Chapter 17 part 1

172K 1.6K 268
                                    

-Read and Vote-
-Unedited -

Justin's POV

Sino ba yung Grace na yun? Oo maganda siya pero ayoko sa papansin na babae. Kinausap niya pa ako sa harap ni Zenia. Nakakabastos para kay Zenia yun! Siya kasama ko tapos may kausap akong ibang babae. 

Di na ako nagsalita. Lalo pang umiinit ulo ko sa mga sinasabi ng mga babae na nadadaanan namin about kay Zenia. Putek! Kung hindi lang sila mga babae! Pucha.

Papunta na kami ng parking lot ni Zenia, pero ang bilis niya maglakad. Inunahan niya na ko sa paglalakad. Putek! Ano bang problema nun?! Nagpapaaekto siya sa mga naririnig niya! Di niya ba naisip na kasama niya ko? Na walang pwedeng manakit sakanya kasi kasama niya ako?!

Hinanap ko si Zenia pero di ko na siya nahanap! Shet! Parang kanina lang, kami yung magkasama ah!

Dumiretso na ako sa town house para puntahan si Zenia sa bahay nila. Kailangan naming magusap! Pag hinto ko sa gate ng townhouse, may nakita akong babae. Si Zenia ba yun? Nakadress na black pero nakapaa. Anong problema niya?!!

Bumaba ako ng cotse para puntahan yung babae. Oo alam kong si Zenia yun.

"Ano bang gusto mong manyari sayo?!" sigaw ko kay Zenia. Ang init ng ulo ko! putek naman oh.

"Ba.." Nanginginig yung lips ni Zenia habang nagsasalita. "Bb-bakit?" tanong niya sakin. Ano bang problema niya? Bakit kasi di nalang niya sabihin!? Hindi yung iniwan niya pa ako.

"Anong gusto mong manyari sayo?! Bakit nakapaa ka? Mukha kang tanga!" sigaw ko sakanya. Di ko naman sinasadyang sabihan siyang tanga.

Hindi sumagot si Zenia at yumuko lang. Masyado na ba siyang naaapektuhan dahil sakin? 

"SAKAY!" sigaw ko sakanya.

Sumunod lang si Zenia at sumakay. Siguro masakit nadin yung paa niya. Nakita kong may mga gasgas yung paa niya saka namumula. Nanghihina ako sa nakikita ko. Di naman ako ganito eh. Ayokong nakikitang ganyan si Zenia. Hindi ko alam kung bakit masyado na akong concern sakanya ngayon. Napakalapit ng loob ko sakanya.

Hindi kami nagusap sa sasakyan. Walang nagsasalita. Masyado akong nagaalala sakanya. Ayaw niyang magsalita. Di siya sumisigaw ngayon. Hindi ko alam pero simula ng nakasama ko tong si Zenia, parang wala ng kulang sa buhay ko. Oo corny pero eto nararamdaman ko eh? Kaya nga siguro hindi ko napansin si Grace dahil na kay Zenia yung atensyon ko.

Nakadating na kami sa bahay nila Zenia. Tahimik lang siya. Wala pading nagsasalita.

"Sa..ss..salamat ah." sabi sakin ni Zenia tapos bumaba na.

Di ako sumagot at bumaba din ako. Di ako mapakali. Parang may mali! Parang may kulang.

"Oh bakit ka bumaba?" tanong sakin ni Zenia.

"Magusap tayo." 

"Ha? Ah eh. Bukas nalang? Pagod ako eh." Zenia please! Magusap tayo. Tina-try ko maging kalmado!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon