Starring 29

10.1K 145 19
                                    



STARRING 29

PAGKIKITA



Tulala ako dito sa isang tabi ng LAO Entertainment. Naandito kami sa Studio One at dito gaganapin ang shooting para sa isang beer commercial. Hindi ko akalaing dito pala gaganapin, kung alam ko lang, hindi na ako sumama.




Tumayo ako at lumabas muna ng Studio One. Tutal busy pa naman si Franz doon dahil itinuturo sa kanila kung paano ang magiging flow ng commercial. Naglibot muna ako sa marangyang lobby ng Lao Building & Studio.




Mamahalin ang mga muwebles sa loob ng building ng mga Lao. Sa entrance ay makikita sa likod ng receptionist ang halos buong dingding na portrait ni Miss Sophia Lao. Siya ang founder ng Lao Entertainment. Maganda at mukhang sophisticada si Miss Sophia. Simpleng gold off-shoulders lang ang suot niya dito pero halatang elegante ang dating.




Sa kanang bahagi ay ang litrato ni Miss Sapphire, ang anak na panganay, CEO for Local Affairs at Vice President ng buong company. Maganda rin si Miss Sapphire at halatang mana sa ina niya.



Sa kaliwang bahagi ay ang kilala at nameet ko na ng personal na si Sir Lance Lao. Mapapagkamalan mong artista sa kagwapuhan niya ang CEO for International Affairs at President ng company. Kasama niya sa picture ang kanyang medyo batang asawa na si Miss Hera Chan-Lao. Siya ang incharge sa mga models ng company.



Sa walls ng company papasok sa loob ay mga talents ng kumpanya ang mga nasa frames. Kapag mas malaking pera ang naiakyat ay mas malaki ang pictures. Parang nakapangliliit kapag nakita mo kung gaano kasikat na mga tao ang mga nasa dingding.



Nakita kong nakasabit sa dingding ang isang malaking portrait ni Tita Zyrah del Fierro-Lee. Halos kasing laki ko ang picture frame ng portrait niya. Kitang-kita ang kagandahan ni Tita dito. Sa tabi noon ay apat na pictures niya na medyo maliit kesa sa nauna. Mga kuha ni Tita mula noong naguumpisa palang siya hanggang sa edad niya ngayon.



Katapat noon ay ang malaking litrato ni Tito Zeon Lee. Natitigan kong mabuti ang litrato na kuha niya noong kabataan niya at ngayon ko lang napansin na kamukha niya si Von.


Namiss ko na naman tuloy si Von. Kaya na nga ba ayaw kong pumupunta dito sa building ng mga Lao kasi naaalala ko siya. Iyong mga oras na kasama nila ako ni Franz kapag may mga shoot o practice sila dito.


Malungkot na nagpatuloy ako sa paglakad. Napahinto ako sa tapat ng frame ng litrato ng mga Colours, ang banda nina Von. Hindi ko na maalis ang paningin ko sa litrato niya dito na close-up. Pinaglandas ko ang daliri ko sa labi niya, sa mata, ilong, at buhok niya sa portrait. Nakakamiss na hindi ko na siya mahawakan ng ganito sa personal ngayon.



"You really love him, don't you?" Nagulat ako nang magsalita si William na nakadungaw din pala sa likod ko. Kilala ko ang accent niya kaya kahit hindi ko siya lingunin, alam kong siya yan.



"Yes. He was my everything." Wala sa sariling sagot ko. Nakatitig pa din ako sa litrato at hinahaplos-haplos pa rin iyon.



"Was? Kung hindi ko lang alam na boyfriend mo siya, iisipin kong isa kang inlove fan sa kanya." Pabirong sabi pa ni William with his British accent.



Malungkot na napalingon ako sa kanya sa wakas. "Yeah, was my everything. We already split-up, William." Malungkot na reveal ko.



Namilog naman ang mata niya. "WHAT?? Why? What happened?" Hindi magkaintindihang tanong niya.



"Things changed." Iyon na lang ang sinabi ko.



Tinap niya ang balikat ko. "Too bad! You also broke-off just like my sister and Franz." Sabi niya sa akin.



Humarap ako muli sa litrato ni Von. Hindi ko alam kung ito ang proper timing, pero bahala na. "William, Franz and I are dating." Pasakalye ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na married na kami.



Iniharap niya ako sa kanya. "Are you crazy? Why did you chose that jerk?" Bakas ang galit sa kanyang mga mata.



"He's not a jerk." Pagtatanggol ko.




Umiling si William. "Yes, He is! He's such a playboy that's why Fatima dumped him." Sabi niya with fire in his eyes.



"He is not! Masyado lang makitid ang utak ng kapatid mo kaya hindi niya nakita ang sincerity ni Franz. Saka anong playboy? For your information, Fatima was his first girlfriend! He never had other girls or flings!" Pagtatanggol ko kay Franz. Sinasabi ko lang naman ang totoo. Hindi dahil asawa niya ako.




Napailing na lang si William sa nakitang galit na ipinakita ko. Syempre, I won't keep my mouth shut kung may maririnig akong hindi totoo about Franz. Ganun din naman kung kay Von.



"I think I have to go back inside." Sabi niya sa akin at hindi na inantay ang sagot ko. Naglandas na siya papuntang studio one.



Napatingin ako sa katapat ng dingding na kinasasabitan ng frames ng miyembro ng Colours. Nilapitan ko ang frame ni Franz at tinitigan.



He's really handsome. Ito ang mukhang ilang taon ding nasa panaginip ko. Pero hindi pumansin sa akin noon na isang blessing in disguise kaya naging boyfriend ko si Von.

The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon