Starring 52

10.4K 161 9
                                    

STARRING 52

BABASAGIN


Pababa na kami ng elevator ni Franz. Pupunta kami sa lobby para makakain kasabay iyong mga kasama namin. Kanina pa ako hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Kinakabahan kasi ako doon sa honeymoon na binitawan niya kanina. Sa loob ng ng room namin ay sinigurado ko na palagi akong sampung malayo sa kanya. Mahirap na!

Ayaw ko muna kasing ibigay ang V-Card ko kay Franz. Hindi pa ako handa. Hindi pa rin kasi malinaw ang lahat sa aming dalawa. Saka we will do it, tapos after a year eh maghihiwalay din kami. OMG! Wala sa hinagap ko na mangolekta ng buhay ng stuff toy, noh!

Kung tutuusin, pwede ko naman talaga ibigay na sa kanya ang pinakaiingatan ko sa loob ng 17 years. Ang problema lang, ayaw ko itong ibigay ng walang pagmamahal na involve. Sabihin na ninyong maarte ako, pero ayoko talaga ng plain sex lang. Ang gusto ko, make love at hindi sex. Siyempre first time ko, tapos gagawin ko pa iyon out of lust? Hindi makatarungan!

"Hey! Bakit nangangatog ka?" Concern na kinalabit ako ni Franz sa balikat pagkasakay namin ng elevator.


Napaigtad ako sa gulat. "H-ha? H-hindi ah!" Pilit kong pinakakalma ang boses ko pero hindi ko kaya.


Kumunot ang noo ni Franz. Humakbang siya sa akin kaya napaatras ako. 'No! No! Huwag!' Protesta ng utak ko. Dito ba namin sisimulan? Naku! Kakain pa kami di ba?

"Steph! Ano bang nangyayari sa iyo?" Medyo may kalakasan ang boses na sabi niya.

Franz is wearing 3/4s navy blue shirt and denim pants. Naka topsider siya and hoody jacket na makapal. Napaka gwapo talaga. Any girl will fall into his charms. Baka nga iyong iba, sila pa mismo mag-alay ng katawan nila sa kanya. Grabe!

"W-wala naman ah." Deny ko. Pero umatras ako at hinila pasara ang hoody fur jacket na suot ko sa ibabaw nitong 3/4s ko ding shirt na pink, at denim pants. Naka topsider din ako, pangbabae nga lang. Para nga kaming sasayaw kasi parehas kami ng suot kung tutuusin. Nagkagulatan nga lang kami sa sala ng suite namin ng makita naming parehas ang suot namin.


Hinawakan niya ako sa pisngi. Lalo akong nangatog kaya umatras ako para mabitawan niya ako. Kumunot ang noo niya. Marahil ay nagtataka kung bakit ako ganito kaweird ngayon. Bakit ba naman kasi kaming dalawa lang ang laman ng elevator na ito?


"You're acting strange, Steph. Really strange!" Naisuklay niya pa ang kamay niya sa kanyang buhok. Binasa pa niya ang lips niya. So yummy! Hay!

OMG! Is Franz trying to seduce me? Bakit parang husky pa ang boses niya ng sinabi niya iyon? 'No! No! No! Huwag kang magpa-tempt, Steph!'

TING!

Mabuti na lang at bumukas na ang pintuan ng elevator. Para akong naso-suffocate kaya bigla akong tumakbo palabas.


"STEPH, WAIT!" Narinig kong sigaw niya. Nang mapansin kong marami namang tao dito sa super busy na lobby ay huminto ako at inantay siya. Siguro naman ay walang mangyayaring intimate moment sa ganito karaming taong lugar.

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ako. "Bakit ka ba tumakbo?" Nagtataka pa ring tanong niya.


Ngumiti ako ng pilit. Medyo unti-unti na akong kumakalma. Nasa madaming tao na kami eh. "Gutom na kasi ako?" Patanong pa ang tono ko. Sana hindi mahalatang alibi ko lang iyan.

"Then let's go." Inakbayan niya ako at pumunta na kami sa lugar na eat all you can dito sa buffet area ng hotel.


Kilig naman ang nararamdan ko ngayon. Magkadikit ang mga tagiliran namin. His hand is touching my shoulder. Gad! It sends shivers to my spine. Parang may kuryenteng gumagapang sa aking buong sistema. Parang gustong lumabas ng paru-paro sa aking bibig mula sa aking sikmura.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon