Chapter 59 - Day one

3.3K 59 7
                                    


Chapter 59 - Day one



Nagulat ako dahil pagbaba ko ng hagdan ay nasa sala na si Brick at hinihintay ako. Hindi muna ako nagpakita sa kanya at inobserbahan ko na lang muna siya. 

Ngayon ko lang napansin na pumayat siya, laging may iniisip at kung titignan mo ng mabuti mukha siyang kulang sa tulog.

"Andiyan ka na pala. Bilisan mo diyan at kanina ka pa hinihintay ni Brick sa baba." napalingon ako at nakita ko si mommy. Nag goodmorning ako sa kanya.

"Anong oras siya nandito mom? Ang aga naman." tanong ko. 9:30 na at may pasok pa ako ng 10. Ngayon lang ako bumaba dahil ngayon lang ako natapos mag ready papasok ng work.

"He was here around 8 I think." sagot niya. Nabigla naman ako nang hawakan niya balikat ko. "Mahal mo parin ba siya?" her question caught me off-guard. But I think there's no point of lying. 

"I don't know."

"Paano si Lucas?"

"Mom, I love Lucas but right now, wala na kami ni Lucas and Brick asked for four days, so I gave him a chance. Maybe i'll use that time to decide and to settle my mind."

"Just follow your heart. Choose where you will find happiness. Andito lang ako nakasuporta sayo." Niyakap ko siya.

"Thank you mom!"

Basta ang alam ko mahal ko si Lucas. Matagal na panahon na rin ang lumipas pero siguro nga kelangan na namin ng closure ni Brick.


Brick's POV


Ano ba ang pwede naming gawin ngayon? Gusto ko lang naman siya kasama, sapat na sakin ang katabi siya maghapon pero ayoko namang maboring siya at bigla akong iwan.

"Ahem!" napatayo naman ako bigla dahil sa gulat ko. Nakita ko si Hell na nakatayo na pala sa harap ko.

"Goodmorning!" nakangiting sabi ko. Pero hindi niya ako sinagot. She just gave me a nod. Naglakad siya palabas at nakita ko na papasok na siya sa kotse niya pero hinawakan ko ang braso niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Uhh, actually, may plano sana ako sa four days na hinihingi ko. Kung pwede mo sana ako pagbigyan, I reserved a place." sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Mr. Corbin, I have a work I can't just leave. Kung sana sinabi mo ahead of time pwede pa sana. And I'm planning to go somewhere today." hindi dapat ako magpatalo sa kanya kundi masisira ang hinanda ko.

"You don't have to worry about your work today, I asked Lucas to look for it."

"You did what?! Wait.. alam ni Lucas ang tungkol dito?"  Tumanago ako.

"It's his idea. Your boyfriend wanted to give us a chance to fix this, whatever is left." narinig ko siya bumuntong hinga.

"So this is why he broke up with me." nabuhayan naman ako ng pag-asa. Bakit niya hiniwalayan? "But dont get your hopes up Brick. I love Lucas. I don't know why he did that but it's between me and him. Sige sasama ako sayo pero sasama lang ako dahil sa idea pala ito ni Lucas."

Nasaktan ako sa sinabi niya. This is not the right time to be emotional. Pumasok na kami sa car ko, all of our stuffs are inside. Ready na lahat. I decided to bring her to a  hotel resort. Sinabi ko na mag-stay kami ng 4 days. Nagpanic siya bigla dahil wala daw siyang dala na kahit ano. Natawa ako dahil sa ang cute niya, pero nalungkot din at the same time dahil sa madami na ang nagbago. Sinabi ko na lang sa kanya na ready na ang lahat.

My name is HellWhere stories live. Discover now