Starring 12

13.2K 197 6
                                    

STARRING 12

FASHION SHOW

Sinundo ako kanina nina Franz at kanyang driver para samahan ko siya papuntang fashion show. Nakasimpleng white above the knee, venus cut dress, silver na stiletto at itinaas ko ang aking buhok. Tiyak na madami kasing aattend na importanteng tao doon kasi sa hotel gaganapin ang event kaya dapat presentable ako.

Si Franz naman ay nakaslacks lang ng dark brown at white na long sleeves. Hindi naman masyadong important kung anong isusuot niya papunta doon dahil huhubarin rin naman niya iyan mamaya. Ang susuotin niya ay iyong mga imomodel niyang damit.

Kilig na kilig nga ako dahil magkatabi kami sa backseat ng sasakyan nila. Amoy na amoy ko tuloy ang paboritong pabango niya. Lalo tuloy akong dumikit sa kanya para mas malanghap ko ang bango niya.

"Steph, umurong ka nga! Ang sikip eh." At mahina niya akong itinulak palayo sa kanya. Nahalata sigurong nakasiksik ako.

"Magugusot ang damit oh." Sabay turo ko sa mga damit niyang dala na nakasabit sa hanger sa taas ng bintana sa tabi ko.

Hindi na siya nagreklamo kaya lihim akong napangiti. Ngiti ng tagumpay. Yes! Pwedeng-pwede ko ng maramdaman ang init ng hulab ng katawan niya, at ang sobrang kabanguhan niya.

Napansin kong sinuklay na niya ng daliri ang buhok niya, kaya kinuha ko ang lipstick sa bag ko at nagretouch na. Tanaw ko na kasi ang hotel na pupuntahan namin.

Medyo nanglaki ang mata ko ng huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang red carpet. Ganito ba ka-bigtime ang event na ito at may red carpet pa? Sa paligid ng red carpet ay ang daming mga reporters na may iba't-ibang klaseng camera. Grabe! Pang bigtime nga ang event!

"Ready?" Tanong niya sa akin na walang expression ang mukha. 

Tumango ako sa kanya. "Syempre." At ngumiti ako ng buksan na niya ang pinto. 

Diosmiyo! Paa pa lang niya ang nakakababa ay ang dami na agad camera na nagflash sa harap namin. Nakita kong ang sikat na international model na si William Sy ang nauna sa aming pinagkaguluhan kanina dito. Bigla tuloy akong kinabahan.

Bumaba na ako at binitbit ang gamit niya. Bad trip! Dapat ay date ang dating ko, pero parang naging alalay ako ah?

Pero namula ako ng maglahad sa akin ng siko si Franz, nang makababa na kami, na ibig sabihin ay ikawit ko ang kamay ko doon. Tinulungan pa niya ako sa pagbitbit ng ibang gamit niya. Kinikilig ako! Feeling ko, minus iyong mga gamit na buhat ko sa kabilang kamay, para akong si Cinderella na kasama si Prince Charming.

Ang daming nagsipag-flash na camera sa harap namin. Pinagkaguluhan talaga siya ng sobra. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano na talaga siya kasikat.

Kasi noon alam ko namang sikat siya. Pero ngayon, pinagkakaguluhan siya ng reporters, lalakad kami sa red carpet at papasok siya sa hotel para sa event, ngayon ko lang nafeel kung gaano na talaga kalayo ang narating niya. Samantalang ako, naiwan sa ibaba at tumatanaw lang sa kasikatan niya.

The StarWhere stories live. Discover now