Starring 63

9.6K 173 57
                                    

A/N:

Salamat sa mga nagvote at nagcomment. I need 30 VOTES & 20 COMMENTS= UPDATE for the next CHAPTER. Pagbigyan na po ninyo ako. I just wanna know kung may interesado ba talaga dito.

Salamat sa comments nina: @tipitipitin, @MrsSuzy, @QuelaiDublas, @Athena_9, @karlrichmell, @aiapots_ventulove, @julliankeith, @miaka_love, @efrencerila, @KhayEan, @VanessaHerederoSeral, @rehyuma, @josen1136, and syempre @mjvelasc0. Salamat sa votes ninyo, guys!

________________________________________

STARRING 63

FACEBOOK ACCOUNT

Magkahawak kamay kami ni Franz nang palabas na kami ng restaurant. Grabe ang sayang nararamdaman ko. I never imagined na magiging ganito kami kasaya. Ang buong akala ko kasi, talagang habang buhay na niya talaga akong hindi magugustuhan. Pero ewan ko kung anong nangyari at umabot kami sa ganito. Mahal na daw niya ako.

"Tulungan mo ako." Untag sa akin ni Franz. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala. 11:30 pm na kaya kailangan na naming umuwi. 7am pa naman ang flight namin bukas.

Humalakhak ako. "Bakit kasi kailangan pa iyang bitbitin?" Natatawang sambit ko.

Dala-dala pa kasi ni Franz iyong mga lobo sa resto. Iyong red balloons na ngayon ko lang nabasa na may mga nakasulat palang "I love you, Steph!" Kanina kasi ay hindi ko masyadong napansin.

"Pss.. Ang tamad naman nito. Sige na nga, huwag na lang. Gusto ko lang namang kuhanan ka ng litrato habang bitbit ito." Ngumungusong sabi niya.

Natatawa pa rin ako sa pag-iinarte niya. "Hey, Mister! Can you please take some pictures of us?" Sabi ko doon sa guard ng restaurant. Iniabot ko ang iPhone na nasa loob ng handbag ko para makunan kami ng litrato.

"Sure, Madame!" Sagot ng willing na guard. Ngumiti naman ang gwardiya habang nakatitig sa akin. Lalo tuloy sumama ang timpla ng mukha ni Franz.

"Huwag na lang kaya? Ang lagkit ng titig niya sa iyo, eh!" Naiinis na sabi niya.

Naiiling na lang ako sa sinabi niya. "Seloso!" Nakangiting sabi ko. Hinigit ko na siya sa tabi ko. "Ngumiti ka." Utos ko sa kanya.

Ngumiti naman siya kahit hindi ko alam kung pilit. Nakayakap ako sa kanya habang dala niya ang mga lobo. Isang dosena rin iyon kaya ang cute lang tingnan.

"Another one please?" Pakiusap ko sa guard at agad naman siyang pumayag. "Ako naman magkakapit." Agaw ko sa mga balloons na iniabot niya naman sa akin.

Niyakap niya ako mula sa likod habang ang baba niya ay nasa isang balikat ko. Hawak ko ang mga lobo sa isang kamay at ngumiti ako sa camera. Nagflash iyon at siigurado kong maganda ang ngiti ko.

"Another one." Mukhang nagenjoy si Guard sa pagkuha ng litrato namin kaya siya na ang nagvolunteer na pictureran ulit kami.

Kaya lang bago magclick ang camera ay nagulat ako. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang lobo. Bigla kasi akong iniikot ni Franz at hinalikan ng mabilis sa labi. Halik na tamang-tama lang kasabay ng pagilaw muli ng flash ng iPhone ko.

"Thank you!" Ngiting-ngiti si Franz ng iabot na ang celphone ko sa kanya ng gwardiya. Hindi na niya inintindi ang nagliparang lobo niya.

"Patingin." Medyo malungkot tuloy ako at biglang nanghinayang sa mga lobo. Naisip ko na hindi ko man lang naipakita kay Ninong Lance at Ninang Hera ang mga iyon.

Sabay naman naming tiningnan iyong mga nakuhang litrato namin ng makarating na kami sa harap ng black porsche ni Ninong Lance. Sumandal si Franz at pinasandal niya ako sa dibdib niya. Nakayakap siya mula sa likod ko at binuksan ang gallery sa iPhone ko.

The StarWhere stories live. Discover now