Chapter 6

22.8K 548 67
                                    

Chapter 6



"Sino ka?" tanong ko sa lalaki na kaharap ko ngayon. Ayaw ko naman na patulan dahil matanda na. Bigla naman siyang tumawa na kinagulat ko.

"Dont you remember me apo?"

"Lolo?" di makapaniwalang sabi ko. Paano niya nalaman na nandito ako. Balak ko pa naman sana na makabalik sa bahay before nila masundo si lolo. What is he doing here?

"Ako nga. Im expecting you to be at home. Tapos nakita kita dito. Sino yung kasama mo kanina? Nobyo mo?" Umiling naman ako. Si BC? Boyfriend ko? Not in my wildest dreams.

"Hindi po. Ano po ba ginagawa mo dito?"

"Client." matipid na sabi niya. Kadarating palang niya, trabaho agad? "Halika na apo, uwi na tayo." wala na ako ibang nagawa kundi sumunod. Ayoko naman na suwayin siya dahil, lolo ko parin siya.

Pagkadating namin sa bahay, sermon agad nila ang nadatnan ko. Wala na ako ginawa dahil kasalanan ko rin naman. Ilang minuto pa nila ako sinermonan at pinaakyat na nila ako sa kwarto ko. Pagkadating ko naman dun, kinuha ko agad ang cellphone ko para ibalita na natapos ko na yung test today.

"Hello Sir Gerard! Tapos ko na yung entrance exam. Nasan na yung car ko?" mayabang na sabi ko. Tumawa naman yung nasa kabilang linya.

"Ang deal naten, pag nakapasa ka sa exam. Bukas malalaman mo." then he ended the call.

Ahhh, bwisit. Ngayon ko lang naalala yun. Hindi pa naman ako nagreview. But based sa mga questions ay madali naman ang mga ito.

Nagtataka siguro kayo kung bakit may ganito akong trabaho. Sa murang edad ko, at sa dahilang mayaman naman ang pamilya ko. Bakit pa ako magatatrabaho , diba? Madaming tanong na hindi pwedeng sabihin sa ngayon. Sabihin nalang naten na may kasalanan ako kaya ako napasali sa ganito.

Nasa states ako, yun na talaga ang trabaho namin nina Hunter. Pero dahil kelangan ko umuwi sa Pilipinas, dito naman ako magpapatuloy magtrabaho. Kahit san ako magpunta, hindi ko na toh matatakasan.

Kung iniisip niyo na ganster rin ako tulad ng mga magulang ko, sige isipin niyo lang. Basta sasabihin ko, im not a gangster, im more than that.

Malaking katanungan rin siguro sa inyo kung bakit galit sakin si Savior? Well, i dont wanna talk about it. It brings back memories.

Nilapitan ko ang picture frame na nasa bedside table ko. Ang litrato namin nina Grace, Savior at Daniel. Mga masasayang araw pa namin. ito ang time na hindi pa nagkawatak watak ang grupo, masaya lahat at walang problema.

Malungkot mang isipin pero wala na si Grace. Hindi na siya babalik pa. Si Savior , hindi ako pinapansin, galit pa. At si Daniel. Sa kanya nalang ako nawalan ng contact. Hindi ko na siya ulit nakita after ako umalis ng Pilipinas. Ano na kaya nangyari sa kanya? Lalong lalo, ano na ang nangyari sa amin?

Napatigil ako sa pagtitig sa larawan nang biglang may kumatok. Si Savior.

"Ano, may balak ka pa bang lumabas diyan? Lagi na lang pahamak ka!" sigaw niya sakin at malakas na sinara ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako. Kapatid ko parin siya, kahit anong galit niya sakin, okay lang.

Nilapag ko na yung frame at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko sa sala, nadatnan ko si lolo na may katabi na lalaki. Hindi siya familiar sakin so i ignored him.

"Ang laki laki na ng apo ko. Parang noon lang ang bata bata mo pa." sabi niya. Ngumiti na lang ako ng tipid. Wala naman ako sasabihin. At pansin ko lang, kanina pa nakatitig sakin ang lalaking kasama ni lolo.

"What are you staring at?" sabi ko sa guy, and we glared at each other. Napalingon kami kay lolo nang tumawa ito.

" haha! Calm down okay. Hell, meet Lucas ." I stared at him. Sino naman kaya toh.

My name is HellWhere stories live. Discover now