Starring 35

10.9K 172 9
                                    

STARRING 35

MAKAKAYA KO BA?

KINABUKASAN:

Kinabukasan na, nilalagnat pa din ako. Naandito ako ngayon sa sala namin dahil naiinip na ako sa loob ng kwarto ko. Naging mabait naman sa akin si Franz at inasikaso lahat ng kailangan ko. Siya ang nagluto kanina at naglinis ng bahay. Kung tutuusin pala ay okay na rin na husband material si Loko.

"Steph, uminom ka na ba ng gamot mo sa lagnat?" Tanong niya sa akin. Katatapos lang niyang maglinis ng bahay. Umupo siya dito sa tabi ko habang ako nama'y abala sa panonood ng tv.

Hindi ako sumagot pero napatingin ako sa kanya. Naka-shorts siyang medyo kalahati ng hita, showing his firm thighs and legs, at saka sandong puti, which shows his firm chest. Medyo basa-basa pa ang magulo niyang buhok niya dahil sa pawis, pero gwapo pa rin naman. Tingin ko kay Franz kahit kalbo pa siya o kasing haba ng buhok ko, gwapo pa din.

"Steph naman, galit ka pa din ba?" Tanong niya sa akin. Lumapit pa siya ng konti kaya umurong ako palayo. Binawi ko ang tingin ko at nanood ng muli ng tv.

Sinundot niya ang tagiliran ko kaya nakasimangot na napa-igtad ako. "Steph, naman eh!" Parang batang maktol niya. Sinulyapan ko lang siya at inirapan.

Kinuha niya sa kamay ko ang remote at pinatay ang tv. "Ano ba?" Naiinis na sabi ko. Binawi ko sa kanya ang remote at muling binuhay ang flat screen.

"Steph, sorry na nga. Naiinis lang ako noon kasi mula ng umuwi ako ay hinanap na kita maghapon. Hindi na nga ako nakatulog." Paliwanag niya sa akin. Ramdam kong nakatitig siya sa mukha ko.

Hindi daw siya nakatulog? Kaya pala hagardo verzosa siya ng dumating sa condo nina Von. Pero sinaway ko ang sarili ko. No! Hindi ako makikinig sa kanya.  At wala akong planong patawarin siya muna. Gusto kong marealize niya ang pagkakamali niya.

Tumayo siya at humarang sa harap ko para hindi ko makita ang tv. "Ano ba?? Umalis ka nga?!" Singhal ko pa sa kanya sabay tulak palayo sa akin.

Medyo nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Steph, sorry na nga." Naka-closed pa ang dalawang kamay niya na akala mo ay nagdadasal sa santo.

"Tumayo ka nga!" Sabi ko pa. I won't fall for his trap again. Tapos kapag pinatawad ko siya, babalewalain niya lang ulit ako? No way!

"Hindi ako tatayo hanggat hindi mo ako pinapatawad." Determinadong sabi niya.

Iyong mga mata niyang mukha namang sincere, expression ng mukha niyang halatang nag-sisi talaga siya, at ang pagpout pa ng konti ng lips niya, mukhang nakakaawa. Parang konting pacute niya pa sa akin ay bibigay na ako. This is bad!

Kaya tumayo ako at walang paalam na tinalikuran siya. Pero naging maagap naman siyang sinundan ako. Nanigas ang mga binti ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. "Sorry. Sorry." Hingi pa niya ng tawad.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon