chapter 3

374K 4.1K 944
                                    

Chapter 3

Nakaupo lang ako sa isang stool sa may bar counter at umiinom mag-isa.

Iniwan na kasi ako nina Kayla at Tricia para magsayaw.

Tapos may umupo sa tabi ng upuan ko.

Lagi namang ganito e, laging may kakausap sa akin na hindi ko naman kilala.

"Hi miss. Can I buy you a drink?" sabi ni Mr. Stranger

Hindi naman pakikipagflirt ang habol ko kaya ako pumupunta sa bar.

Kaya lahat ng kumakausap sa akin, hindi ko na lang pinapansin.

"Miss, Just one drink." sabi niya ulit

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Ang kulit naman nito.

Tapos may nahagip ang paningin ko.

Ang asawa ko na may kasamang babae.

Grabe, pumupunta pala siya sa ganitong lugar.

Tapos biglang pinulupot nung babae yung kamay niya sa leeg ni Andrei

ABA NAMAN! ANG KAPAL NG MUKHA

HOY, ASAWA KO YAN!

teka nga, bakit ba ako affected?

Si Andrei naman hindi man lang tinatanggal yung kamay nung babaeng yun.

Tapos biglang napatingin si Andrei sa direksiyon ko.

Tiningnan ko lang siya ng mabilis saka ko iniwas yung tingin ko.

"Miss, anu, payag ka na?" sabi ulit ni Mr. Stranger

May makulit nga palang kumakausap sa akin.

Sige na nga, pagbigyan na to, tutal naman, hindi lang naman ako ang nagcheacheat sa aming mag-asawa.

"Sige na." sabi ko.

"Great!" sabi niya tapos lumapit siya sa akin habang inoorder yung drink ko.

Tapos bigla bigla na lang may humila ng buhok ko.

"ARAY! ANU BA?!" sigaw ko dun sa babae

Sa halip na sumagot, mas sinabunutan pa niya ako.

Aba, grabe talaga!

"WHAT THE FUCK IS YOUR PROBLEM?" sigaw ko ulit habang hinihila din ang buhok niya.

Alangan namang siya lang ang manakit.

Kasi naman, wala talaga ako sa mood makipag-away ngayon, sobrang badtrip ako at hindi ko alam kung bakit, ayos naman ako kanina.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon