THIRTEEN

542K 8.2K 175
                                    

happy 6000+ reads!

CHAPTER THIRTEEN

ENRIQUE

Wala sa pag-checheck ng schedules ang buong atensyon ko. Tatlong araw na pala ang lumipas mula nang magparamdam sa akin si Mama. Nakalimutan ko na siyang kamustahin o tawagan man lang. At isa pang iniisip ko ay nakalimutan kong ipaalam sa kanya na nagpakasal na ako. Paniguradong magtatampo 'yon sa akin.

Paano na kaya? What should I do?

Nawala ako sa iniisip ko nung mag-vibrate ang phone ko. Wala sa sariling dinampot ko iyon at walang anu-anong pinakinggan ang voicemail. Kanina pa pala ito nagba-vibrate. Nainip na siguro kaya nag-voicemail na lang.

'ER I am here, see you soon.'

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko, aligagang napatayo ako. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay umilaw at nagvibrate ang phone ko.

Patay! Baka si Mama na 'yan. Pero nang makita kong si Lara iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Hello?" kalmadong bati ko sa kanya, pero walang sumagot, medyo maingay din sa kabilang linya. Kaya nag-alala ako. Nakinig ako sa nangyayari at nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Call him now, he has a lot of explaining to do..." kahit hindi ganoong kalakas ang pagkakarinig ko ay alam ko kung sino iyon.

"Y—yes." Kabadong sagot ni Lara. "Enrique are you there? Kailangan mong umuwi, your Mom!" hindi na ako nag-abalang sagutin siya, in-off ko na ang tawag at nagmamadaling dinampot ang mga gamit ko. Tumakbo na ako palabas at hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sa akin ni Lyn. Dahil aligaga na ako.

Oh fuck eto na nga 'yong naiisip ko.

-----

LARA

I am currently reading a parenting magazine. Maaga kasi akong nagising dahil maaga palang ay narinig ko nang nasa baba si Enrique kanina, kaya naisipan ko na ring bumaba. Wala pa atang ala siyete nung umalis siya dito, may importante daw siyang aasikasuhin. Usually kasi 8 am na siya umaalis ng bahay.

Tatayo na sana ako para mag-cr nang makarining ako ng pagdo-door bell na napaka-unusual, dahil wala namang naliligaw dito. And at this very hour, it was only 7:30 in the morning.

Hindi pa rin tumitigil ang taong nagdo-door bell, kaya dumiretso na ako sa main door.

"Good morning po, ano po ang kailangan nila?" masiglang bati ko sa may edad nang babae na natanaw ko sa gate ng bahay. Napansin ko ang paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Kasunod noon ay ang pagtaas niya ng kilay.

Aba, ang taray! Bakit kaya hindi na lang sumagot. Ayos naman ang porma ko sa pagkakaalam ko. I was wearing a cotton pair of short-shorts and a loose white shirt. Nasa bahay lang naman kasi ako.

"I'm looking for Enrique. And can you please let me in, mainit kasi dito." Mataray na sabi niya. At kung maka-utos.

Nakakainit naman 'to ng ulo. Lumapit ako sa gate para mas makausap ko siya ng maayos. Wala naman sa porma niya ang mukhang kahina-hinala kaya naglakas akong lumapit.

Habang palapit ako sa gate ay ino-obserbahan ko siya, her get-up was very sophisticated, she looks younger dahil sa maganda niyang postura kahit ang tantya ko ay nasa late 50's na siya.

Dahil mukha naman siyang katiwa-tiwala ay pinapasok ko na siya ng gate, para hindi siya mainitan.

Nang makapasok kami ay muli siyang humarap sa akin. "By the way hija, who are you?" mataray pa rin tanong niya, aba mukhang ako dapat ang magtanong nun ah. I was about to say something nung magsalita siyang muli. "You're too pretty..." binitin niya ang sasabihin niya.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon