Chapter eighteen

5.1K 270 41
                                    

Jerol's POV

After ng meeting namin ay lumabas na ako ng gate upang antayin ang asawa ko. Iniwan ko na sila maam ana at sir marvin dahil may kukunin pa daw sila sa faculty. Hindi ko naman inaasahan na maaga pala kaming papauwiin. 5pm palang ay tapos na ang meeting namin. Ang sabi ko pa naman kay lionel na 5:30 niya ako sunduin. Di bale, sasakay nalang ako.

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si paulo na nakaupo sa gilid ng kalsada at mukhang may hinihintay.

"Oh, paulo. Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Ah, ano.. ano kase sir. Ahmm.. ano, ahmm.. pwede ko po ba kayong ihatid?" Ang nahihiyang sabi nito.

Napakunot naman ako ng noo. Pero bigla na lang may umakbay sa akin. Nang lingunin ko ito ay si lionel pala.

"Bata umuwi kana at baka mapilayan pa kita. Sige na, nandito na ang asawa niya" ang pananakot nito kay paulo.

Siniko ko naman siya sa tagiliran. Baliw talaga itong lalaking to.

"Awww!!" Daing niya. Tumingin ako kay paulo at ngumiti.

"Sige na paulo. Salamat na lang" ang sabi ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa akin. Halatang dismayado siya.

"Alis!" gulat na sigaw ni lionel. Bigla namang nataranta si paulo kaya mabilis itong tumakbo, lumingon ito kay lionel at dumila. Natawa na lang ako sa pagka-isip bata nito.

Masasabi kong bata pa talaga itong si paulo. Yun nga lang, sa mura nitong puso ay sa akin pa ito nahumaling. Madali para sa mga batang tulad niya ang mainlove. Hay! Pag-ibig nga naman, Oo.

Ang sarap magmahal. Ang sarap maging single, ang sarap maging taken pero ang sakit masaktan at maiwan.

Alam niyo kung bakit marami sa tulad natin mga nasa ikatlong lahi ang nananatiling single, hindi dahil sa bakla tayo o ano! Dahil mahirap talagang malaman kung sino nga ba ang taong papatol sa atin o sino ang taong tatanggap sa atin.

Diba ang hirap maghanap ng kagaya natin lalo na at karamihan pa sa atin ay nagtatago pa rin sa sarili nila. Hindi tulad sa mga babae na kahit hindi na sila gumawa pa ng paraan ay sila na mismo ang lalapitan ng mga lalaki para ligawan at pa-ibigin.

Samantalang tayo, pag hindi ka pa gagawa ng paraan para magkaboyfriend hindi ka talaga magkaka-jowa.

Ang hirap para sa tulad natin ang makahanap ng taong totoong mamahalin. Lalo na at libog at pera pera lang ang ang basehan natin upang mahalin. Wag mong isipin na walang forever hanggat nananatili kang bitter. Sana naman ay irespeto at mahalin mo ang pagiging tao mo.

Huwag ka ring tumunganga diyan at maghintay na ligawan ka o mahalin ka. Real talk to. Dahil aminin man natin o hindi ay hindi tayo babae. Kaya kung gusto mong magka-love life ka aba edi gumawa ka ng paraan hindi yung maghihintay ka ng isang lionel para lang mangyari ang pinapantasya mo. Merong mga lalaki na sila na ang manliligaw sayo tulad ni lionel pero pagwala pa rin.. You gotta, work, work work! Dahil ang pag-ibig ay hindi isang bayabas na aantayin mong mahinog para lang bumagsak sayo at mahulog.

Ama-right o ama-left? Hahaha..

Sabi nga nila, Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan.

Walang naman masamang magpakita ng motibo sa taong gusto mo, malay mo rin naman ay gusto ka rin pala niya at naghihintayan lang kayo kung sino ang mauuna.

Dalawa lang naman ang pamimilian mo diyan eh, it's either maging kayo o hindi. At kung ano man ang kahinatnan ng gagawin mo o magiging desisyon niyo ay dapat niyo itong tanggapin.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now