Chapter 55

4.6K 126 9
                                    

Chapter 55


"To be honest, I got scared when I found out you were with Brick. Maghapon, inisip kong baka nagpahangin ka lang. Pero magkasama pala kayo." sabi niya habang nagmamaneho.

"Hindi kami magkasama maghapon. Nakita niya lang ako kanina." malamig na sabi ko.

"Anong pinagusapan niyo?" tanong niya.

"Stuffs." maikling sagot ko.

"What stuffs?" tanong na hindi ko na sinagot. Huminga siya nang malalim. "May problema ba tayo?" tanong niya. I crossed my arms at tumingin sa bintana.

"Hey, answer me." mahinahong sabi niya na nakapagpainis sakin.

"Seriously! Tatanungin mo ako kung ano problema? Tapos sasabihin mong nagseselos ka na nagkita kami ni Brick. Buti nga naguusap lang kami kanina, hindi gaya mo! Nag away tayo kagabi Lucas hindi para ipagpalit mo ako kinabukasan! Kung hindi dahil sa malanding babae mo na makayakap sayo hindi ako aalis dun at pupunta sa bar. Hindi na rin sana ako nag effort mag bake, kase alam mo yun? Sayang!" mahabang lintaya ko.

Nainis ako dahil imbes na magaliwanag siya ay nginitian niya ako and mouthed 'cute'.

"Fuck you!" gigil na sabi ko sa kanya. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa bahay. Mabilis akong bumaba at binalibag ang pintuan at pumasok na. Pero nagulat ako dahil mas nauna pa yung sasakyan niya na pumasok sa gate namin at mag park sa loob. Hinintay niya ako sa tapat nang main door namin.

"Nananadya ka ba? Tabi!" sigaw ko at pumasok na. Naabutan ko sa sala sina mommy at kumpleto sila dun. Pati si Lolo!

"Anong oras na! Ganyan ba ang uwi nang matinong babae ha? Hindi kita pinapagalitan pero ngayon galit ako dahil pinag alala mo ako." sabi ni mommy. Napatingin ako sa orasan. 11:58. Not bad.

"At least it's not midnight mom." sagot ko.

"Aba---" 

"Go mommy! Pagalitan mo rin si ate! Unfair na kami lang ni kuya pinapagalitan mo. Lalo na ako!" sabat naman ni Aisha.

"Isa ka rin, late ka rin naman umuwi." sabi ni mommy. Itinikom na lang ni Aisha ang bibig.

"San ka ba galing apo? Kanina pa kami naghihintay sayo." sabi ni lolo.

"Nagpahangin lang po. Bakit niyo po pala ako hinihintay" tanong ko.

"May ipapakilala kami sayo sana." masayang sabi ni daddy.

"Nasan si Savior?" takang tanong ko. Bakit ngayon ko lang napansin na wala pala siya dito.

"Sinamahan niya si Lacey." sabat ni Aisha. Kumunot naman ang noo ko kung sino yun. Tahimik naman na nakatayo si Lucas sa tabi ko.

"Sabi nang ate Lacey diba? Gumalang ka sa nakakatanda." sabi ni mommy.

"Mommy naman! Ako na naman nakita mo." napailing na lang ako. Kahit kelan talaga at childish yan.

"Oh ayan na pala sila." sabi ni lolo pero nawala ang ngiti sa labi ko. Biglang kumulo ang dugo ko at masamang tinignan si Lucas.

"What is that bitch doing in my house?" galit na sabi ko sakanya.

"Hell! Language." sita ni mommy.

"Mom! What is she doing here?" reklamo ko. Naguluhan naman sila dahil sa pinagsasabi ko. Binalingan ko si Lucas, "I hate you." saka ko siya nilayuan at tumabi papunta sa tabi ni daddy. 

"Wait, naguguluhan ako. What's going on here?" tanong ni mommy.

"I saw that girl and Lucas hugging each other in his office.Tapos ngayon makikita ko siya dito? Nagkita pa kami ni Brick nang dahil lang jan!" inis na sabi ko.

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon