Chapter One

15.6K 637 32
                                    

Dedicated to AwesomeDudeMiggy

Jerol's POV

"Hon, kumain ka na oh, pinaghanda kita ng paborito mo" lumapit ako at hinalikan sya sa pisngi.

"Hmm.. ang bango naman ng niluto ng asawa ko, pwede bang pag katapos kong kumain ay ikaw naman ang kakainin ko?" At nagtaas baba ang kilay nito na akala mo'y may binabalak na masama.

"Heh!! Manahimik ka dyan at baka marinig tayo ng anak natin" ang pabulong na sabi ko dito. "Sige na, maupo kana dyan at tatawagin ko na sila" tumango lang ito.

Lalampasan ko na sana sya ng paluin ako nito sa pwet, Sinamaan ko lang ito ng tingin, pero itong asawa ko tawa lang ng tawa.

"Mamaya hon ah.. humanda ka sa akin" pahabol pa nito. Umirap lang ako.

Hayss!! Napaka pasaway talaga mg asawa ko. Napailing nalang ako sa kanyang kakulitan.

Unang ginising ko ay si jonel ang panganay naming anak. He is 8 years old. At Oo ampon namin sya.

16 years old palang ako nun ng maging kami ni lionel. Isa syang pasaway sa school namin. Babaero at higit sa lahat walang sineseryoso. Samantalang ako naman ay isang tahimik na estudyante. Alam ko na noon palang na gay na ako at tanggap ako ng pamilya ko. Ganoon din sa school, alam nila na bakla ako pero hindi yun naging hadlang para kaibiganin nila ako.

Sikat na sikat si lionel sa buong campus. Halos lahat ay nagkakandarapa sa kanya.

Paano kami nagkakilala? Nagsimula ito noong mailipat sya sa section namin. Sobra kase syang pasaway, sakit ng ulo, pati narin ng buong school. Inilipat ito sa section namin kase kami raw ang pinaka maayos at pinaka tahimik na section noong time na yun. Baka daw mahawahan namin si lionel ng kabaitan.

Pero wala paring pagbabago. Makulit at pasaway. Hanggang sa mapagtripan ako nito. Walang araw na hindi ako nito binubully. Walang araw na hindi ako nito ipinapahiya. Pero hanggat sa maari ay hindi ko ipinapakita dito na mahina ako. Ayokong ipakita na mahina ako.

Hanggang sa hindi ko na kinaya pa ang pang bubully nito sa akin. Hanggang sa hindi ko na nakayanan at umiyak ako sa harapan nito. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya noong time na yun. Iniwan ako nito sa ganoong kalagayan.

Ilang linggo rin itong hindi nagpakita matapos ng nangyari. Hangang isang beses, naglalakad ako pauwe sa bahay namin ng may kumidnap sa akin na hindi ko mga kilala. Dinala ako ng mga kidnaper sa isang liblib na lugar sa beach resort na pagmamay-ari pala nila lionel. Hindi ko alam kung bakit ako nito pina kidnap. Nanatili kami dun ng mga tatlong araw na saktong sakto naman na walang pasok.

Humingi ito ng tawad sa akin. Sa tatlong linggo naming pamamalagi sa beach ay hindi sya sumukong suyuin ako. Inamin narin nya na may nararamdaman na ito sa akin. Noong una ay hindi ako naniwala. Paano ako maniniwala sa kanya kung laging kalokohan ang kanyang alam.

Hindi talaga ako kumakain, wala akong pinapansin ni isa sa kanila. Pero sa tatlong araw na yun ay doon ko napatunayan na totoo talaga sya sa kanyang hangarin. Na totoo sya sa kanyang nararamdaman para sa akin. Hangang sa hindi ko narin namalayan na unti unti na rin pala akong nagkakagusto sa kanya.

Hanggang sa sinagot ko sya at yayain ako nitong magpakasal sa kanya sa edad na disi otso. Para daw masiguro na nitong hindi na kami magkakahiwalay pa. Sa America kami nagpakasal at dahil nga sa mayaman ito ay sya narin ang gumastos para makasama ko ang buong pamilya ko papuntang america.

Sobrang saya ang naramdaman ko noong araw na yun. Akala ko ay hindi na matutupad ang pangarap kong makasal sa taong mahal ko. Pero si lionel, sya ang nagpatunay sakin na posible mangyari ang imposible kung gugustuhin mo.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now