Starring 4

12.3K 200 10
                                    

STARRING 4

PANGET DAW

Lalong parang inugatan ang mga paa ko sa pwesto ko. Kinailangan pa akong itulak ni Dei para lang makahakbang ako palapit kay Miss Menchie. 

"Sino ka?" Nakataas ang kilay sa aking tanong ni Psy.

"A-ako po si Stephanie Cruz. Kaklase po ako ni Franz." Nabubulol na sagot ko. Hindi ko na nasabi na kababata ko si Franz, na kung may mas makakakilala sa kanya ay ako iyon. Kinakabahan kasi ako kung ano ang magiging participation ko dito sa Special na ito for Franz. Nasaan na ba kasi ang supladong iyon? Bakit wala siya dito?

Tiningnan ako ni Psy mula ulo hanggang paa. Honestly, bakit kailangan niyang gawin iyon? Nag-aapply ba akong modelo? Kaya napalunok na lang ako sa kaba. Napatingin ako sa mga kaharap ko. Si Miss Menchie at Kuya Dave ay nakangiti lang sa akin. 

"Fighting, Steph!" Napangiti ako sa narinig kong sigaw ni Dei. Naiwan kasi siya doon sa pwesto namin kanina na kasama ng crowd.

"Huwag mong takutin ang bata." Saway ni Miss kay Psy. Mabuti na lang talaga at mabait si Miss Zacarias.

"Alam mo.." At inikutan ako ni Psy. Kinabahan naman ako lalo. Baka hindi ako tanggapin sa shoot kasi hindi naman ako star quality tulad ni Miss Menchie.

Napatingin pa ako sa paligid. Gusto ko nang lunukin ako ng lupa. Ang lahat din kasi ay nakatingin sa akin. May mga nagbubulong-bulungan pa sa paligid ko.

"Ang ganda ni Steph." Student 1.

"Kaibigan pala siya ni Franz?" Student 2.

"Kababata pala?" Student 3.

Ok na sana ang bulong-bulungan eh. Pero may isang medyo may kalakasang narinig ako sa paligid.

"Patay na patay iyan kay Franz. Baka ipahiya lang niya si Franz."

Nagsalubong ang kilay ko at hinanap ko ang pinaggalingan ng boses. 

Bingo! 

Si Kyla pala eh! Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Kahit kailan talaga, palasapaw ang babaeng ito! Moment ko na eh. Sinira pa.

"Pwede ka ding modelo ah." Comment ni Psy na kumuha ng attention ko pabalik sa kanya.

"Naku! Ayoko pong mag-artista." Sabi ko naman.

Bumalik na si Psy sa pwesto niya at muling hinarap sina Miss. "Kailangan ko pa ng isang close friend." Reklamo niya kay Miss.

Nakangiting sumagot naman si Kuya Dave habang nakaakbay kay Miss. Ang sweet! 

The StarWhere stories live. Discover now