BRICK CALIX

5.5K 162 8
                                    

Brick's POV

When I was  younger I heard my parents talking about marriage. I was confused because they already got married. Are they planning to marry each other again?

"Tricia, hindi pwede na si Brick ang ipakasal. Mas mabuting si Braxton na lang." sabi ni Dad. Ako? At bakit ikakasal na si Braxton? Bata pa lang naman kami.

"I know. But alam mo naman si Braxton, ang pasaway nang batang iyon. But if we don't have any other choice, Brick can be a good choice right?" tanong ni mommy. I saw daddy nod and hugged her.

Because I was still young back then, I forgot about that. One day, I met this pretty girl. I think she was 6 years old and I was 8. Lagi siyang may kasamang batang babae. Sila ang lagi kong nakikita kapag pumupunta kami nina mommy sa bahay nang kaibigan niya daw. Lagi niya kaming sinasama ni Braxton. Pero si Braxton kasi ang lagi nilang pinaguusapan kaya siya ay nasa tabi lang ni mommy. Ako naman ay gumagala at napadpad sa garden where I saw her playing with another kid.

"Grace! Huwag mo akong lagyan nang flowers sa ulo. Ayoko niyan!" inis na sabi nung bata sa kalaro niya dahil nilalagyan siya nito nang bulaklak sa ulo pero tinatanggal niya lang. Tumawa naman yung isa.

"Ang ganda ganda mo nga Greyshelle eh. Bakit ayaw mo ng flowers? It's so pretty. My mom has a lot of these pero pinapagalitan niya ako na kumuha. Kaya guso ko dito kase pwede ako magpick nang flowers." masayang sabi nito.

"Kaya nga kita dinadala dito diba?" masungit parin na sabi nito. Niyakap naman siya nang Grace daw.

"Thank you! Muah! Ayan nikiss kita kase I love you. Bestfriends forever tayo ah!"

Nilayo naman siya ni Greyshelle at parang nandidiring pinunasan ang pisngi. Tumawa naman yung isa sa reaksyon nito.

"Oo na! Wag mo ako yakapin. Ang sikip na oh. Saka yung kiss, wag mo ko kiss. Babae tayo!" napatawa naman ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako nila nakikita kasi nakasilip lang naman ako sa bushes sa gilid. Nagtago ako kase nahihiya ako.

Everytime I would come here, lagi ako sa garden nila hoping I would see her. Kung minsan wala sila. Or minsan ay si Greyshelle lang ang nandun and I would stare at her while she's sitting down or play with her toy cars. May days rin na kalaro niya ang brother niya doon at sa swimming pool naman sila.

At may napansin ako, laging may batang lalaki rin ang nanunuod sa kanila. He's up in a balcony at nakatanaw lang rin. Akala ko rin noon ay kapatid nila kaya hindi na ako nagtaka. But I'm just curious, he's always up there just looking at Greyshelle. Hindi niya ako nakikita dahil nasa baba naman ako at laging siya lang ang tinitignan.

One day, my mom went there again at sumama agad ako. Ayaw daw ni Braxton dahil ang boring daw. At may sasalihan daw siyang sports activity kaya sinamahan ni daddy. Pero ako ay sumama kay mommy. I don't play sports naman kasi and I better see Greyshelle.

"Akira, gumaganda tayo ah." bati ni mommy dun sa kausap niya.

"Ikaw nga jan eh. Hello Braxton!" bati sakin nung babae. Nagtaka naman ako.

"Ano ka ba, hindi yan si Braxton. Brick say hello to your tita Akira."  So I did. 

"Ito ba yung isang kambal? They look exactly the same. But si Braxton mejo makulit at madaldal, ito tahimik at seryoso." she described.

"Oo, magkaiba ang ugali nila. They are both sweet pero si Braxton talaga ang makulit. Buti ang isang toh sinusunod ang lahat nang sinasabi namin."

Nagusap usap lang sila at hindi naman ako nakikinig. Gusto ko nang pumunta sa garden.

"Mom, can I go to the garden?" bulong ko dahil nahihiya ako sa kausap niya. Pumayag naman siya kaya agad akong tumakbo. Narinig ko naman ang sigaw ni mommy na wag akong tumakbo. Kaya naglakad na lang ako. Madali kasi akong mapagod. 

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon