Starring 8

12.4K 189 7
                                    

STARRING 8

THE CHASE BAR

Hindi ako sinabay ni Von papuntang bar tulad ng napagkasunduan namin. Pinauna ko na siya kasi ng dumaan siya sa bahay ay nasa bathroom pa lang ako. Kaya ngayon, ako na lang ang nagdala ng sariling kotse at kasama ko na lang si Deiseree, habang Papunta kami sa gig nila sa The Chase Bar. May tugtog kasi ang Colours, ang banda nina Von doon. 

Simpleng mini skirt, blouse na off shoulders, and pumps lang ang suot ko. Konting suklay at lipstick ay nakarating na agad kami ni Dei dito. Habang si Dei naman ay nakasimple na pink above the knee dress at one-inch clogs.

Pagdating namin sa tapat ng bar ay inihagis ko na agad sa boy doon ang susi ko para sa valet parking. Isinuklay ko lang ang mga daliri ko sa buhok kong diretso na lampas balikat at hinatak na ni Dei papasok sa loob pagkatapos niyang patungan ang lipstick niya.

"Ticket?" Tanong noong bouncer sa unahan kay Dei. Siya kasi ang nauuna kesa sa akin.

Napalingon sa akin si Dei. Ticket? OMG! Nakalimutan ko sa bahay ang complimentary pass namin! Pero siguro naman, pwede kaming bumili na lang dito. Kahit gaano pa iyan kamahal. Ang importante, matupad ko ang pangako kay Von na aattend ako. Magtatampo kasi iyon kapag hindi ako nagpakita.

"Pwede bang bumili na lang kami?" Narinig kong tanong ni Dei sa bouncer.

"Naku, Maam! Pwede po sana. Ang kaso bilang na po ang pwedeng pumasok sa loob. Iyon pong ayon sa number of tickets. Hindi po kami pwedeng magpapasok ng higit sa kapasidad ng bar at baka may mangyaring hindi maganda. Pasensya na po." Magalang na paliwanag ng bouncer kay Dei.

"Meroon kami pero naiwan ko kasi." Hindi ko na mapigilang hindi sumingit sa usapan nila.

Nang makita naman ako ng bouncer mula sa pagkakatakip ni Dei sa unahan ko, ay nakilala niya ako agad. "Miss Cruz?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Tumango ako at nagpakita ng aking sweetest smile. Kilala na ako dito kasi inarkila ito dati nina Franz at Von para sa 16th birthday ko last year. Although, it was purely Von's idea, pero pumayag naman si Franz kaya ok na rin. Ang sweet ng mga kaibigan ko no?

"Sorry po, hindi ko kayo nakita. Sige po, pasok na po." Magalang na sabi n Kuya Bouncer sa amin.

Ngumit ako sa kanya. "Thank you!" Pasasalamat ko pa.

"Ang usok." Reklamo ni Dei sa akin. Pagpasok kasi namin ay napaka-kapal na usok na agad ang sumalubong sa amin. Mga usok ng iba't-ibang brands ng yosi.

Mukhang tapos na ang first set nina Von. Tiningnan ko ang relo ko sa kamay at natuklasan kong 10 pm na pala. Ang tanging bumungad sa amin ay ang maharot na tugtugan ng DJ sa unahan. Ganito naman kapag inbetween sets. Palaging may sayawan muna habang nagreremix ng iba't-ibang kanta ang DJ.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Dei ng nakapasok na kami. Palingon-lingon kami sa paligid para hanapin si Von o kahit isa man lang sa mga bandmates niya.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon