Starring 6

12.8K 196 9
                                    

A/N:

HEYPI NYU YIR!!!

_____________________________________________

STARRING 6

VANITY LEE

Okay naman ang naging interview sa akin sa school noong isang araw. Nang i-air nga iyon ay tinalo niya pa ang rating noong palabas sa kabilang channel. It only proves na sikat na talaga si Franz Roff. Walang youth ang hindi nakakakilala sa kanya. May mga ilan pa ngang may mga anak na, pero patay na patay pa din sa lolo ninyo.

Ang inyong lolo na napakabait, sobrang magtake advantage. Paano ko nasabi? Well, ginagamit lang naman niya ang pagkagusto ko sa kanya para pagawa na naman sa akin ang isang research work namin. At dahil doon, puyat na puyat na naman ako. Samantalang ang magaling na Franz, hindi ko alam kung saan nagpunta kagabi. 

Tinext ako ni Von kagabi na sumunod daw ako sa The Chase Bar. Tumugtog ata sila doon kagabi. Ang kaso ay hindi ko pa nasisimulan iyong research ng Mahal na Prinsipe Suplado kaya tumanggi ako kay Von. Kinulit ako ng kinulit ni Von, pero hindi talaga niya ako napasunod.

Alas-dose na ako nagising. Alas-singko ba naman ako ng umaga nakatulog eh. Pagkalinis ko ng katawan ay dumiretso agad ako sa kusina para kumain.

"Anak, late ka na ata masyado natulog?" Puna sa akin ni Mama na nakaupo na sa dining area. 

"Good afternoon po, Ma, Pa, at Dale. Sorry po at tanghalian na ako nagising. Inumaga na po ako sa reasearch ko." Paghingi ko ng paumanhin sa family ko. Hindi ko na bnaggit na pati iyong kay Franz ay ginawa ko. Syempre, ayokong masira ang image niya sa future inlaws niya. Hihihi! At dahil walang pasok ngayon kaya halos kumpleto kami sa bahay.

"Ok lang, Steph. Kain na tayo." Sagot naman ng ever bait kong Papa.

Sumandok ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Ang sarap talagang magluto ni Mama. Wala kaming katulong sa bahay kasi hindi naman namin kailangan. Apat lang naman kami sa bahay na ito, kaya kayang-kaya na naming pagtulungan ang mga gawaing bahay.

"Ate, pumunta nga pala dito kaninang mga 10:00 a.m. si Kuya Von." Sabi sa akin ng kapatid kong si Dale.

"Talaga? Anong sabi?" Tanong ko sa kapatid ko na nasa tabi ko nakaupo.

"Manuod ka daw ng gig nila mamayang gabi." Inform naman nitong kapatid ko. 

"Naku! Ayoko." Nasabi ko na lang sa kanya. Ayokong lumabas ng bahay mamayang gabi. Aabangan ko kasi sa net iyong paborito kong My Lover from The Stars. Korean drama iyan na weekly ang update. Nakakainlove panoorin eh.

"Anak, pumunta ka na. Nakiusap sa akin si Von na payagan ka. Para daw may magbantay ng things nila habang natugtog sila." Nakangiting sabi sa akin ni Mama. Palibhasa ay kumare naman nila sina Tita Zyrah kaya tiwala sila kay Von.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon