Chapter 44

6.4K 160 5
                                    

Chapter 44



Heiress? I am the heiress? Wait, what? Ano bang pinagsasabi niya? Pinagloloko ba ako nito? Hindi ako yun. Nagkakamali siya.


"Oh? Mukhang hindi mo pa alam? hahaha. Hindi ba nila nasabi sayo? Ikaw ang tagapagmana ng lahat ng ito. Kaya ikaw ang target naming lahat." nakangising sabi niya. Umiling ako. Hindi ako sang ayon sa sinabi niya.


"Get off me!" rinig kong sigaw ni Brick. Hawak siya ng ilang kalalakihan. Nagpumiglas rin ako dahil hinawakan narin nila ako.


"Hindi ba siya ang mapapangasawa mo? Si Brick Calix Corbin? Ang dahilan ng pagpapakasal niyo ay ang pagsanib pwersa ng dalawang grupo. Para lumakas ang pamumunuan mo. Nagtaka lang kami dahil ang buong akala namin ay ang isang Corbin ang aasawahin mo. Tsk, biglang nagbago ang plano." umiiling pa na sabi niya.


"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko. Tumawa na naman siya saka nilapitan si Brick at may tinutok na baril.


"Don't you dare touch him!" galit na sabi ko.


"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Oh, dahil ba sa misyon mo kaya mo ginagawa ito? What's the use? Traydor ka rin naman."


"Misyon? Hell, what is he talking about." I looked at Brick. Ayokong malaman niya ang tungkol doon.


"Hindi rin ba niya sinabi sayo? Sumali siya sa organization namin. Ang WarLord kung saan kalaban ng pamumunuan niya. Hahaha! Nakakatuwa diba? At ikaw, ang misyon niya na bantayan. Wag kang mag alala. Babantayan lang naman."


"Mula bata pa kayo, nasubaybayan na namin lahat. Lahat lahat ng nangyari ay nasa plano. Ang paglayo nang kambal mo dahil siya ang magpapakasal kay Hell, pero bumalik siya. Pero nagawan namin nang paraan iyon. Kaso dumating ka naman. Imbes na pabalikin pa siya, naisip nila na ikaw na lang ang ipapakasal sa kanya." pagtutuloy niya.


"Stop it!" sigaw ko. Nagtawanan lang sila. Hindi ako makapalag dahil hawak nila si Brick.


"At ikaw naman, akalain mo yun? Kahit bata ka pa noon, nasa dugo mo na talaga ang pagiging heiress mo. Minaliit ka namin kaya hindi namin inaasahan lahat. Akala namin susuko ka na noon nung mawala ang Perez na yun." mas lalo akong nagalit sa sinabi niya. Kung ganun, sila ang may kagagawan!


"You killed Grace! How dare you!" I glared at him but he just shrugged.


"We had no choice. Lumayo ka eh, kaso hindi ka parin bumalik. Ang tigas mo rin noh. Pero akalain mong mapasasakamay ka namin? Oo, ang pagpasok mo sa organization ay planado na rin. You were lucky dahil sumali ka kundi pati kaibigan mo ay mawawala rin sayo. Hindi ko rin akalaing magagawa mo yun kay Tanner Morgan? Pasalamat siya at naunahan mo kaming patayin siya. Kung hindi torture ang abot niya samin." saka siya ngumisi. Pero nawala ang ngisi niya na yun nung biglang tumilapon sa harap niya ang lalaking may hawak sakin.


Umangat ang mukha niya at nakitang nakaharap na ako sa kanya. Kwinelyuhan ko agad siya.


My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon