Chapter 51

5.3K 171 16
                                    

Chapter 51


"Baby! Namiss ka na namin nang daddy mo! Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni mommy. Ka-skype ko sila ngayon at sinasabi nilang miss na nila ako.

"Mom. Konting tiis na lang oh. Uuwi na ako." sabi ko. Ngumiti naman sila sakin.

"Kamusta ka naman jan? Wala naman bang problema?" tanong ni daddy. Umiling naman ako.

Pero nagulat ako nang biglang may yumakap sa likod ko kaya bigla kong tinapik ang kamay nito.

"Lucas!" gulat na sabi ko.

"Hoy Lucas! Get away from my daughter. Magpapaliwanag ka pa." pagbabanta ni daddy na ang sama nang tingin kay Lucas. Tumawa naman si Lucas.

"Tito naman. Saan po bang banda ang hindi niyo maintindihan, boyfriend na po niya ako. Hug lang naman po yun eh." 

"Hayaan mo na kase sila. As long as he is making my daughter happy then I'm not against it." sabi ni mommy. Napailing na lang ako dahil masama parin ang tingin ni daddy. Umalis naman si Lucas dahil may ginagawa rin kasi ata siya sa sala.

"Anak,  may balita pala kami...." pero biglang nagfreeze yung laptop kaya hindi ko na narinig. After couple of minutes ay okay na ulit.

"Hello? Baby, narinig mo ba?" tanong niya.

"Yes mom. Sige po ah. Mamaya na lang ulit. May pupuntahan pa po kasi kami ni Lucas." at nagpaalam na ako sa kanila. 

Nilagay ko na lang ang charger nang laptop sa cabinet at inayos na ang laptop saka na ako tumayo. Nakita ko naman na nakaupo sa couch si Lucas. Bitbit niya yung bag niya.

"Tapos na ba?" tanong niya. I nod. "Nakakainis naman kasi, bakit ka pa kasi nagdorm? Malaki naman yung bahay na pinili nang parents mo ah? Hindi tuloy ako makapagsleep over." reklamo niya. Napatawa na lang ako. Bawal kasi dito magpatulog nang lalaki.

"You know how late I always wake up. And the house is too big. Tayo lang naman na dalawa. And sleep over? Ano ka, bata?" pang aasar ko. "May atraso ka pa sakin. Sabi ka nang sabi na boyfriend kita, naniwala tuloy sila." sabay irap ko at umupo na sa tabi niya.

"Aba! Ilang years na ba akong nanliligaw sayo? Baka naman wala kang balak sagutin ako kaya ayaw mo!" nagtatampong sabi niya sakin. Napangisi na lang ako. Pabebe toh. Haha.

"Ewan ko sayo! Let's go? Baka wala ka na balak na umalis?" tanong ko. Kinuha naman niya ang bag naming dalawa at lumabas na. Pupunta kami sa hotel daw. We are gonna spend some time daw together dahil malapit na ang graduation. Actually, in 3 days na lang. That's why my mom guys called dahil tinatanong nila yung about doon.

Mas naunang nakapagtapos si Lucas dahil he started a year earlier than me. He was taking up about business. And because he finished school early, siya ang tumutulong sakin sa mga kelangan ko.

Nang makarating kami sa hotel room namin ay hindi parin nagsasalita si Lucas. Napabuntong hinga ako.

"What's the problem?" tanong ko dahil hindi ko na matiis ang pananahimik niya. Umiling siya and started unpacking our things. Mataman lang akong pinapanuod siya. Nang matapos na siya ay tumayo siya papunta sa balcony. I sighed and went to him. 

"What's wrong?" tanong ko. Hindi ko matiis kaya niyakap ko siya sa likod niya.

"Ano ba nagawa ko? Wala naman ako maalala na ginawa ko na pwede mong ikaganyan ah." sabi ko at pilit siya niyayakap.

"Dahil ba sa kinain ko yung bread na nilagay mo sa ref?" tanong ko dahil baka yun nga. Bigla naman siyang lumingon.

"Kinain mo?!" OA naman makareact toh. Yun lang pala eh. Wait, bakit ko ba kasi sinabi? Hindi naman pala niya alam. Balak ko kasing palitan eh.

My name is HellWhere stories live. Discover now