Starring 71

8.3K 160 42
                                    

A/N:

Salamat po sa patuloy na nagbabasa ng kwentong ito. Salamat din po sa comments nina: @annz29, @QuelaiDublas (Sana gumaling na si Father mo. Parehas tayo maysakit din si Pader.), @KhayEan, @aldreiclyde, @MichelleBacuyag, @pRiNcetAtZZ709, @Paul_Samboa, @rehyuma, @aiapots_ventulove, @miaka_love, @jhasmincute12, @oishiangela, @dhione, @MrsSuzy, @hanazawa_rui21 @RaRaDee, at @mjvelasc0.

Alam na... 30 v0tes & 25 comments = UPDATE po!

__________________________________________

STARRING 71

ALA-ALA

Natapos ng maaga ang first subject namin. Dahil ikalawang araw pa lang naman ng pasukan kaya nagbigay lang ng short quiz ang guro namin tungkol sa natutunan namin sa pre-requisite ng subject niya last sem.

"Franz!" Tawag kay Franz ni Jacob. Kilala ko si Jacob kasi matagal na siyang kablock section namin.

Tumayo naman at tamad na lumapit si Franz sa pwesto nina Jacob sa unahan. Napansin ko na hindi lang ako ang nakasunod ang tingin sa kanya. Pati mga iba kong kaklaseng babae ay nakasunod din ng tingin. Ang kaibahan lang, hindi maitatago ang paghanga nila sa kanya sa kanilang mga mata. Samantalang sa akin, ay simpleng tingin lang.

Star section kami kaya blocked section na rin. Hindi namin kailangang lumipat ng rooms for the next subject. Ang mga guro ang pumupunta sa amin. Kaya ang mga kaklase ko ay kanya-kanyang daldalan. Tulad nina Franz na nagkukwentuhan habang siya ay nakasandal sa lamesa ng teacher at nakapamulsa.

Hudyat na iyon na pwede ko nang tanungin si Dei dahil busy na sila. "Dei." Tawag ko kay Dei. Napatigil siya sa paglalaro ng Floppy Bird sa android phone niya.

"Hmm?" Sagot niya habang nilalagay sa bulsa ang cp niya.

Lumunok muna ako. Parang kailangan ko ng lakas ng loob para simulan ang mga tanong ko. "Dei, alam mo bang may amnesia ako?" Panimula ko sa kanya.

"Oo." Sagot niya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko pa.

Humilig siya sa upuan ko para masigurong kami lang ang magkakarinigan. "Kay Franz." Simpleng sagot niya at sumulyap siya sa unahan kaya napatingin din ako. Nagiwas naman agad ako ng tingin ng madatnan si Franz na ngumingiti ng tipid sa mga kasama niya pero sa akin nakatingin.

"Sinabi niya sa iyo?" Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko kasi hindi naman sila masyadong malapit ni Franz. Kaya lang siya nakakalapit ay dahil sa akin.

Umiling siya. "Steph, may sasabihin ako sa iyo na tingin ko ay sikreto. Promise mo huwag mong sasabihin. Lalo na kay Franz." Bulong niya sa akin.

Medyo kinabahan naman ako sa tono ni Dei. "Ano?" Tanong ko at sinisigurado kong nakikinig akong mabuti. Kahit ang lakas ng halakhakan nila Jacob sa unahan ay nakahanda akong makinig kay Dei. Tingin ko ay ibinibuyo nila si Kyla kay Franz. Natatandaan ko si Kyla. Kung si Von may Janelle, si Franz may Kyla as an admirer. Masugid na admirer.

The StarWhere stories live. Discover now