Chapter twenty seven

4.9K 163 75
                                    

Same sex marriage? Alam kong marami sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin pero ano bang masama kung maging legal ito. Karapatan ng bawat isa sa atin yan, lalo na sa mga tulad nating nangangarap na makasal sa taong lubos nating minamahal.

Sabi nila ang kasal daw ay sagrado at para lang ito sa babae at lalaki. Pero para sa akin, naniniwala ako na ang kasal ay pagsusumpaan ng dalawang taong nagmamahalan at hindi ng inyong kasarian at pinaniniwalaan. Dahil sa paniniwala ko hindi labag sa Diyos ang pagmamahal.

Kung sapat na sayo na hanggang magkasintahan lang kayo o eh di ok, ikaw naman yan eh.. pero para sa iba ay mahalaga ito bilang pundasyon ng kanilang relasyon.

Siguro nga ay hindi mo na kelangan pang magpakasal para lang patunayan kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa pero iba pa rin na may pinanghahawakan ka, kayo, iba pa rin na may sumpaan kayo, iba pa rin na handa kayong patunayan sa lahat na mahal niyo ang isa't-isa, iba pa rin na matatawag niyong asawa ko siya, asawa niya ako at may patunay kami sa pamamagitan ng kasal.

Eh ano naman kung maging legal ang same sex marriage! Ang tanong.. Magpapakasal ka ba? Hindi? O, Yun naman pala eh... so useless naman pala sayo ang same sex marriage, anong pinuputok ng butchi mo diyan? Bakit? Labag na naman ba sa paniniwala mo yan at sa Diyos? Hanggang kelan mo ba gagamitin ang Diyos para maging makitid ka ng ganyan. Pati Diyos ginagamt mo to hate everyone na akala mo ang linis linis mo at ikaw lang ang anak ng Diyos. Sabihin mo nga sa akin kung hindi pagiging makitid yan?

Matatawag mo pa bang malinis ka kung ikaw mismo ang komokontrol sa kanila? Matatawag mo pa bang nasa panig mo ang Diyos sa mga pinaggagawa mo?

Wag tayong maging hipokrito sa buhay ng mundong ito. Straight people have rights, so why dont LGBTQ+ have also. Hindi balanse ang mundong ito.

(Sorry for my english.. Tinatamad akong magcheck ng grammar. Trying hard lang hahaha..)

No one can judge us, kaya wag mong pangunahan ang Diyos, dahil hindi ka Diyos para sabihin ang mangyayari sa isang tao :)

Alam mo kung bakit? Kase hindi naman ito para sa lahat eh, hindi naman ito sapilitan, para lang ito sa mga taong gustong maglevel up ang kanilang relasyon, ang kanilang pagsasamahan. 

Minsan ay wag puro sarili na lang natin ang ating isipin. Usapan ito ng pagmamahal at karapatan ng bawat isa sa atin. Bakla ka man o hindi. Pare-pareho tayong tao. Pare-pareho tayong nilikha at pare-pareho tayong may karapatan. At kung aalisin mo ang karapatan ng bawat isa sa atin. Siguro ay hindi ka matatawag na tao. As long as wala silang ginagawang masama at gusto lang nilang maging masaya sa paraang magpapasaya sa kanila ay sino ba naman tayo para pigilan sila diba? Paano kung alisin din ang karapatan mo at magpapasaya sayo? Sasaya ka ba?

Maging legal man o hindi. Basta ako, sang-ayon ako. Hindi ko alam kung tanggap mo ba talaga ang sarili mo bilang isang bakla, dahil sa sarili mo mismo hindi mo kayang tanggapin ang lahat.

Siguraduhin mo muna sa sarili mo kung isa ka talagang bakla, dahil hindi ito isang laro na pwede kang umayaw kapag ayaw muna. Masakit man isipin pero sa mundong ito ang pagmamahal sa tulad natin ay kelangan limitahan, ang kilos, at karapatan ng bawat isa.

Ito ay sariling opinyon ko lang. At nirerespeto ko kung hindi man kayo sasang-ayon sa akin. Magkakaiba po tayo ng paniniwala. Gaya nga ng sabi ko. Hindi ito tungkol sa kung sino o ano ka. Ito ay tungkol sa kung ano ka... dapat tanggapin mo at maging masya ka.

_________________________________________

Jerol's POV

"Lionel" yugyog ko sa kanya.

"Hmmm.." ungol nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Pagtimpla mo nga ng dede yung anak mo. Nagugutom na oh" utos ko sa kanya. Gising na kase si baby bunso saka iyak siya ng iyak. Pero itong mokong na to ay nakayakap lang sa akin.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon