Chapter 49

5.5K 170 17
                                    

Chapter 49



Ilang araw ko na ring hindi maharap harap si Lucas. At dahil sa bumalik sila kasama ni lolo ay dito ulit sa bahay sila nagstay. Kaya araw araw ko siyang nakikita. Ilang buwan na sila dito na dinadaan daanan ko lang, ngayon ay parang ayaw ko na magpakita pa.


Actually three days na ang nakakaraan nang mangyari ang halik. At sa three days na yun ay todo ang pag iwas na ginagawa ko. Mabuti nga at hindi pa kami nagkikita. Hindi ko talaga siya kayang harapin. Nahihiya ako.


I let him kiss me for Pete's sake!


Ang landi ko na! Si Lucas kasi!


Naisipan ko na ring tumayo sa kama ko para kumain. Nagugutom na talaga ako. Kanina pa ako nakabihis pero hindi ko magawang lumabas. Pero dahil sa gutom na talaga ako ay binuksan ko ang pintuan ko para lumabas.


"Hey." bati niya habang nakangiti. Sa sobrang gulat ko ay bigla kong naisara ulit ang pintuan.


"Hala! Nasa labas siya. Anong gagawin ko? How am I going to react? Ahemm, dapat ko bang sampalin siya dahil hinalikan niya ako?" sabi ko while walking abck and forth.


"Pero ginusto ko naman ang halik niya eh!" napapikit ako at tinampal ang labi ko. "Ang landi kasi nitong labi na ito!"


Tok tok tok.


Napatigil ako at napatingin sa pintuan. Huminga hinga ako at kinalma ang sarili ko bago ito binuksan.


"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya.


"Ha?" takang tanong ko. Pero hinawakan niya lang ang noo ko.


"Ang pula mo." sabi niya. Napalis ko tuloy ang kamay niya na nakahawak sakin. Tumikhim muna ako bago nagsimulang maglakad.


"Halika na, gutom na ako." sabi ko.


"Ahh, yeah." tarantang sabi niya. Lihim akong napangiti dahil dun.


Nadatnan kong kumakain na silang lahat dun kaya sumabay na rin kami. Tinanong rin nila ako dahil namumula daw ang mukha ko, I said I'm fine. Hanggang sa natapos kaming kumain ay mabilis akong naglakad palabas.


Kailangan ko nang sariwang hangin. Hindi ako makahinga doon a loob. Si Lucas kasi! Tingin nang tigin ehh.


Umupo ako sa garden namin at napansin kong madami ang nagbago. Mas lalong gumanda dito. Sa sobrang pagkamukmok ko sa sarili kong problema ay hindi ko na napansin ang paligid ko. Ang dami ring memories dito. But..


It's time to move on.


"Ay!" gulat na tili ko. Sinamaan ko nang tingin si Lucas na ngayon ay tinatawanan ako.

My name is HellWhere stories live. Discover now