FOURTEEN

539K 7.7K 243
                                    

salamat sa 9k + enjoy reading!

CHAPTER FOURTEEN

LARA

"Sinong may sabi na matutulog ako sa kwarto mo?" nanlalaki ang matang tanong ko, dahil sa binulong niya sa akin.

"Shhh... lower your voice." Pabulong na saway niya sa 'kin, tinapat niya pa sa bibig ko ang hintuturo niya.

"Then why do you want me to share room with you?" I asked almost in whisper dahil nasa sala lang ang Mama niya at nasa kusina kami.

"Because Mama will stay here, and we need to please her that we are newly wed that was very much in love." Naunawaan ko naman. Pero...

"But..." aangal pa sana ako.

"Don't worry, it's just for show. Please?" pakiusap pa niya.

"Okay, papayag na ako in one condition. Don't lay even your fingers on me." Pagbabanta ko sa kanya na may kasama pang pagduro.

"Promise!" nakataas pa ang kamay na parang nanunumpang sang-ayon niya.

"What are you two doing there?" nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Mama kaya awtomatikong pumulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Pinapatikim niya 'yong luto niya." Sagot ni Enrique na yumakap pa sa bandang tiyan ko. "Right baby?" inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.

"Yes, Ma." Naiilang na sagot ko. "Wait lang po ha malapit na po itong maluto.

"Ric, samahan mo muna si Mama sa labas. Para may maka-usap siya." Hinawakan ko pa siya sa pisngi, para mas makatotohanan. I even called him Ric, para medyo sweet. Letse! What's happening to me?

"Okay." He said na humalik pa sa pisngi ko. Humanda talaga sa akin 'tong lalaking ito, nakaka-ilan na siya ha. Akala niya 'di ko alam na tyuma-tyansing siya.

-----

Hija, ilang buwan na ang tiyan mo?" Tanong ni Mama sa kalagitnaan ng pagkain namin ng Calderetang niluto ko.

"About two months na po." I answered her smiling.

"I am so excited for my first apo." Ngiting-ngiting komento niya.

"Magpasalamat talaga kayong magkaka-apo na ako sa inyo, dahil kung hindi ay tuluyan na akong magtatampo sa paglilihim niyo sa akin." May himig tampong turan niya na tumingin sa aming dalawa. Medyo naiilang ako, kasi kaharap ko siya, si Enrique kasi ang nasa center ng parihabang lamesa.

"Naku Hija, kamusta namang asawa ang anak ko?" natigilan ako sa tanong niyang iyon at napatingin kay Enrique na kumindat pa sa akin. Humanda ka ngayon.

"Ahm, di ko po masasa—"

"Ma, why don't you asked me personally?" pagbibidang pagputol niya sa sasabihin ko sana. "Ma, alam mo ba na inaaway ako niyan lagi sa umaga?" parang batang sumbong niya. Hindi ko alam na may childish side siya, seryoso at paminsang palabiro lang ang alam ko sa kanya.

Pinanlakihan ko siya ng mata sa sinabi niyang 'yon.

"Tsaka Ma, lagi po ako niyang inaaway." Aba, gumagawa na naman ng kwento.

'Humanda ka sa akin mamaya' I mouthed kaya pumorma pa siya ng yakap sa Mama niya.

"Ikaw talaga, hayaan mo ang asawa mo, you should understand her temper, she's pregnant. Kaya wag kang mag-astang bata diyan, you'll be a father soon." Natawa ako lalo na nung kinurot siya ni Mama sa balikat.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon