Chapter eight

6.2K 342 26
                                    

Jerol's POV

Pagkarating namin sa bahay ay hindi parin nawawala ang ngiti ko sa labi ng dahil kay jonel. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko lang ay masaya ako bilang tatay at nanay niya.

Hindi madali para sa amin ni lionel ang magpalaki ng isang anak. Anak na kung saan ay kaya kang ipagmalaki sa ibang tao. Sobrang saya ko dahil alam kong pinalaki namin siyang maayos.

"Hon" ang pagtawag sa akin ni lionel habang hawak hawak nito ang kamay ko. Nakasandal kaming dalawa sa head board ng kama habang nasa gitna namin si kuya na mahimbing na natutulog. Si baby leon naman ay nakaupo sa mga hita ko habang naglalaro ito.

"Oh?"

"Ang saya saya ko ngayon hon. Masasabi kong napalaki natin ng maayos si jonel at yun ay ng dahil sayo" ang sabi nito habang hinahalik halikan nya ang kamay ko. Umiling lang ako.

"Hindi hon! Hindi lang naman ako kundi tayong dalawa. Hindi ko ito magagawa kung wala ka sa tabi ko" tinitigan ko siya sa mata at hinaplos ang pisnge nito. Hinawakan niya naman ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya at hinalikan ito. Tumingin siya kay baby leon at nginitian ito.

"Eh, ang baby bunso kaya namin? Parang makulit eh" ang sabi ni lionel sa anak habang kinukuha niya ito mula sa akin.

"Baka mana kay dada si baby bunso ah, hindi kaya?" Ang sabi ko habang tumatawa.

"Wag ka makinig kay papa mo baby bunso. Mabait na ngayon si dada ng dahil kay papa at kay kuya at syempre.... dahil sa baby bunso" ang sabi nito at kiniliti si baby bunso. Tumawa lang ito ng tumawa, pati ako ay hindi ko maiwasang tumawa dahil sa sayang nararamdaman ko.

Masasabi kong masaya na ako, kontento na ako at kahit alam kong hindi "normal" ang tingin nila sa ganitong uri ng pamilya ay wala akong magagawa. Wala sa amin ang problema kundi nasa sa kanila.

Paano ka mabubuhay ng normal kung lagi nalang buhay ng iba ang iniisip at pinoproblema mo? Ang mundong ito ay malaki! Hindi lang ikaw ang binuhay sa mundong ito para masunod ang mga ayaw at gusto mo. E di sana, gumawa ka nalang ng sarili mong mundo kung ayaw mo ng mga taong nasa sa paligid mo at kung saan ay matatawag mo ang sarili mong perpekto.

"Sana lumaki din si baby bunso na maging mabuting bata noh" ang sabi ko kay lionel habang magkahawak ang aming mga kamay at ang isang kamay naman nito ay nakaalalay kay baby leon.

"Oo naman, dahil tayo ang mga magulang nila. Patunayan natin sa kanila na kahit pareho tayong lalaki ay may kakayahan tayong maging mabuting magulang para kanila" tumango lang ako at ngumiti. Hinaplos ko naman ang buhok ni kuya at hinalikan ito sa noo.

"Tulog na tayo hon. Dito narin natin patulugin yang dalawang bata" ang sabi ko sa asawa ko. Ngumiti naman ito sa akin at ibinigay na si baby bunso.

Tumayo ito upang ipagtimpla ng gatas si baby leon. Nang makapag timpla na siya ng gatas ay ibinigay niya ito sa akin at ipinadede kay baby bunso.

"Matulog kana hon kung inaantok kana. Papatulugin ko muna itong makulit na batang to bago ako matulog" ang sabi ko sa kanya.

Umiling lang ito at nahiga sa kama habang nakatagilid itong nakatitig sa amin.

"No! Sabay na tayong matulog" ang sabi niya habang nakapatong ang kamay nito sa tyan ni baby bunso. Nakahiga kase ito sa katawan ko. Hehehe.. ang cute lang. Medyo pumipikit pikit na ang kanyang mata.

Nang masigurado kong tulog na ito ay ihiniga ko na siya sa crib katabi sa higaan namin at nahiga narin ako.

"Good night hon" ang sabi ko at hinalikan siya sa labi.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now