Starring 25

10.7K 164 26
                                    

A/N:

Medyo SPG!

_____________________________



STARRING 25

AYAW MABUHAY, AYAW HUMINGA





Hawak ni Franz ang kamay ko. Umiiyak siya. Awang-awa ako sa kanya. "Ano bang problema?" Concern na tanong ko sa kanya.



Parang hirap na hirap na siyang huminga kakaiyak. "Break na kami." Mahina pero malinaw na sabi niya.



"WHAT??" Gulat na gulat na reaction ko. Napaawang ang aking mga labi sa labis na pagkabigla.



"Nakipaghiwalay siya dahil gusto daw muna niya ng space." Sabi niya habang pipikit-pikit pa at lumuluha.



Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinunasan ng daliri ang mga mata niya. "Bakit nagkaganoon? Ok naman kayo ah?" Nagtatakang tanong ko. Huminto na rin sa wakas ang pagluha niya.



"Ayaw niya kasing maniwala na siya lang ang mahal ko. Nagseselos siya doon sa babaeng katabi ko kanina sa bar."



"Bakit hindi ka nagpaliwanag?"



"Napagod na ako kakapaliwanag pero ayaw niyang makinig. Sht, Steph! Tangn@! Mahal ko siya eh. Mahal ko si Fatima." Sentimyento pa niya. Ayan na naman ang mga luha niya at naglaglagan na naman!



"Matulog ka na at bukas na natin pag-usapan. Antok na antok na ako, Franz. Hindi ko na alam ang ipapayo ko sa iyo." Sabi ko pa sa kanya.



"Pwede bang dito ka matulog?" Pakiusap niya sa akin.



"Ha??" Nagulat na reaction ko.



"Dito ka na matulog." Ulit pa niya.



"No. Hindi pwede, Franz. Magagalit si Von kapag nalaman niya. Saka ayoko. Ayoko talaga!" Tanggi ko. Ano na lang iisipin ni Von kapag dito ako natulog kina Franz?



Hinawakan niya ang balikat ko. Medyo gumewang pa siya at muntik ng mauntog sa headboard ng kama niya. Mabuti na lang at nasambot ko ang ulo niya.



Nagkatitigan kaming dalawa. This is the first time na nagkatitigan kami ng ganito kalapit. Iyong halos maghalikan na ang labi namin. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa bumaba ang paningin niya sa mga labi ko.



'Will he kiss me?' Nagpapanic na tanong ng utak ko. Binitawan ko agad ang ulo niya at lumayo ako sa kanya. Hindi naman ako tuluyang nakalayo kasi kinabig niya bigla ang batok ko.



Maygad!



He is kissing me!



Dug..



Dug..



Paano si Von nito? Lagot ako sa kanya!



Itinutulak ko siya ng pilit pero dahil nga lasing ako, hindi ko maibuhos ang aking lakas. "Franz, huwag!" Awat ko sa kanya at iniilag ko pa ang ulo ko. Ayokong magkasala kay Von. Mahal ko ang bf ko.



Pero dahil lasing din si Franz, mas buhos ang bigat niya ng daganan niya ako. Patuloy siya sa pagsasamantala sa labi ko. Ang mga balahibo ko tuloy ay nagtatayuan. Kinikilabutan ako kasi nagtataksil ako kay Von.



"Franz, please.." Pakiusap ko habang pabiling-biling ang ulo.



Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas pinag-igi ang paghalik sa mga labi ko. Isinara kong mabuti ang lips ko para hindi niya ako mahalikan ng husto.



Gumapang ang kamay niyang isa sa ibabaw ng damit na suot ko, sa tapat ng dibdib ko. "Franz, no..." Ang pagtanggi kong iyon ay sinamantala niya para halikan ako ng mapusok. Hilong-hilo na ako sa antok. Pilit ko siyang inilalayo sa akin at binubugaw ang kamay niyang patuloy sa paghaplos sa dibdib ko.



Franz is raping me!



"Franz, no.." At tumulo na ang luha ko. Nalasahan niya ata ang alat ng luha kong bumukal sa mga mata ko. Naiyak ako kasi hindi ko akalain na magagawa ni Franz sa akin ito. Naiyak ako sa takot na paano na ako kapag nalaman ni Von ito?



Lumayo naman siya at umalis sa ibabaw ko. Humiga siya sa tabi ko at kinumutan ako. "I'm sorry, Steph! Sorry!" Hingi niya ng paumanhin.



Umupo ako at pinagsasampal siya sa mukha. Hinayaan niya lang akong saktan siya. "Miserable ka lang idadamay mo pa ako?!?" Umiiyak na sigaw ko, habang patuloy ang paghampas sa pisngi niyang pulang-pula na. Hanggang sa pumutok na ang labi niya at dumugo dahil sa tindi ng huling sampal ko.



Natulala ako ng makitang umaagos ang dugo sa labi niya. Kinuha ko ang kumot at pinunas ko sa lips niya. Wala naman siyang sinasabi. Basta lumuluha din ang kanyang mga mata. Alam kong masakit ang puso niya ngayon. Dala siguro ng alcohol kaya nagawa niya ito. Pero nag-aalala kasi ako kapag nalaman ito ni Von.



"S-sorry!" Hingi ko ng tawad.



Niyakap niya ako. "Kulang pa iyan sa ginawa ko. Sorry, Steph!" Lumuluhang sabi niya sa akin.



Ramdam ko ang panginginig ng kanyang buong katawan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at humiga ako sa tabi niya at yumakap din pabalik. Marahil ay dahil sa awa. Dahil kung ako ang iiwan ni Von, baka mas malala pa ako sa kanya. Baka magdilim din ang paningin ko at patayin ko ang unang taong makikita ko. Mababaliw ako kapag naghiwalay kami ni Von.



Inalo ko siya. "Matulog ka na. Bukas na natin pag-usapan ang nangyaring ito. Kailangang malaman ito ni Von bukas." Sabi ko pa sa kanya. "Ayokong maglihim kay Von lalo na at ganito kaseryosong bagay." Dagdag ko pa. Bakas ang konting disappointment sa mga mata ko dahil nagtiwala ako kay Franz tapos nagkaganito.



Niyakap niya ako ng mas mahigpit. "Oo. Kahit patayin ako ni Von, handa ako. Hindi ko sinasadya, Steph. Hindi na ako nakapag-isip ng tama." Sabi pa niya. Medyo lumamang ang haplos ng awa sa puso ko. Alam ko kasing kung nasa tamang wisho si Franz, never niyang magagawa ang ganito.



Hinigit ko pa lalo ang kumot dahil dumudugo na naman ang labi niya. "Sshh.. Matulog ka na." Bulong ko pa sa kanya.



"Mamaya ka umalis kapag nakatulog na ako." Parang batang sabi niya sa akin. Sa oras na ito, gusto kong sugurin si Fatima at sampalin ng mas marami kesa sa ginawa ko ngayon kay Franz. Bakit ba hindi niya pakinggan si Franz? Wala naman siyang history ng pagiging babaero kahit na halos ialay na ng mga babae ang katawan nila sa paanan niya.



Nanaig ang pangunawa ko sa kanya kesa sa ginawa niya sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro ay dahil sugatan na nga ang puso niya, dadagdag pa ba ako? Mas pinili ko ang unawain na lang siya. Lalo na at nakita ko kung gaano siya ka-sincere sa paghingi ng tawad. After all, I am his friend. Saka halik at haplos lang naman ang ginawa niya. Iligo at mag-toothbrush lang ako mamaya, tanggal na. Hindi pa rin mawala sa isip ko na, if I were in his shoes, what will be my actions? 

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon