Chapter twenty

5.4K 257 52
                                    

Jerol's POV

"Hon may tanong ako" ang sabi ko kay lionel habang nilalaro nito ang buhok ko. Nakahiga kase ako sa mga hita niya.

"Ano yun hon?" Ang sabi nito habang busy parin siya sa paglalaro sa buhok ko.

"Sa tingin mo ba hon, straight ako dati o bakla na talaga ako?" Ang naguguluhang tanong ko sa kanya. Sinuklay nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ahmm.. ahmm.. ano nga ba.." ang nag-iisip na sabi nito. "Siguro hon, siguro ay bakla na talaga tayo noon pa lang. Noong pinanganak na tayo"

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko rin ang hibla ng buhok nito at sinuklay. Huminga siya ng malalim at tumitig sa aking mata.

"Ewan, hindi ko rin alam hon, pero sa tingin ko ay kung bakla ka, bakla ka na talaga at walang dapat ikahiya doon. Ito'y sa aking pananaw lang naman" ang sabi nito.

"Pwede ko bang sabihin na straight ako before tapos naging bisexual o gay na ako ngayon dahil asawa na kita? Ganoon ba yun?" Ang naguguluhang tanong ko ulit sa kanya. Kita ko namang napaisip ito.

"Sa tingin ko hon, pinanganak na talaga tayong ganito at wag na natin pang sabihin o gawing excuse na naging straight tayo before na parang nagsisisi ka kung ano o sino ka ngayon. Dahil kung straight ka, straight ka talaga! Kahit Balik-baliktarin mo man ang mundo kung straight ka ay hindi ka papatol sa kapwa mo. Parang hindi rin tama yung kasabihan na "Hindi porket pumatol kana sa bakla ay bakla kana sadyang nagmahal ka lang naman" Parang hindi ako naniniwala sa kasabihang yan. Ang salita kasing straight ay basehan natin para sabihing at patunay wala silang bahid ng pagiging bakla. Yung hindi naaattract sa kapwa niya lalaki/babae dahil pag sinabi nating straight as in sa babae o sa opposite sex lang tayo naaattract at kung patuloy nating paniniwalaan ang mga ganyang kasabihan eh lahat na tayo ay magdedeny sa sarili natin. Kaya nga nagkaroon ng pagsasaliksik at nahati sa dalawa o ilan man ang uri kasarian para malaman natin kung saang sexualidad tayo nabibilang. Heterosexual at homosexual. Heterosexual kung saan Attracted ka lang sa opposite sex mo na kung tawagin ay "Straight". At Homosexual naman kung saan nabibilang ang LGBTQ+ member that means you're not straight or fully straight or confuse kaya nga sineperate siya sa pagiging straight eh. Sobrang mahaba talagang usapin pagdating dito. Hindi naman mahirap intindihin kung magsasaliksik ka at tatanggapin mo kung ano ka.... Ito ay sa aking pananaw lamang. Kaya siguro natin nasasabi na kaya tayo naging ganito o naging ganyan ay dahil  sa naging karanasan natin noong kabataan. Maybe, siguro pero wag naman nating isisi sa iba kung bakit tayo naging ganito ngayon. Oo siguro malaki ang chance para ma-confuse ka o tuluyang maging bakla ka pero may choice ka eh.. Choice mo pa rin yan kung anong gusto mo sa buhay. Tayo pa rin ang magpapatakbo ng buhay natin kaya kung ano ka ngayon desisyon mo na yan at hindi dahil sa naranasan mo o ginawa sayo noong kabataan mo. Alam kong hindi maganda at di dapat yun pero kung ayaw mo talagang humantong sa pagiging bakla, dapat di ka gagawa ng bagay na alam mong di ginagawa ng mga straight na tao" sabay ngiti ko nito. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Alam mo hon, nakatadhana na talaga tayong maging ganito. Siguro ay hindi talaga tayo pinanganak na straight sa aking pananaw ha. Kaya lang naman natin nasasabi yun ay dahil iyon ang pilit na ipinamumulat sa atin ng ating mga magulang. Kaya nahihirapan tayong kilalanin kung sino o ano tayo ay dahil sa kanilang pinaniniwalaan kesa ang alamin ang ating pinagdadaanan" napatango naman ako. Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya.

"Alam kong dati ay deny ako ng deny sa sarili ko dahil naguguluhan din ako at normal lang naman na ma-confuse ka. Pero ngayon ay tanggap ko na kung sino o ano ako. Bakla ako hon. Bakla! At wala akong ikinahihiya doon lalo na at ikaw ang ipagmamalaki ko sa kanila. Siguro ay naaatract parin ako sa mga babae pero hindi ko gagamitin ang salitang bisexual kung ito naman ay gagamitin mo lang bilang excuse o pabanguhin ang iyong sarili upang hindi ka lokohing bakla. Wala akong galit sa mga taong nagsasabing bisexual sila. Karapatan nila yan. Pero parang hindi pa rin nila matanggap sa sarili nila kung sino o ano talaga sila. Yun lang! Anong masama kung tanggapin mo sa sarili mo na isa kang bakla as long as alam mo kung paano mo ito iaapply sa sarili mo. Hindi porket bakla kana ay kelangan mo nang magdamit pambabae o kumilos babae. Ikaw parin ang maghahandle sa iyong sarili.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon