Starring 24

11.4K 150 7
                                    


STARRING 24

VIGAN TRIP

Bakasyon na kami sa school. Pasado naman kaming lahat sa mga subjects namin. 7th monthsary namin ni Von ngayon. Ang alam ko malapit na rin ang kina Franz. Mukha namang aabot din sila ni Franz ng 7 months kahit na panay ang tampuhan. Ang pangako ni Franz noong huli na last na daw niyang pagpapatulong sa akin ay nasunod naman. Ang balita ko kasi, si Fatima naman ang madalas inaaway ni Franz ngayon. May pagka-liberated kasi siya, at ang lolo ninyo ay masyadong makaluma at seloso.

Alas tres ng madaling araw at nabyahe na kami ngayon ni Von papuntang Vigan. Doon naman ako ipapasyal ni Von ngayon. Pinagpaalam pa niya ako na bukas daw ng gabi ang uwi namin. Pinayagan naman ako nina Mama kasi may tiwala sila sa amin ni Von. Si Tito Zeon pa ang nag-ayos ng accomodation namin. Wala talaga kaming problema sa mga families namin dahil tanggap kami sa magkabilang side. Ideal relationship ika nga.

Pagdating namin sa maliit na hotel sa Vigan ay dumiretso kami sa front desk. Madami pang nagpapicture at nagpa-autograph kay Von dito. Kahit saang sulok talaga ng Pilipinas, kilalang-kilala siya. Kaya naman may plano ang Lao Entertainment na i-introduce na rin abroad ang album nila. Sana nga ay maging successful. Dahil mula pagkabata ay ito na ang hilig niya kaya suportado ko siya.


Pagkatapos ng mahabang pagpapaunlak ni Von sa mga tao dito ay nakarating din kami sa suite namin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng room na pinareserve ni Tito Zeon para sa amin. Overlooking kasi siya sa greenfields ng Vigan. Ang ganda ng nature dito.

"You like it?" Tanong ni Von ng umalis na iyong bellboy na tumulong sa pagbubuhat ng mga bagahe namin. Naandito kasi ako sa terrace at kinikunan ko ng picture ang magandang bukirin.

"Oo. Thank you!" Sagot ko sa kanya.

Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "Walang anuman, Sweetheart. Mas nagpapasalamat ako sa iyo para sa seven months of wonderful relationship with you." Malambing na sabi niya. Hinalikan pa niya ang gilid ng aking tenga.


Parang may gumapang na kuryente sa akin ng halikan niya ako sa may tenga. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa kiliting hatid ng kiss niya. Ang lamig dito sa Vigan pero nag-iinit ako sa hindi ko malamang dahilan.

Agad akong napalayo sa kanya. "Von naman e. Nakakakiliti kaya!" Maktol ko sa kanya.

"Nakakakiliti ba?"

"Ayy!" Napatili ako kasi bigla niya akong niyakap sa unahan at pinaghahalikan sa leeg. "Ahahaha! T-tama.. Ha! Ha! T-ta-ma na!" Sabi ko sa gitna ng pagtawa. Kasi naman, nakakakiliti talaga eh.

Tinigilan naman ako ni Von pero nanatili siyang nakayakap sa aking bewang ng mahigpit. Iyong mga kamay ko ay nakaharang sa chest niya. Shemay! Ang firm naman ng chest niya!

Dug..

Dug..


Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Nang dahan-dahan niyang tawirin ang distansya ng aming mga labi, at gawaran ako ng isang mahabang halik na ikinasiya ko namang tanggapin.

Napahawak ang isang kamay ko sa batok ni Von at ang isa ay sa kanyang buhok. Ang kamay niya namang isa ay nanatili sa bewang ko, habang ang isa ay nasa likuran ko at hinahaplos iyon. Nakakadala ang matatamis na halik ni Von.

"Von.." Hindi ko napigilang daing ko sa gitna ng paghahalikan namin. Nabibitin ako ng itigil niya ito at nakatungo siyang pinagdikit ang noo namin.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon