Starring 82

7.7K 164 31
                                    

A/N:

Ilang chapter ba natin ito? Gusto ko sanang tapusin at lagyan ng Part 2 pero baka hindi makasunod lahat ng readers ko. Sayang naman :( 

Please VOTE & COMMENT. 35 VOTES + 30 COMMENTS = UPDATE! Sana magcomment po kayo agad. Nasa Chapter 85 na iyong naka-stock ko dito.. heheheh! 

Enjoy!

Don't forget, V.O.T.E. & C.O.M.M.E.N.T!

__________________________________________

STARRING 82

FRANZ' GIFT

Kinalimutan ko na lang muna ang mga tanong sa utak ko nang makapasok kami ng bahay. Maybe I should just live by the moment. Mas mabuti na sigurong hayaan ko na lang kung ano ang kahahantungan naming dalawa sa dadating na mga araw. Ayoko na munang mamroblema eh. 

"Anong pinaguusapan ninyo noong wala ako?" Kulit ni Franz sa akin nang makauwi na si Von. Nakaupo na kami dito sa sala namin.

"Wala naman binigay niya lang gift niya." Balewalang sagot ko habang binubuksan ang tv. Ang kapatid ko nasa kwarto na niya. Marahil napagod iyon. Ganoon din si Mama. Sa kwarto niya inaantay si Papa at sabay silang kakain pagdating ng aking ama. Ang sweet!

"Naunahan na naman ako!" Maktol niya sa tabi ko.

"Huh?" Tanging nasabi ko at napalingon sa kanya.

"Nakakainis talaga! Dapat ay bukas pa ito, pero ibibigay ko na dahil sa nakapagbigay na pala si Von." Salubong ang kilay na sabi niya sa akin.

"Ang alin ba?" Clueless na tanong ko. Hindi ko maintindihan kung anong pinagmamaktol ng isang ito.

Nagulat ako ng dahan-dahan niya akong italikod ng upo sa kanya. Hinawi niya ang buhok ko. Kumalabog na naman tuloy ang puso ko sa simpleng pagdampi ng balat niya sa akin. Kinabahan ako sa pakulo niya. Para tuloy gusto kong himatayin sa antisipasyon.

Dug..

Dug..

Kinakabahan ako! Ano ba ito?!

"Franz, anong..." Hindi ko na nasabi ang tanong ko kasi naramdaman kong may malamig na bagay siyang nilagay sa leeg ko. Agad kong kinapa at sinilip kung ano iyon.

"Happy 18th birthday, My Dear Wife!" Paos na boses na sabi niya na sapat na para marinig ko.

Naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Lalo na sa itinawag niya sa akin. My Dear Wife? Deserve ko ba iyon? Napakurap-kurap ako para masigurado kung tama ang nakikita ko at hindi ako namamalikmata lamang. Napakaganda at mabigat sa leeg. Idagdag pa ang napaka-eleganteng palawit na Infinity pendant ng kwintas. Ang design na parehas sa singsing ko sa kanang kamay.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon