Chapter one

386K 4K 518
                                    

Chapter one

Ako si Zenia. Highschool  palang ako, graduating. Masayahin akong tao, madaming kaibigan, maganda daw sabi nila pero simple lang talaga ako.

Ngi-hindi nga ako marunong magtali ng sariling buhok eh. I mean, marunong naman. Pero hindi ganun kaayos.

Di ko kasi hilig ang mag-ayos ng sarili.

May bestfriend ako, si Ross pero "Rose" ang basa sa pangalan niya..

Mabait yun! Sobra! Palaging nandiyan para sayo, masayahin at ang ganda ganda pa!

May iba din naman kaming kaibigan ni Ross, pero kaming dalawa lang talaga ang consistent.

"Zen, may bago daw lipat ah?" tanong sakin ni Ross.

"Ha? eh kalagitnaan ng school year, lilipat? Ayos." Sagot ko kay Ross. Talaga naman kasing nakakapagtaka yun eh, bawal ata yung ganun?

"Adik! Di ko alam? Pero alam ko sa section din natin eh?" Sagot ni Ross sakin. Section A din?

"Talaga? Baka naman masungit yan ha! Babae ba?" Sagot ko sa kanya. Nakakapagtaka kasi, kaklase pa namin.

"Di ko alam eh? Di ko pa nakikita! Malay mo boylet?" Grabe tong si Ross! Boylet agad? Pero oo nga no? pano kung lalaki? Hmmmm?

"Hoy! Wag kang tulala, feel mo naman!" asar sakin ni Ross

"Anong feel ko? Epal ka talaga! Napaisip lang ako!" Sigaw ko sa kanya. Baka kasi kung ano isipin niya.

"Anong iniisip mo? Zen, pano kung gwapo yung new  transfer nayun?" edi gwapo! Pero di pa nga namin alam kung lalaki ba o babae eh?

"Manahimik ka nga jan Ross! Di pa nga natin alam kung babae or lalaki e!" sabay tapik sa kanya, kung anu-ano nanaman kasing iniisip!

"Uy ayan na si ma'am!" biglang umayos ng upo si Ross. Tabi kami palagi sa room, batas kami eh! Sa likod kami umuupo palagi para di kami gaanong kita ng teachers pag may ginagawa kaming kalokohan.

Pumasok na si ma'am Molis sa room..

"Good morning class!" Sigaw nito! Wow, mukhang good mood si ma'am ngayon ah? Ano meron?

"Good morning ma'am Molis" Sabay sabay naming sinabi.

"Siguro naman nasagap na ng WiFi niyo ang balita?" Tanong ni ma'am sa amin, wow ma'am ah!

"Huh? What's that ba?" Tanong ni Mel. Agaw atensyon talaga yang si Mel porket muse siya ng buong campus! Well I could say, beauty and brain? No, beauty lang, walang brain!

"uhmm, conyo? Conyo te?" Sigaw ni Ross. Naiinis kasi kaming lahat sa classroom sa kanya except sa barkada niya.

"actually, tatlo sila ha? Grabe! Ang mga studyante ko, huli sa balita?" Tanong ni Ma'am Molis. Medyo close din kasi kami sa kanya.

"Talaga ma'am? Eh kung sabihin mo na po kaya?" Sigaw ko dito. Ang tagal kasi eh! Pasuspense.

"Sandali lang. pwede wait? Relax lang mga loving students" Sagot ni Ma'am Molis samin.

"eh nasan na po ba? Kelan nila balak pumasok? Super late na sila sa lessons" Sigaw ng isang classmate namin.

"Wait, I think they're still at the School main office, o teka, yan na sila!" Mas excited pa si Ma'am samin!

Nagtinginan kami sa malaking bintana namin..

"Goodmorning new students! Welcome to section A" Sabi ni Ma'am sa mga kakapasok palang na tatlong lalaki.

"Hi po" Over? Eh bakit ang gwapo mo kuya? Ang gwapo kasi talaga niya.

"Please introduce yourselves to us" Si ma'am di naman nagmamadali?

"Okay" sigaw nung isa! Sayang ang gwapo niya pero ang sungit! Hmp! Pero siya yung unang magpapakilala wait!

"I'm Justin Hermoso 18 from west high" Grabe? Yun lang? hobbies? Why did they transfer? Ang tipid naman!

"uhm, Hi! My name is Kriston Salazar. Turning 19 next month. I also went to west. We actually have a band before so that means, we sing. We are also good in dancing. That's all!" Ay si kuya pogi! Kriston pala name niya? Hmmm.. buti pa siya mabait! Yung isa, ang sunget!

Oh si Ross natameme -> O_O'

"Hi! My name is Flip Perez. 18 years of age. I also went to west." Isa pa tong masungit! Pero buti pa siya nakangiti at nag-Hi, yung isa grabe mukhang sasabog na bulkan!

"So, Why did you guys transfer here?" Tanong ni Ma'am. Ka-curious din kasi! Parang mysterious masyado.

"We transfered here for some reason that, we moved to other town house near in this school and we don't like there at west" Oy, trying hard yung Flip? Joke. Hindi naman pala masungit yung Flip eh.   

"Why?" Tanong ni Ma'am. Eto talaga si Ma'am echusera! Baka personal naman eh.

"Excuse me ma'am? Can we just sit now?" tanong nung Justin Sunget!

"oh, sure. Flip, your with Mel at the third row." Sabi ni Ma'am habang naghahanap pa ng bakante.

"And you, Kriston and Justin? Uhmm. Is it okay if you're going to sit at the back? With that two girls?" makaturo si ma'am eno? -,- Eh wala naman din kasing bakante pero kainis naman! Ayaw namin ng may katabi!

"Much better" Sabi ni Justin sunget! Ba't gusto niya sa likod?

"Uhm wait! I'll arrange it first!" Sigaw ni Ma'am. Nako ma'am, wag mo kami paghiwalayin ni Ross!

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon