Starring 36

10.7K 163 8
                                    

STARRING 36

DON'T HURT ME AGAIN

"FRANZ ROFF SPOTTED WITH HIS NEW GIRLFRIEND. IS SHE THE REASON FOR FRANZ & FATIMA'S BREAK-UP?" - Metro Manila Times

"FRANZ SCREAMED TO HIS FANS TO DEFEND HIS NEW GIRLFRIEND!" - Paparazzi Daily

"ROFF WITH HIS NEW GIRLFRIEND. THE SAME GIRL WHOM VON LEE PROUDLY ANNOUNCED TO BE HIS GIRL 8 MONTHS AGO." - The Star News

"MALANDI AT CHEAP ANG BAGONG GIRLFRIEND NI FRANZ ROFF!" - Xerex Magazine.

"ANG BAGONG SYOTA NI FRANZ AT ANG GIRLFRIEND NI VON, IISA?"- Chismis Tabloid.

"Bakit hindi kayo nag-iingat? Dapat ay nagsama kayo ng bodyguard mula sa kumpanya natin o driver man lang para may tumutulong sa inyo ng ganito?" Tanong ni Ninong Lance. Siya ang kasalukuyang President at isa sa mga CEO na Lao Entertainment. Isa siya sa mga kinuha ng magulang ni Franz para maging ninong namin sa private wedding namin kamakailan.

Ang agang dumating ni Ninong dito sa condo para lang dalhin at ipakita sa amin ang ang mga headlines sa tabloid, broad sheets at magazines ngayon.

"Hindi naman kasi dati ganoon ka-wild ang mga fans ko." Nakatungong sagot ni Franz. Nakaupo kami sa sala at magkatabi sa upuan.

Si Franz ay nakatungo at nakapatong mga siko sa kanyang tuhod. Habang ako ay nasa tabi niya at nakatungong nakikinig sa sermon ng pabalik-balik na si Ninong Lance sa harap namin.

"Franz, alam mo naman na mas lalo ka ng sumisikat ngayon. Dapat ay lagi mong inaasahan na ang mga ganitong bagay." Mas malumanay na ngayong pangaral niya.

"Ayos lang naman na pagkaguluhan, pero ang makita kong saktan nila si Steph, hindi pwedeng tumahimik lang ako." Sagot niya.

Lumapit si Ninong sa akin. Hinawakan niya ang isang braso ko at ininspeksyon. Puro kalmot ako at pasa. "Itaas mo nga ang pajama mo." Mahinahong utos pa ni Ninong Lance.

Tumingin si Franz kay Ninong sa emosyong hindi ko mabasa. "Kailangan pa bang itaas ang pajama niya?" Tanong niyang alanganin sa gustong ipagawa ni Ninong. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na puno ng lungkot sa mata.

Alam kong hindi maganda ang timplada ni Ninong kanina pa. Kaya napatingin din ako sa kanya dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Hindi ko mamanyakin ang asawa mo. Napakaseloso mo!" Mula kanina ay ngayon ko lang nakitang ngumisi siya.

Namumulang nagkatinginan kami ni Franz. "Nagseselos? Hindi ako nagseselos, Nong!" Baling niya na parang natata3 ang itsura! Gusto ko sanang humalakhak pero pinigilan ko na lang.

"Oh sige na, Steph, itaas mo na." Baling ni Ninong sa akin at umupo sa kabilang gilid ko.

The StarWhere stories live. Discover now