Nagpapansinan naman kami ni kuya lenmar pero isang tanong isang sagot lang ang usapan namin, masungit kumbaga parang kuya ko rin masungit rin kaya hindi ko maiwasang isipin na may pagkakapareho talaga ang pamilya namin ni lionel.

Ganoon naman ata ang mga kuya, strikto. Habang si loisa naman ang pinaka-close ko dahil madalas itong mag-open up sa akin ng topic about sa kanyang mga crushes niya. Sa totoo lang ay nagseselos na itong asawa ko sa kanila dahil kapag nandoon ako sa kanila ay hindi na daw niya ako masolo-solo hahaha... Kung hindi daw nakay mommy ako, si loisa naman ang kasama ko. Baliw talaga itong asawa ko pagselosan ba naman ang kapatid at mommy niya hahaha...

"Hon ok na?" Ang tanong ni lionel sa akin ng makapasok ito ng kwarto.

Alam niyo sa totoo lang. Hindi dahil asawa ko siya ha o ano. Sobrang gwapo talaga nitong si lionel. Sobra.

"Oo. Si kuya bihis na?" Tanong ko din sa kanya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likod.

"Bihis na" tugon nito.

Inamoy niya ang ulo ko at hinalikan ito.

"Ang bango mo naman asawa ko. Baka naman may mahumaling sayong iba ah.. Hinay hinay sa pagpapabango. Naku naku!" ang sabi nito. Siniko ko naman siya sa tiyan.

"Awww.. hon naman eh. Bakit mo ako siniko?" Daing niya. Natawa lang ako.

"Ikaw kase eh, kung anu-ano na naman yang sinasabi mo diyan. Bakit naman sila mahuhumaling sa akin eh may asawa na ako at mahal na mahal ko pa. Amoyin nila ako hanggat gusto nila dahil yun lang kaya nilang gawin" ang sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito at pinisil ang pisnge ko.

"Joke lang hon, hehehe. Pero manigas sila diyan katitingin sayo dahil akin kana at lulunurin kita sa pagmamahal ko. Diba hon? Akin ka lang?" ang paglalambing niya.

Napa-irap lang ako sa pagka-isip bata na naman nitong asawa ko. Syempre hindi ko naman maiwasang kiligin.

"Oo na. Kaya tara na, hinihintay na tayo ng mga anak natin sa baba" ang sabi ko. Humiwalay ito sa yakapan namin at hinawakan ang kamay ko. Hay! Para akong kinukuryente sa totoo lang.

"Mamaya kana kiligin hon. Alam ko namang kinikilig ka na, sa akin ka lang naman namumula ng ganyan diba?" ang pang-aasar nito sa akin at hinila na ako palabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako. Dahil sa kilig na idinudulot nito sa akin.

Pagkababa namin ay naabutan lang namin doon si kuya na nakikipaglaro sa mga apo ni manang habang kalong nito si baby bunso. Ayaw naman naming iwan si manang dito na mag-isa kaya pinasundo na namin ang kanyang anak at mga apo.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora