Starring 39

10.4K 150 6
                                    




STARRING 39


PAGSUSUNGIT





Nang makasakay na kami sa Benz ni Franz ay tahimik lang kami. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang pagrereact sa mga nangyari kanina. Kaya mas minabuti kong tumingin na lang sa labas ng bintana.



"Steph." Siya ang unang hindi nakatiis sa katahimikan ng atmosphere.



Nilingon ko naman siya. "Hmm?"



Lumapit siya ng konti sa akin. "Sorry at nadadamay ka sa lahat ng gulo dahil sa akin. Sorry!" Hingi pa niya ng paumanhin.



Napabuga ako ng hangin. "Ok lang." Sagot ko at muling tumingin sa labas ng bintana. Naiilang kasi ako sa titig ng kanyang mga mata. Para akong natutunaw.



Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa kamay kong nasa aking kandungan. Hindi ko inaasahan kaya medyo nagulat ako. Ang init ng kamay niya. Para bang kapag hawak niya ng ganito ang kamay ko ay nawawala lahat ng alinlangan ko. Pakiramdam ko, safe na safe ako.



Maamo ang expression ng kanyang mukha. "Steph, may gumugulo ba sa isip mo? Share mo naman." Sabi niya nang mapansin niya siguro na tahimik ako.



Nanatili na akong nakatitig sa kanya. Para bang kailangan ay mapagmasdan kong mabuti ang magiging expression niya sa sasabihin ko. Tumikhim muna ako. Kailangan kong bumwelo. Baka kasi maoffend ko siya. Gusto ko lang talagang malaman ang kasagutan niya sa mga bagay na gumugulo sa utak ko.



"Iyong kanina kasi.... Ah..." Natigilan ako. Nagiisip kasi ako ng tamang salita na hindi niya mamis-interpret ang itatanong ko sa kanya.



"Ano?" Napakunot na ang noo niya sa akin. Bakit kaya ganoon si Franz? Kahit lukutin ang mukha ay ang gwapo pa din? Kaya madaming nababaliw dito eh. Kaya ako nabaliw..dati!



"Ikaw ba ang bumasa kay Kyla?" Panimulang tanong ko. Hindi naman kami masyadong iniintindi ni Kuya Max dahil abala siyang makinig sa fm station sa car radio.



Tumango siya. "Oo. Inagaw ko ang timbang ibubuhos niya sana sa iyo. At pagkuha ko sa kanya ay napalakas ata kaya siya ang nabasa." Paliwanag niya.



Medyo nabunutan ako ng tinik sa narinig ko. Ayaw ko kasing maging headline siya bukas sa internet. Iyon ay kung sakaling may lihim na nakakuha na naman ng eksena. Praning na kasi ako sa paparazzi.



"Mabuti naman pala kung ganoon." Aaminin ko, medyo na-relieved ako na hindi niya naman pala sinadya. Pero may naalala ako...


"Franz, first time kitang nakitang nanakit ng babae. Why did you slapped her?" Hindi mapigilang tanong ko pa. Dati naman kasi kahit inis na siya kay Kyla eh hindi naman umabot sa nasampal niya ito.


"She was out of control, Steph! They almost poured onto you that stinky water. She even called you names like, malandi, two-timer, and slut. How do you think I will react?" Sagot niya. I know! Kahit ako gusto kong paduguin ang kanyang bibig kanina, pero nagtimpi ako.



"Pero sana pinalampas mo na lang. Ako nga nakayanan kong pagtimpian." Sermon ko pa sa kanya.



Kumunot ang noo niya at parang naiirita na tuloy sa akin. Marahil ay dahil pinuna ko ang ginawa niya. Anong magagawa ko, hindi ako sanay ng ganoon siya? I grew up with him for years at never pang nangyari ang ganoon kanina. Kahit ako ay natakot sa galit na pinakita niya.



My heart skipped a beat ng hawakan niya ang kamay ko. "Walang pwedeng manakit sa iyo hanggat nasa tabi mo ako." Seryosong sabi niya at hinalikan ako sa noo.



Wahh! Kinilig ako! Hindi ko alam kung anong dapat kong paniwalaan. Para kasing feeling ko, gusto niya na rin ako. Hindi naman kaya dahil lang sa nakatali siya sa obligasyon sa akin?



"G-gusto mo na ba ako?" Napakagat-labi ako. Bakit ba parang kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon? Nakakahiya! Baka sabihin ni Franz feelingera ako.



Ngumiti sa akin si Franz at pinisil ang ilong ko. "Hay, Stephanie!" Iyong lang ang sinabi niya at ginulo na ang buhok ko.



Natulala ako hanggang makarating kami sa parking lot ng 3CG FITNESS CENTER (A/N: work place ni Author...haha! Plugging!). Iyong utak ko ay na-stopball. Ano ba talaga? He likes me or not? Ang gulo kasi! May mga actions siya na parang gusto niya na ako. Pero para sa akin, hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay maenjoy ko na lang muna ang mga oras na kasama siya. Kasi kahit ako, hindi sigurado. Gusto ko na naman ba siya?



"Let's go?" Hindi ko namalayan na nakalahad na pala ang kamay ni Franz sa akin at nakababa na siya ng kotse. Nasa tapat na pala kami ng 3CG.



Tumango ako at isinukbit na ang maliit na backpack bag ko. Saling-pusa lang naman ako sa pag-gy-gym. Si Franz naman talaga ang gym goer sa aming dalawa.



Pagpasok namin sa information area ng gym, ay isang matamis na ngiti na agad ng mga staff doon ang sumalubong sa amin. Napanguso na lang ako ng mapansin ang mga lantarang pagpapa-cute ng mga staff nilang babae.



"Hi Sir Franz!" Masigla pa kay Jollibee na bati ng receptionist sa kanya. Siya lang ang binati? Hindi ba ako nakita? 



"Hello!" Simpleng balik bati ni Franz. Kinuha niya ang logbook ng gym at isinulat ang name niya at ang aming time in.



Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isinulat niya..



14. Franz                                     10:00 am
                       > ROFF
15. Steph                                    10:00 am




Pangalan niya at pangalan ko tapos may apelyidong ROFF na bold letters sa gitna? Baka may makapansin nito. Ibig sabihin kasi parehas kaming Roff. Napisil ko ang mga sarili kong mga daliri. Kinakabahan ako, baka kami mabuking!



"Franz, baka..." Bulong ko sa kanya.



Nagkibit balikat lang siya at walang kahit konting kaba. "Bayaan mo lang." Walang pakialam na sagot niya. Para tuloy akong kinikilig. Sarap kunan ng picture. Ang sarap ipa-frame na sulat kamay niyang inilagay ang name ko na may Roff na kadugsong. Kahit nakabraket, engot na lang ang hindi makakaintindi noon na parehas Roff ang dalawang pangalang magkasunod.



"Maggygym din siya?" Nakangiting tanong ng receptionist sa kanya. Wow! At last, may pumansin din sa akin. Pero nang sinulyapan ako ay inirapan lang ako! If I know, isa ito sa may crush sa kanya eh.



"Yes! Girlfriend ko. Find her a female instructor." Bilin niya sa receptionist. Iniabot niya ang credit card niya bilang pangbayad.



"Alryt, Sir!" At alertong lumabas ng counter ang receptionist at sumama sa amin papasok ng gym.



"Bihis muna tayo." Yaya sa akin ni Franz at tinuro niya sa akin ang dressing room ng mga girls.



Maluwag, malinis at maganda ang dressing room. Palibot ito ng walls na may lockers na nakasandal. First time kong sumama dito sa gym kaya I was appreciating all the things that I see. Dati naman kasi pajogging-jogging lang si Franz. Natatandaan ko pa dati na sinasadya ko siyang sabayan sa pagtakbo sa loob ng subdivision namin. Si Von kaya, nagygym na din? Saan kaya? Ang ganda din kasi ng katawan ng isang iyon eh. Wahh! Naipilig ko ang ulo ko. Kasi naalala ko na naman si Von.



Nang matapos akong magpalit ng shoes, shorts at t-shirt na Nike ay lumabas na ako. Medyo bago pa ang workout clothes ko kasi napipilitan lang naman ako noon mag-jog para lang magpapansin kay Franz, kaya bihira kong maisuot.



Pagpasok ko ng loob ng gym ay ginala ko ang paningin ko. Ang dami nilang treadmills, bikes, ellipticals, at kung anu-ano pa. Ganito pala ang itsura ng gym? Paano kaya ginagamit ang mga ito?


Busy pa ako sa paglinga-linga sa mga gamit ng makita kong pumasok na rin si Franz. Ganoon din ang suot niya. T-shirt na dry fit at shorts din.



"Steph, halika at ipapakilala kita sa trainer mo." Sabi niya at hinila na niya ako sa wrist papuntang weight lifting section.



"Sharon, this is my girlfriend, Steph. Bago pa lang siya. First time niya magtry maggym. Pero nagjojog naman siya dati. Please assist her." Bilin niya kay Trainer Sharon.



Ngumiti naman sa akin si Miss Sharon. "Ano pa bang kailangan nating i-workout? Sexy ka na eh." Sabi niya sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.



Namula naman ako sa papuri niya. "Thank you." Sagot ko naman. Natitigan ko din si Miss Sharon. Ang katawan niya ay well-toned. May konti sitang muscle pero hindi naman malaki. Naka-mid-rib siya kaya labas ang 6-pack abs niya. Wow! Ako kasi ay sexy kasi payat lang naman ako. Pero kahit ang payat ko, may hips naman ako at curvy butt. Gifted din ako sa size B na chest.



"Si Sharon na bahala sa iyo." Sabi sa akin ni Franz. Tumango na lang ako bilang sagot. Tinapik niya ang balikat ko at lumapit na doon sa machong trainer niya na lalaki na Jake ang nasa nameplate.



"Ano pong gagawin ko?" Tanong ko kay Miss Sharon.



"Dahil first time mo, cardio exercises and abs exercises lang muna tayo, ok?" Tanong niya sa akin.



Ngumiti ako sa kanya. "Kung ano po ang tingin ninyong tama." Sagot ko naman.



Ipinakita sa akin ni Miss Sharon ang listahan ng gagawin ko for today. Napakunot ang noo ko kasi bike, stretching, at treadmill lang ang naiintindihan ko sa nabasa ko.



"Don't worry. I'll coach you what will be your next program." Sabi ni Miss Sharon. Marahil ay nahalatang hindi ako familiar sa ibang nakalista.



Isinalang na ako ni Miss Sharon sa bike for 5 minutes. Ang sabi niya ay warm-up daw iyon. Pagkatapos ay tinuruan niya ako ng simple stretching techniques. Then isinet niya ang treadmill sa 10 minutes.



Grabe! 20 minutes pa lang ang dumadaan ay pawis na pawis na ako. Tulo na ng tulo ang pawis ko. Ang sabi nila, kapag bago daw ay may chance na mahilo. Pero dahil todo bantay naman ang instructor ko, hindi ko pinagdaanan iyon.



"Sandali lang po. Hiramin ko lang po towel ni Franz." Paalam ko sa trainer ko.



"Sige. Antayin kita dito." Nakangiting sagot niya habang nakapako ang tingin doon sa grupo ng mga guys na nagaabs exercises sa may unahan.



Pinuntahan ko si Franz sa weight lifting area ng boys. Nalimutan ko nga pala kasing magdala ng towel pamunas ng pawis. Hinintay ko munang matapos iyong set na ginagawa niya bago ko siya lalapitan ng tuluyan.



Napalunok ako ng matitigan ko ang galit na galit niyang mga muscles dahil sa bigat ng binubuhat niya. Parang ang sarap maglambitin sa arms niya at magpabuhat. Kaya pala paborito kong sumandal sa chest niya ay dahil matigas talaga ito. Tingin ko ay mas lalong nadefine ang muscles niya ngayong nagbubunat siya! Wow ulam! Extra rice, please! :)



"Tapos ka na?" Nakangiting tanong niya. Pawis na rin naman siya. Siguro ay mahirap talagang magbuhat ano?



Umiling ako at kinabahan. Parang tinubunan ako ng hiya sa sasabihin ko. "Franz, wala akong towel." Napakagat-labi pa ako sa hiya. Ang shonga ko lang kasi. Mawoworkout tapos walang towel? Ay naman!



Natigilan ako ng punasan muna ni Franz ang mukha niya sabay abot sa akin ng towel. "Ayan. Gamitin mo muna. Huwag ka na dito at puro lalaki dito." Taboy niya sa akin.



Napatingin ako sa paligid. Tama si Franz. Puro lalaki ang mga nasa benches at nagbubuhat dito. Tumingin ako sa opposite wing at doon ko nakita ang mga babaeng nagbubuhat.



"Doon na ako." Paalam ko na tinanguan niya naman.



Bumalik ako sa cardio and abs area. Inamoy-amoy ko ang towel ni Franz. "Ang bango!" Nasabi ko na lang sa hangin. Nang magsawa akong singhutin ang bango ng towel niya ay saka ako nagpunas ng sweat ko. Nagpalinga-linga ako at hindi ko na makita ang trainer ko. Nasaan na kaya iyon? Baka nasa cr.



Kaya kinuha ko na lang mula sa bulsa ko iyong computerized program na binigay niya sa akin kanina. ABS MACHINE. Iyon ang nakalagay sa list na susunod kong gagamitin.



Hinanap ko sa mga machines dito ang equipment sa listahan. Madali ko namang natagpuan kasi nakasulat naman pala sa katawan ng equipment ang pangalan noon. Tiningnan ko ang litrato at ginaya kung paano gagamitin. Asaan ba kasi si Miss Sharon? Baka kasi mali ang ginagawa ko.



Napakunot ang noo ko. Nakaka-5 counts pa lang ako ay bakit kaya braso ko ang sumasakit at hindi ang tiyan ko? May mali talaga sa ginagawa ko eh.



"Isabit mo lang ang kamay mo diyan. Ang effort ay dapat galing sa katawan mo at iyon ang ipangtutulak mo patungo. Para abs mo ang gumana sa process." Napalingon ako sa nagsalita.



"Hi! I'm Steve. And you are?" Pakilala noong kapwa din ata namin client na nakita ata ang ginagawa ko. Client din yata siya kasi hindi naman siya naka-uniform ng 3CG.



"Steph." Balik pakilala ko. Alangan namang supladahan ko? Wala naman siyang ginagawang masama eh. Itinatama pa nga niya ang execution ko.



"Ito ang ipangtulak mo." Halos mapatalon ako ng hawakan ni Steve ang balikat ko at i-guide akong tumungo.



"Ganito po ba?" Hindi na ako nahiyang magtanong sa kanya. Tutal wala naman siyang pag-aalinlangan na nagbigay ng tip kanina kung paano ba gamitin ang equipment na ito.



Lalo akong nanglamig ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at itinuro niya kung saan ko ba ito dapat ihawak.



Nakaka-3 crunches pa lang ako ng halos mapatalon ako sa gulat ng biglang nakatayo na si Franz sa unahan namin.



"May trainer na po siya." Sabi niya doon kay Steve.



Kumunot ang noo ni Steve. "Meroon? Eh nasaan?" Parang nangaasar na ngayon ang tono niya. Ang kamay niya ay nakapatong sa bandang likuran ko parin at gina-guide ang bawat tungo ko.



"SHARON!" Walang pasabing malakas na tawag ni Franz na naging dahilan para tumingin sa kanya ang mga gymmates niya. Napangiwi naman ako at tumigil sa paexcute ang ginagawa ko. Mukhang galit na naman kasi si Franz. Madilim na naman ang aura at kunot na kunot ang noo niya.



Malalaki ang hakbang na lumapit sa amin si Miss Sharon. Nagmamadali kasi niyang iniwan ang mga kadaldalan niyang lalaki sa unahan.



"Hindi ba't ang bilin ko ay turuan mo siya? Do I need to call your Manager?" Naiinis at seryosong tanong niya kay Miss Sharon.




"Easy." Natatawang sabi ni Steve. Nang bigyan siya ng masamang tingin ni Franz ay tumalikod na siya at lumayo sa amin. Ako naman ay napatunganga na lang dahil sa pagiging O.A. na naman niya.



"S-sorry." Natatakot na hingi nang paumanhin ni Miss Sharon.



"Okay lang..." Ako.




Pinutol ako ni Franz. "Do your job, Miss Trainer!" Singhal niya at tinalikuran na kami.




Kakamot-kamot tuloy ng ulo si Miss Sharon. Parang naiihi na natatakot. "Hala! Nagalit?" Tanong niya sa akin.



Hindi na ako nakasagot. Busy kasi ako sa pag-iisip habang tinuturo na ni Miss Sharon ang gagawin ko.



'Ano na namang dahilan ng pagsusungit ng isang iyon?' Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Kahit anong isip ko ay hindi ko malaman ang sagot.



_________________________________________


A/N:



VOTE & COMMENT po.

The StarWhere stories live. Discover now