Chapter fourteen

5.6K 313 38
                                    

Jerol's POV

"Ok class, dismiss" kinuha ko na lahat ng gamit ko sa mesa at nilagay sa aking mga braso.

Palabas na sana ako ng room ng akbayan ako ni paulo. Siniko ko naman siya sa tagiliran.

"Umayos ka paulo ha! Nandito tayo sa school" ang naiinis kong sabi sa kanya. Eto na naman kase siya eh.

"Wala naman sigurong masama kung umakbay ako diba SIR? Kami naman ang may ari ng school na ito eh" pagmamayabang nito.

Napasimangot lang ako.

"Kahit na! Teacher mo ako at estudyante kita. Kung balewala lang sayo na pagchismisan tayo. Pwes, sa akin hindi. Isipin mo na lang ang pwedeng mangyari sa akin Paulo. Pwede akong tanggalin dahil iisipin nila na pumatol ako sa estudyante ko. At isa pa, may asawa na ako paulo" ang sabi ko sa kanya habang patuloy lang ako sa paglalakad.

"Ok. Sorry. E, bakit kase ang cute mo... SIR?"Ang nakangising saad nito. "Sa tuwing hahawakan ko ang labi ko ay labi mo ang na-aalala ko. Ang malambot at mapula mong labi na kay sarap halikan ng paulit-ulit" sabi nito. Napailing na lang ako. Ganun na ba ako ka-cute at kasarap? Hahaha.. joke.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin. Alam ko namang hindi siya titigil pag gusto niya ang isang bagay. Lalo na at lumaki itong mayaman. Ayaw nila na naapakan ang pride nila at nirere-ject sila. Ganoon kase karamihan sa mayayaman pero hindi ko naman nilalahat ha. Wag defensive hahaha..

Masyado kasing mataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Feeling nila ay sila na ang lumikha ng mundong ito, aminin mo man o hindi ay ganun ang pakiramdam ng mayayaman. Hahaha.. tamaan wag magalit. Wag defensive.

Ewan ko ba sa mayayaman. Wala naman akong galit sa kanila o ano. May napansin lang ako. Nakapag-aral naman sila sa magagandang school, nakakakain ng masasarap na pagkain, maganda ang estado sa buhay, nakukuha lahat ng gusto nila at sumisimba sa magagandang simbahan.

Pero bakit karamihan sa kanila ay matapobre? Hipokrito at Masasama ang ugali? Pa-english english na akala mo ikinatalino. Magaling lang sa english pero mahina ang pag-intindi. Wag ulit defensive ha? :)

Hindi ba dapat ay sila pa ang magaganda ang ugali dahil sa kanilang natatamasa? Hindi ba dapat ay sila pa itong mapagkumbaba at mabuting halimbawa sa ibang tao.

Hindi yung sila pa ang nagmamalaki at nagpapakita ng ikasasama nila. Hindi ba sila yung nakapag-aral sa magagandang eskwelahan, pero bakit hindi ata naituro sa kanila ang kagandahang asal. Ganoon na ba kahirap pag-aralan yun? Sa pagkakaalam ko ay hindi pinag-aaralan yun at hindi mo kelangang ituro pa yun dahil kahit sino ay kayang matutunan yun.

Ganun na ba kapag mayaman ka (Hindi nga lahat diba? Yung iba lang), hindi mo na alam kung paano magpakaTAO! Hindi ba dapat sila pa yung matatalino? E bakit parang hindi ata nila alam kung ano ang salitang talino?

Ang talino ay hindi lang ginagamit sa pag-aaral, ito ay ginagamit din kung paano ka makitungo sa ibang tao.

Wala namang masamang maging mayaman dahil sa ikakabuti yan ng pamilya mo. Sa ika-aangat ng estado ng pamumuhay mo. Pero wag mo lang sanang kalimutan na hindi porke mayaman ka o nakakatamasa ka ng kayamanan ay magiging matayog ka na.

Walang permanente sa mundong ito kaya dapat alam mo kung paano ka magpapakababa para kung bumagsak ka man ay merong mga taong magtataas sayo at tutulong para iangat ulit.

Hindi ako matalino kundi malawak lang ang pag-iisip ko. Hindi mo naman kelangang maging matalino para maintindihan mo ang lahat ng bagay sa mundo.

Kelangan mo lang tanggapin ng buo sa iyong sarili at lawakan ang pag-iisip mo na swerte ka para sa ganoon ay kaya mo ring tanggapin ang ibang tao.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now