Starring 81

8.2K 173 34
                                    

STARRING 81

VON'S GIFT

Simula nang gabing sinundo ako noon ni Franz ay naging malapit na ako sa kanya. Wala pa ring ipinagiba. Ganoon pa din ang aking alaala. Hindi ko pa din matandaan kung saan kami o paano kami ikinasal. Hindi na mahalaga sa akin iyon. At least ngayon, close na kami. Balik na naman kami sa pagiging Three Stoogies with Von.

Bukas na ang debut ko at naandito kami ngayon sa bakuran nina Franz. Nagvolunteer kasi siya na dito kami magpractice sa kanila. Naandito ang mga kaklase namin at ilang mga kaibigan. Kasali sa 18 roses ko ang Papa ko, si Dale; kaklase naming sina Jacob at Benjie; si Kuya Arthur; kabanda ni Von na sina: Syd, Jay, Pooch; teammates ni Franz na sina: Sheen, PJ, Jack, Ivan; co-models niyang sina: Chris, JR, William, at syempre si Franz at Von. Kasali din si Sir Lance na siyang financer ng party.

Pahinga kami sandali. Ang kinuhang choreographer ni Franz ay si Maribeth Bichara na sikat na taga turo ng sayaw ng mga artista. Ang naandito ngayon ay iyong mga available lang. Bahala na siguro bukas kung paano sina Papa at Sir Lance. Madali lang naman ang gagawin at magkakaroon naman ng briefing bago magsimula ang party.

"Ate Steph, nagugutom ako." Reklamo ng kapatid kong si Dale.

Halos dalawang oras na kasi kaming nagsasayaw. Nakaupo siya dito sa tabi namin ni Von. Si Franz kasi ay busy sa pagentertain sa iba pang bisita niya na kasali sa practice ko. Si William naman ay kausap si Miss Maribeth na paalis na rin kasi may commitment pa daw ata.

Tumingin ako sa gawi ni Franz at mukhang busy siya. "Umuwi ka sa atin sabihin mo kay Mama na ihanda na ang dinner sa atin." Utos ko sa kapatid ko na agad niya namang sinunod.

"May gig ka mamaya?" Naisip kong itanong kay Von.

Ngumiti si Von. "Meroon. Sa The Chase Bar parin syempre." Sagot niya habang itinutuon ang kamay niya sa may likudan niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi makonsensya. Obviously, pagod na pagod na si Von. Pero para sa birthday ko, ipinagpalit niya at nang mga kagrupo niya ang oras para sa practice nila.

"I'm sorry, Von. Dahil sa debut ko nagugulo ang oras ninyo. Pati oras ng pahinga ninyo dapat ay naaksaya sa akin." Paghingi ng pasensya na sabi ko.

"Okay lang, Steph. Worth it naman eh. Debut mo kaya ito. Ang debut ng isang babae ang importante sa lahat. Sunod diyan ay kasal. Huli ay binyag ng mga anak." Nakangiting sabi niya na hindi ata napansin ang huling sinabi niya.

Ako? Nais-stuck ang utak ko sa sinabi niyang sunod ang kasal. Siguro nga, kung kumpleto ang alaala ko ay importante sa akin iyon. Pero kasi... hindi ko maalala. Parang alam ko lang na kasal ako sa isang tao..tapos ano na? Anong feeling ng may asawa? Ewan ko. Wala akong idea.

"Umattend ka ba ng kasal ko, Von?" Naisipan ko tuloy itanong sa kanya.

Natigilan siya sa tanong ko. Para bang pinoproseso pa niya ang sinabi ko. Tinitingnan mabuti ang mga mata ko. Parang tinatantya niya kung nakikinig akong mabuti.

"Hi, Steph! It's been a while. Thank you for giving me the honor of participating in your 18 roses." Sabi ni William na nakaputol sa usapan namin ni Von.

The StarUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum