Chapter seven

7.2K 426 37
                                    

Jerol's POV

Pagkatapos kong mag klase ay dinampot ko na ang mga gamit ko sa lamesa kasama na dun ang regalo ng aking pinakamamahal na asawa.

Hindi ko talaga inaasahan na susurpresahin niya ako kanina. Nang masigurado ko nang wala na akong naiwang gamit sa lamesa ay nagsimula na akong lumabas ng classroom.

Nagulat naman ako ng makita ko si paulo na nakasandal sa gilid ng classroom. Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hinabol niya ako at sinabayan.

"Ang sweet ng asawa mo ah" ang sabi nito pero hindi ko parin sya nililingon. Naiinis parin ako sa ginawa niya kanina.

"Mahal na mahal ka talaga niya noh?" Saad pa nito. Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad.

"Kaya ko rin namang bumili ng maraming chocolates at mamahaling bulaklak ah, kesa diyan sa asawa mo" sabi nito. Para naman akong nainsulto sa sinabi niya.

"Paulo ano ba! Ano bang tingin mo sa akin ha? Na ano.. Na madadala lang ako ng mga pera pera mo? Ganun ba yun ha? Mahal ko ang asawa ko at kahit wala siyang ibigay sa akin ay mamahalin ko parin siya at kung meron man ay bonus nalang iyon sa pagmamahalan namin! Hindi ako nabibili paulo! Hindi! At kung sila ay nadadaan mo sa ganyan, pwes ibahin mo ako" galit na sabi ko sa kanya at iniwan ko ito.

Hindi pa man ako nakakalayo ng hawakan ako nito sa braso.

"S-sorry" ang paghingi nito ng paumanhin. "Sorry sir. Hindi ko naman sinasadyang mainsulto ka sa sinabi ko eh"

Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumingon sa kanya.

"Paulo mahal ko ang asawa ko. At sana naman ay maintindihan mo iyon"

"Naiintindihan ko naman iyon eh. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay itong nararamdaman ko para sayo sir! Alam kong alam mo na hindi ito basta basta mawawala. Iba kase ang sinasabi ng isip ko, pero iba din ang sinasabi nito..." turo nya sa dibdib niya. "..nitong puso ko"

Hay! Hinawakan ko siya sa balikat.

"Bakit hindi mo subukang ibaling kay marky ang nararamdaman mo para sa akin, Diba matagal ka na niyang gusto?" Tanong ko sa kanya.

"Hell no! Hindi ako bakla sir. Sayo lang ako nakakaramdam ng ganito" saad niya.

"Cute naman siya ah, mabait, masipag mag-aral at matulungin. Diba siya ang gumagawa ng mga projects at assigments mo diba?" ang sabi ko sa kanya.

"Martyr yun eh! Umaasa sa wala! Kaya no choice ako kundi tanggapin ang mga tulong na ibinibigay niya"

"Kaya sinasamantala mo naman siya ganun? Paulo, masama ang namamantala ng kapwa. Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo! Wag mong gamitin!"

"Alam ko. Pero kung nandyan ka sana lagi sa tabi ko ay baka nag bago na ako" ang sabi pa niya. Hay!

"Paulo, siguro nga ay may mga taong makakapag pa bago sa atin. Pero ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili.." tinuro ko ang dibdib nya gamit ang daliri ko. "..at dyan sa puso mo magsisimula ang pagbabago. Hindi kung kanino"

Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Salamat sir, kaya magbabago na ako, magpapakabait, mag-aaral ng mabuti para mas lalo mo akong mahalin" ang masayang sabi nito.

"Paulo!" Ang naiinis ko na namang sabi.

"Hehehe.. joke lang sir, pipilitin ko! Pero hindi naman ito agad mawawala, diba?" Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Hindi naman talaga basta basta nawawala ang nararamadan ng isang tao eh, basta ba alamin mo lang ang limitasyon mo.

"Oo naman, basta pilitin mo ha at saka bagay na bagay talaga kayo ni marky" pang-aasar ko pa sa kanya.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now