Chapter four

8.6K 431 59
                                    

Jerol's POV

Wala kaming ginawa ni lionel noong weekends kundi ang mag family bonding. Napagkasunduan kase naming dalawa na ilaan naming pareho ang time sa mga anak namin tuwing wala kaming trabaho.

Ang sarap lang sa pakiramdam. Alam mo yung pakiramdam na kahit pagod na pagod kana sa trabaho mo basta makita mo at makasama mo lang ang mga anak mo at ang ma-alaga mong asawa ay masaya kana.

"Hon, hatid ko na kayo sa school ha" ang sabi sa akin ni lionel. Gusto kase niya siya ang maghahatid at sundo sa amin kahit gaano pa ito ka busy.

"Baka naman malate kana nyan sa trabaho mo hon, ok lang naman na mag commute kami ni jonel" ang sabi ko sa kanya.

"No! Ihahatid ko kayo. Responsibilidad ko yun bilang isang haligi ng tahanan na maging ligtas kayo sa pagpasok at pag-uwi" pagpupumilit nito haixt! Ano pa nga ba? Eh sya na ang nagsabi hahaha... pero ang sweet ng asawa ko. Nikikilig ako. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.

"Jonel anak, bilisan mo na dyan at baka malate na si dada mo sa work" ang pagtawag ko dito. Nasa kwarto pa kase sya binibihisan pa ni manang.

"Andyan na po papa" ang sigaw nito mula sa kwarto.

Pagkababa nila ay nagbilin lang kami kay manang at nagpaalam na kami dito.

Habang nasa byahe kami ay walang ginawa si jonel kundi ang kumanta ng kumanta.

Tatlong bibe.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, sya ang lider na nagsabi ng kwak kwak.. kwak kwak kwak, kwak kwak kwak..."

Ang pagkanta nito habang sumasayaw na akala mo'y isang bibe. Nakakatuwa syang tingnan.

Ang cute cute cute ng panganay namin. Hindi ko kase sya masyadong makita dahil nasa back seat sya, samantalang ako naman ay nasa tabi ni lionel.

"Dada, sabayan mo po akong kumanta" ang sabi nito sa daddy lionel nya.

"Eee.. hindi ko alam yan anak. Si papa mo nalang kaya" ang pagpasa nito sa akin.

"Hmmpp.. ang kj kj mo naman hon" ang pagmamaktol ko dito. Pero tinawanan niya lang ako.

"Sige na hon. Sabayan mo na si kuya. Gusto ko yung may pagsayaw sayaw din ha! Yung parang bibe. Hahaha" pang-aasar nito sa akin. Napa-pout naman ako.

"Papa, dali na po. Sabayan nyo na po akong kumanta, ayaw po kase ni dada eh" ang pamimilit nito sa akin.

"O sige nanga" pagsang-ayun ko. Bigla naman itong nagtatatalon sa loob ng kotse.

"Yeheyy! Yeheyy! Kakanta kami ni papa" ang masayang sabi nito. "Ok papa! 1... 2.... 3..." ang pagbibilang nito at sabay na kaming kumanta.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, sya ang lider na nagsabi ng kwak kwak.. kwak kwak kwak, kwak kwak kwak..."

Habang sabay naming kinakanta at sinasayaw ni jonel ang tatlong bibe ay walang ginawa si lionel kundi ang tumawa ng tumawa. Kahit nakaupo ako ay hindi ko rin maiwasang kumembot na parang isang bibe.

"Ang cute po ni papa diba dada?" Ang sabi ni jonel sa daddy nito habang ako ay nakanguso lang dahil sa hiya at pamumula.

"Oo kuya, ang cute cute ni papa mo hahaha.." ang walang tigil na pagtawa nito. Pinalo ko naman sya ng mahina sa braso.

"Nakakainis ka naman eh! Bakit mo ako pinagtatawanan?" Ang nakanguso ko paring tanong dito.

Hinawakan nito ang kamay ko habang nakatingin sa kalsada.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon