Starring 78

8.1K 157 36
                                    

STARRING 78

BARYO MASAYA



Hanggang sa marating namin ang destinasyon namin ay hindi ko na nagawang tingnan at kausapin man lang si Franz. Nagtulog-tulugan na lamang ako. Magkahalong ilang at hiya kasi ang nararamdaman ko. Sa sobrang hiya ko nga sa kanya, kahit awayin siya ay hindi ko magawa. Kung bakit ba naman kasi niya ako hinalikan ng basta-basta sa labi eh?!

Hindi ko matanggap na hinayaan ko ang labi niyang ubod ng dumi na dumampi sa akin. Ang mga labi niyang mapupula at ubod ng lambot na parating nahuhuli kong kung sinu-sino ang hinahalikan. Yuckk! Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin malimutan at hindi mapigilang hindi purihin ang nakabibighani niyang lips.

Biglang sumagi sa isip ko ang eksenang hinalikan ako ni Franz sa harap ng tao. Nakasandal ako sa taxi at pinatitinginan kami ng naiipit na mga mamamayan sa gitna ng trapik. Ibig sabihin, hindi iyon ang first kiss naming dalawa?

"Hey! Kanina pa kita tinatanong kung anong blood pressure ni Manang." Untag sa akin ni Kuya Art. Siya kasi ang nakabantay sa lamesa ko habang ako ang taga-bp at si Anne, kaklase rin namin at kagrupo, ang siyang naglilista. Ang Professor kasi namin ay nasa ibang baranggay pa at doon muna nagoobserve. Hindi ko alam kung anong oras siya dadalaw dito sa amin sa Baryo Masaya.

"Daydreaming?" Comment nang nasa kabilang mesang si Franz. Bakit ba nakasahod ang tenga niya sa amin?

"Che!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Pero ang loko, humalakhak pa! Sarap kurutin sa singit eh!

"Steph, anong reading?" Tanong naman ngayon ni Anne. Nakakahiya! Dalawa na silang nagtanong.

Naputol ang pakikipagaway ko kay Franz na nasa kabilang lamesa at pinakinggan ng mabuti ang resulta ng ginagawa ko. "120/70mmHg." Sabi ko. Para iyon sa tanong ni Kuya Art at para na rin mailista ni Anne.

"Salamat, Ineng." Pasasalamat sa akin ng ale.

"Walang anuman po." Sagot ko habang pinapanuod siyang tumayo na at pumapalit ang kasunod niya sa pila.

Tumikhim naman si Kuya Art. "Anne, ikaw ang kumuha ng bp at si Stephanie muna ang maglilista ng mga impormasyon ng mga pasyente." Utos niya sa amin bilang senior namin sa kursong ito.

Nakakahiya! Marahil ay napansin ni Kuya Art na kanina pa ako wala sa sarili. Ang dapat sisihin dito ay si Franz at ang kanyang sweet lips. Damn! Ayan na naman ako eh! Labi niya na naman ang nasa utak ko.

"Nasa cloud nine ata kasi si Steph." Sabi ni Franz na walang magawa kundi asarin ako.

"Can you please mind your own business?" Naiiritang singhal ko sa kanya. Inayos ko din agad ang timpla ng mukha ko dahil ang dami nga palang nakatingin sa amin.

"Sure, Baby!" Malokong sabi ni Franz. Siya ang tagalista sa lamesa nila kaya nakakapagingay iyan.

"Uyyy!" Tukso ng mga pasyente sa pila. Pati ba naman sila? Hay naku!

"Tama na iyan. Palit muna kayo, Anne." Ulit ni Kuya Art.

The StarWhere stories live. Discover now