Chapter 39

7.1K 225 12
                                    

Chapter 39

I woke up feeling a bit dizzy. Napabalikwas ako sa kama dahil napagtanto kong hindi ito ang parking lot. Wait... Bakit nasa kwarto na ako? Siguro mukha na akong tanga na nakanganga lang habang inaalala kung ano mga nangyari. 

At dahil sa wala ako maalala ay pumunta ako sa banyo and started bathing. But natigilan ako sa pagshampoo saking sarili dahil sa naalala ko na. All I wanted to do is cry again. I feel very empty. Hindi ko maipaliwanag pero nasasaktan ako.

It took me a while to shower. Pero pagkalabas ko ay natigilan ako nang mapatingin sa orasan. Oh shit baka nasa baba na si Brick at susunduin ako sa school. Pero susunduin niya kaya ako? Galit kaya siya dahil sa hindi ko pagsipot kagabi?

Huminga ako ng malalim at nagbihis na. Pababa na ako and expecting Brick to be there. Pero wala siya. I waited some more but he didnt come. Maybe he's really mad. I should apologize.

"Mommy, I need to go."  sabi ko dahil siya ang nasa kusina ngayon.

"Oh hindi ka susunduin ni Brick?" Umiling ako sa tanong niya. "Sabay na kayo ni Lucas. He said sabay daw kayo kagabi na umuwi. Magagalit na sana ako kasi super late na at nakatulugan ko na ang paghihintay." sabi niya. 

Sakto naman na pababa si Lucas. Kelangan ko rin na magpasalamat sa kanya.

"Sasabay ka ba sakin?" tanong ni Lucas. Ngumiti ako at sinabayan na siya palabas. Habang pababa na kami ay nag isip ako ng pwedeng sabihin.

"Ahm.. ano. Salamat nga pala sa paghahatid sakin pauwi." sabi ko. Ngumiti naman siya.

"We live in the same house. You're welcome. Dapat nga lagi na tayong sabay dahil sa pareho naman tayo ng bahay na inuuwian." sabi niya. "You know, save gas and mother earth." saka siya tumawa. Napatawa narin lang ako.

The ride was fun. Hindi nauubusan ng kwento si Lucas. Kaya hindi ko namalayang nasa school na pala kami. Sinubukan kong hanapin si Brick pero hindi ko siya mahanap. Kaya I decided na hanapin na lang siya mamayang lunch.

Habang nagkaklase kami ay hindi ko talaga maalis sa isip ko si Brick. Di bale, after this class ay lunch na kaya hahanapin ko siya.

"Miss Lawrence! Are you even listening?!" sigaw sakin ng teacher namin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Po?" I said out of respect.

"See, you're not listening. Get out!" sigaw niya. I didnt budge. "I said go out!" sigaw niya ulit. Nagkunot ako ng noo. Is she serious? But lumabas narin ako. Ilang minuto na lang naman ay lunch time na.

"So aalis ka nga kapag sinabi ko?" sarkastikong sabi niya. Hindi parin natatanggal ang pagkakakunot ng noo ko.

"What the hell? You told me to go out. You got mad when I didnt. Now that I did you're still mad." mariin ang pagsasalita ko dahil konti na lang masisigawan ko siya.

"Talking back to a teacher is disrespectful. Didnt you learn that Miss Lawrence?" sabi niya. "Maybe hindi ka napalaki ng maayos ng mga magulang mo kaya ka ganyan umasta." at nakangisi na sakin. Giving me that irritating smile.

"Dont you dare badmouth my parents." sabi ko galit na papalapit sa kanya. Mukhang natakot siya dahil nakita ko siyang lumunok.

"My parents taught me how to respect people. You had my respect but talking shit about my parents  dont seem like a respectful thing to do." and the bell rang. Saved by the bell. Lumayas na ako dun at nagpasyang hanapin na lang si Brick.

Habang naglalakad ako ay napapatingin ang mga tao.

"Diba siya yung girlfriend?"

"Oo siya nga."

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon