Chapter 48

5.3K 183 17
                                    

Chapter 48




"Tama na!" napatigil ako. Napatingin ako sa pamilya kong umiiyak sa harapan ko. I stopped and put down the knife I was holding.


"Ate, kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami na makita kang nagkakaganyan." umiiyak na sabi ni Aisha.


"Anak, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Kung si Brick man ang hinahanap mo, ginagawa na namin lahat nang makakaya namin para mahanap siya at nang pamilya niya." sabi ni mommy sakin.


"Hindi mo agad makikita ang tao kahit hanapin mo pa siya kung ayaw naman niya magpakita. Ate, how long has it been that you've been waiting? Almost two years na. Kung gusto niya magpakita, hahanapin ka niya. Kasi siya ang umalis at ikaw ang naiwan. Mas madaling hanapin ang taong nandiyan lang kesa ang taong mismong umalis." napaluha ako sa sinabi ni Savior.


Lumapit sakin si daddy at inalis ang hawak kong kutsilyo sa kamay ko. Niyakap niya ako nang mahigpit and for the first time I saw him cry.


"Baby girl, nasasaktan ako na makita kang nagkakaganyan at wala pa kaming magawa para sayo. Pero anak, halos magdadalawang taon na. Pwede bang tumigil na muna? Pahinga muna tayo. Hindi ka ba napapagod?" at nagsimula na akong humagulgol.


"Pagod na pagod na po ako. Kaya ko ginagawa ito. Everynight I have to question God, why me? Bakit ako ang nandito ngayon? Kasi kung iniisip niyang kakayanin ko, nagkakamali siya. Hindi ko na kaya. "


"Pero hindi ang pagtapos sa buhay mo ang solusyon para matapos ang lahat nang ito. Anak, paano naman kaming maiiwan mo? Hindi mo ba naisip na masasaktan din kami at malulungkot?"


The day they took me away from my family at pinasok sa isang building na kung saan ay walang ginawa kung hindi ang bigyan ako nang gamot, suriin at kausapin tungkol sa mga problema ko.


Nagalit ako sa pamilya ko so I tried to escape. I did. How many times. Ilang beses kong ginawa ang tumakas. Pero dahil sa bahay nina Brick lagi ang una kong pinupuntahan ay madali nila akong nahuhuli. Ilang buwan kong hindi nakita ang pamilya ko and that added to my depression.


"Ilang buwan ako nanatili sa piling nang mga doctor pero walang nangyari dahil hindi parin ako makamove on. Konting konti na lang ay gusto ko na ring paniwalaan silang nababaliw na ako." umiiyak na sabi ko.


"Hindi namin inisip na nababaliw ka na anak. Naniniwala kami sayo. Pero sana hindi mo minasama ang gustuhin namin ay mapabuti ka. Gusto ka naming makamove on sa lahat nang nangyari. Hindi mo man kami nakikita ay lagi kaming nakabantay sayo."


After a year of being imprisoned in that place, I gave up escaping. Not because I realized I should stop but because I realized there's no point of fighting. Isang taon kong hinintay si Brick. Kahit isang message lang sana, na nagsasabing babalikan pa niya ako pero walang nangyari.


A couple of months later, still no progress. Until today, I decided to end my life because I can't take it any longer.

My name is HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon