Chapter thirty

6.3K 210 91
                                    

Jerol's POV

Hindi naman dahil iniwan ko si lionel ay hindi ko na ito mahal. Hindi ko lang hahayaan ang sarili ko na gawin niya sa akin iyon. Oo bakla tayo pero hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay tayo na lang lagi ang magpapatawad at maghahabol sa kanila. Tayo na lang lagi ang iintindi at uunawa sa kanila. Hindi dahil bakla tayo ay hahayaan na lang natin na lokohin tayo. Kung para sa iba ay ok lang na ginagago at niloloko sila pwes ako hindi! Oo bakla ako pero hindi ako bakla LANG. Alam ko ang halaga ko at ang halagang iyon ay papahalagahan ko bilang isang tao.

Ok lang sana kung kasalanan ko pero hindi eh. Pinagsalitaan niya ako ng masasakit. Niloko niya ako. Madaling magpatawad pero hindi madaling mawala ang sakit.

Yung ginawa ko? Ginawa ko lang yun para marealize ni lionel na hindi sa lahat ng pagkakataon kami ang maghahabol. Oo bakla ako, pero kung mahal niya ako ay babalikan niya ako at hindi niya ako magagawang lokohin.

Bakla? Lalaki? Babae? Tomboy? Kahit sino naman diyan ang mahalin mo, kung marunong ka lang makontento.

Wag niyong hayaan na pagsabayin kayo. Dahil ang tulad mo ay hindi dapat niloloko at ginagago. Kayo rin ang gumagawa ng paraan kung bakit bumababa ang tingin nila sa inyo, dahil hinahayaan niyo silang pagtripan ka at gawing pampalipas oras lang.

Kung ayaw na, wag mo ng pilitin. Dahil kung mahal ka niya, kahit ano pang dahilan yan hinding hindi ka nito magagawang iwan.

Ang dami pa namang nagke-claim na bisexual sila sa panahon ngayon. No offense pero pakiramdam ko ginagawa na lang nilang katuwaan ang pakikipagrelasyon sa kapwa nila. Minsan ay pampalipas oras na rin. Kaya hindi tayo ginagalang at sineseryoso dahil mismong tayo ang gumagawa ng paraan para paglaruan at di seryosohin.

Kapag gwapo ka at pumatol ka sa lalaki bisexual ka pero kapag panget ka diretso bakla kana.

Bisexual o Bi-curious. Confused o ano man. Mga taong lito sa sarili nila kaya hirap maghanap ng taong iibigin nila. Alam mo kung bakit? Maghahanap at maghahanap yan ng iba kase hindi siya marunong makontento dahil hindi nila alam kung kanino o sino ba talaga ang gusto nila. Maaring trip trip ka lang o lust ka lang. Bi nga diba? Bi means two, two is more. Hindi naman po nilalahat, ewan ko na lang iba!

Gay? Ewan sa tingin ko mas totoo silang magmahal at mamahalin ka ng totoo at hindi trip trip lang. Nasasayo naman yan kung kanino ka maiinlove at wala na akong karapatam doon. Wala namang problema kung Bi o gay ka. Basta wag ka lang manloloko kung alam mong hindi naman ito totoo. Buhay mo yan. Hindi ako matalino pero masasabi kong may alam ako.

Tandaan niyo na hindi ibig sabihin na bakla ka ay kelangan mo ng magdamit pambabae o magsuot ng wig. Yan ang hirap sa atin eh.. papasukin niyo ang isang bagay na hindi niyo naman talaga alam ng lubusan o limitado lang ang inyong kaalaman. Ibig sabihin pag Gay ka mas tanggap nila ng buo at walang pag-aalinlangan ang sarili nila. Aminin mo man o hindi, pag sinabi mo sa sarili mo na Bi ka o bisexual ka ayaw mong tinatawag kang bakla at ayaw mong niloloko kang bakla.

Kung tutuusin nga eh hindi naman natin kelangan magkaroon ng tawag sa sarili natin eh.

Mahal kita lionel, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakapitan ko ang salitang "mahal". Dahil minsan ito na ang sumisira sa dignidag at pagkatao natin. Pati nga respeto sa sarili natin nawawala na.

"Mahal" ang salitang kinakapitan mo kahit pinagmumukha ka na nitong tanga!

*****

Tatlong araw na rin magmula ng umalis ako ng bahay. Buti na lang at nagpaalam ako sa principal namin na magle-leave muna ako. Lagi ko ring tinatawagan at kinakamusta ang mga bata kina mama at papa. Tinatanong nga nila ako kung nasaan daw ba ako pero ang sabi ko lang wag silang mag-alala sa akin.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon