Starring 85

8.3K 168 44
                                    

 A/N:

Warning: SPG! 40 votes & 35 comments = UPDATE!

_____________________________ 

STARRING 85

GB

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Ang daming petals ng roses ang nagsabog sa condong pinuntahan namin. Sa gitna ng sala ng condo ay may malaking portrait pa noong ikinasal kami. Sa itsura ay mukhang sa west lang. Bakit kaya hindi kami nagpakasal sa simbahan? Mas maganda sana kung sa simbahan dahil iyon ang pangarap ko. Sana kung ikakasal ako ulit, pagkatapos naming magpa-annul, ay sa simbahan naman na.

  

Sa dining area ay may nakahandang candle light dinner pa. Mukhang pinaghandaan talaga ni Franz ito. Para bang siguradong-sigurado siya na maisasama niya ako dito ngayong gabi.

  

"What do you want to do?" Tanong ni Franz.

Medyo napatalon ako ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa braso kong nakalabas sa dress na suot ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko na pakiramdam ko ay tatalon na palabas ng dibdib ko.

Agad akong nagiwas ng tingin at tinalikuran siya. Pumunta ako sa dining table at tiningnan ang mga nakahanda doon. T-Bone Steak, Beef with Brocolli, at Chicken Barbeque. Mayroon ding cake at leche flan. Sa tabi noon ay red wine.

Amazing!

  

"Ikaw ang nagprepare ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo at ipinapatong ang kamay ko sa ibabaw ng sandalan ng isang upuan at tinitingnan ang paligid ng condo. Hindi pamilyar sa akin ang paligid. Wala akong maalala na nakarating na ako dito. Sa amin ba talaga ito dati ni Franz?

  

Halos mapatalon ako ng maramdaman ko ang presensya ni Franz sa may likod ko. "Hindi." Sagot niya at napatawa. Ano bang nangyayari sa pandinig ko at pati simpleng pagtawa niya ay parang ang sexy sa akin?

"Nagpatulong ako kay Manang Linda." Dagdag pa niya.

Kilala ko si Manang Linda. Siya ang yaya ni Franz simula ng maging magkakilala na kaming dalawa. Ilang taon na rin iyong loyal na nagsisilbi sa kanila.

"Ahh.." Tanging nasabi ko at lumayo ako agad doon. Umikot ako sa kabilang side ng table at umupo sa harap noon. Hindi kasi mapakali ang puso ko kapag malapit siya. Nagwawala ito at parang gustong umalis sa tamang pwesto.

Hinila ni Franz ang upuan sa harap ko. Iyong upuang sinasandigan ko kanina ay inipuan na niya. "Kakain pa ba tayo?" Tanong niya sa akin.

Galing kami sa debut party ko at kakain lang namin doon. "Ayoko, Franz. Busog pa ako." Sagot ko na hindi makatingin ng diretso sa mata niya. Sa buhok niyang bahagyang tumatakip sa mata niya ako nakatitig.

"Ako din eh." Sagot niya kasabay ng isang buntong hininga. "Then what are we going to do now?" Tanong pa niya.

Umiling ako. Hindi ko din alam kung anong gagawin namin sa lahat ng nakahaing ito. Busog pa ako at ayoko namang uminom ng wine. Nakainom na kasi ako ng hard liquior kanina at wala akong planong mawindang.

The StarWhere stories live. Discover now