Final Chapter

4.5K 137 121
                                    

Sinuntok ko ang pader as t nanlulumong napaupo nalang sa tapat ng emergency room. Madaming taong nagkakagulo, sila Mommy, Daddy, Kristen at ang anak ko.

Oo may anak ako. Hindi ko nasabi kay Brianne dahil natatakot ako. Natatakot akong iwan niya. Nagsinungaling ako tungkol samin ni Kristen. Hindi ko gustong makita niya ang kasalang nagaganap. Hindi niya dapat nakita iyon.

Wala akong magawa kundi ipikit ng mariin ang aking mata at pigilan ang pag tulo ng luha.

"Daddy.." Nag angat ako ng tingin, sa anak ko. Anak namin ni Kristen. Siya ang dahilan kung bakit kailangan namin mag panggap ni Kristen na kami. Hindi pumapayag ang daddy nito na hindi kami ipakasal.

Nung araw na umalis ako sa tabi ni Brianne, that time tinawagan ako ni Kristen na kapag hindi pa kami nag pakasal. Ilalayo sa akin ang anak ko.

Ang anak kong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Kahit na hindi siya nabuo sa pagmamahal, kahit na aksidente lang ang lahat ng nangyari. Mahal ko parin ito.

Sila ni Brianne. Mahal ko silang dalawa at hindi ko kayang mamili kung sino sa kanila ang gusto kong mawala kaya napilitan akong itago ang lahat kay Brianne.

"Daddy wag kana iyak." Pilit lang akong ngumiti kay Tristan at ginulo ang buhok nito. Hindi ko kayang malayo sa anak ko.

Pero natatakot akong mawala si Brianne sa tabi ko, aayusin ko naman lahat eh. Pero bakit ganon? Bakit kailangan pang mangyari to?

"Jayce.." Nag angat ako ng tingin kay Kristen na lumuluha din.

"I'm sorry, nang dahil sakin nag kaganito ng lahat patawad.." Pilit lang akong ngumiti dito at umiling. Alam kong nahihirapan rin siya, alam ko kung gaano niya kagusto na puntahan ang lalaking mahal niya at yakapin ito. Parehas lang kami. Parehas kaming walang magawa sa sitwasyon na ito.

Her parents, sila ang may gusto na ipakasal kami. Hindi nila matanggap na hindi kami magiging isang buong pamilya kaya pinilit kami. They leave us no choice. Kukunin nila ang anak ko, ilalayo samin. Hindi ko kaya.. Hindi namin ito ginusto, mag kaibigan kami ni Kristen. Alam kong masakit rin sa kanya ang matali sa isang lalaking hindi niya mahal at ganon din ako. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Brianne.

Napatigil lang ako sa pag iisip ng may biglang sumampal sa akin.

"Hayop ka!" Napbaling ang aking muka sa kabila.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!!" Pinag hahampas ako ng nanay ni Brianne at wala akong ibang ginawa kundi tumayo lang at hayaan siya.

"Manang mana ka sa tatay mo! Walang kwenta! Kayo ang uubos sa lahi namin. Kayo ang sisira sa pamilya namin! Mga walang hiya!" Kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi niya hinayaan ko nalang ito. Hanggang sa inawat na ito ng kasama niyang lalaki.

"Tita stop it." Malamig na mata ang sumalubong sa akin.

"Bitawan mo ako Lion! Paptayin ko ang hayop na iyan! Walang hiya ka! Talagang ginawa mo pang kabit ang anak ko. Walang awa!" Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi.. hindi ko naman sinasadya..

"Hindi ka na nahiya sa anak mo! Talagang pinairal mo yang pag ka-gago mo at pati anak ko pinatulan mo! Ano hindi ka makuntento sa isa? At talagang hindi mo pa pinaalam sa anak ko na ikakasal ka. ha?!" Muling dumapo ang palad nito sa pisngi ko.

"Wala kang kwenta! Hindi ka nararapat kay Brianne. Hindi ikaw ang lalaki para sa kanya. Hindi kailanman magiging ikaw yon." Ang sakit pakinggan ng mga sinasabi niya, gusto kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko.

Ako parin ang para kay Brianne at si Brianne ay para sa akin lang.

"Umalis kayo dito! Hindi namin kayo kailangan dito. Guard! Paalisin ang mga iyan at kung ayaw, kaladkarin niyo." Hahawakan na sana kami nung mga bodyguard pero humarang ang nanay ko.

"Hoy impakta! Wag na wag mong pagsasalitaan si Jayce ng ganyan. Wala kang alam!" Pinigiln ito ni Daddy pero palaban ang Mommy ni Brianne.

"Tama! Wala akong alam, pero kayo din naman. Walang alam! Ha?! Ni hindi niyo manlang nalaman na nagpakamatay ang kapatid ko nang dahil sa hayop mong asawa!" Naguguluhan si mommy na tumingjn dito.

"Lanny.. Lanny ang pangalan ng kapatid ko na ginamit lang niyang asawa mo." Galit ang mga mata nito habang titig na titig sa Daddy ko.

"Hanna.." Napayuko lamang si Daddy.

"Hah! Wala kang karapatang tawagin ako sa pangalan ko. Manggagamit! Umalis na kayo rito! At ikaw naman." Sabah tingin nito sa akin ng masama.

"Tandaan mo ang araw na ito dahil ito ang huling beses na makikita mo ang anak ko." Umiling ako sa kanya, hindi maari.

"Hindi.. kailangan ako ni Brianne. Kailangan niya ako.." Muli ako nitong sinampal.

"Tonta! Hindi niya kailangan ng lalaking kasal at pamilyado na." Napaigting panga ako sa sinabi nito. Wala akong magawa, wala akong magawa dahil lahat ng sinasabi niya ay totoo at masakit.

Masakit tanggapin ang katotohanang kasal at may sariling pamilya na ako.

I'm sorry Brianne.. I'm sorry moo.

Part Three or End? Epilogue or Prologue? Happy or sad?

Forever.. or Over? :(

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now