Chapter 11

3K 111 33
                                    

Brianne Hill.

"Hindi siya pwedeng lumabas Jasmine!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni Danna, pupungas pungas akong bumangon at tiningnan silang tatlo na paikot ikot sa loob ng kwarto.

"Ang ingay mo D." Iritang sabi ko dahil sobrang sakit ng ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari.

Sariwa parin sakin ang sakit ng mga sinabi niya kagabi, hindi naman siguro agad iyon maaalis mahal ko eh. Pag kauwi na pag ka-uwi ko kagabi agad akong nahiga sa kama ko at nag talukbong ng kumot. Wala akong kinausap sa kanila dahil hindi ko ata kakayanin at baka mag break down nanaman ako.

Kinimkim kong lahat ang sakit na nararamdaman, wala akong pinagsabihan kaya ngayon ang bigat bigat ng dibdib ko.

"Brianne… anong nangyari kagabi?" Umiling lang ako kay Danna.

"Nakita namin kung paano ka umiyak kagabi Bri what happened?" Pinikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko dahil nag babadya nanaman tumulo ang mga luha ko. Damn it!

"Sabihin mo sa amin Bri, mag kakapatid na tayo dito. Hindi namin kayang makita na nagkakaganyan ka…" Niyakap nila akong tatlo at doon na ako napahagulgol.

"Ang sakit…" Napahikbi ako.

"Why? Bakit ganito kasakit? I just want to forget him but I know I can't…" Mas humigpit ang yakap nilang tatlo.

"B-bakit ganon siya magsalita sa akin? Wala na siyang paki sa akin eh. Hindi na siya ang Scott na minahal ko…" Kumalas si Danna sa akin at tinitigan ako.

"Pain change him Bri." Lalo akong napaiyak.

"N-nasaktan rin naman ako pero hindi ako nag bago, hindi nag bago ang nararamdaman ko para sa kanya." Umiling siya sa akin.

"Just fucking forget him Bri! He doesn't deserve your tears!" Sigaw ni Jasmine sa akin kaya napayuko nalang ako.

"You know what? Danna is right. You should forget him and date someone else instead." Sabi ni Ella habang pinupunasan ang pisngi ko.

"I can't…" Umiling ako, ayoko hindi ko kayang makipag date sa iba.

"Damn it Bri! Puro ka I can't! You should try! Fucking forget him and date someone else! Para naman ito sayo. Just stop crying dahil nasasaktan rin kami na nakikitang nagkakaganyan ka dahil lang sa kanya! Ayaw namin na nakikita kang ganyan Bri." Galit na sigaw ni Danna. Umiling nalang ako at tumayo para pumunta ng CR.

"The fuck! Bahala ka na nga!" Napapikit nalang ako ng mariin, its easy for her to say kasi hindi naman siya ang nasaktan.

Tulala akong naligo at nag palit ng isang white sleeveless top and floral dark blue high waist short.

Kailangan ko mag isip at magpahangin kaya lumabas ako ng CR at nakita si Jasmine at Ella na parang natataranta.

"O-ow Bri, a-ano mamaya kana lumabas dito muna tayo inom ng kape." Kumunot ang noo ko sa nauutal na si Ella.

"No, I'm good Ella staka mainit na tapos iinom pa tayo ng kape? Ikaw nalang muna lalabas at magpapahangin muna ako."

"Fuck no!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Jasmine at humarang sa pinto.

Lalong kumunot ang noo ko, kinuha ko ang cellphone ko at lumapit sa pinto para lumabas pero lalong hinarangan ang pinto.

"Ja ano ba? I need to get out of here!" Umiling iling ito. Nainis na ako kaya hinila ko siya palayo sa pinto at nagawa ko naman.

Nang makalabas ako narinig ko silang sumigaw.

"Fuck Bri come back-" Hindi ko na sila pinansin at agad tumakbo palabas ng rest house.

Pagkalabas ko nakita kong madami ang tao at nagkukumpulan sila banda sa tabing dagat kaya nag lakad ako papalapit don.

Habang papalapit lumalakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung para saan ang paglakas ng tibok ng puso ko na ito, Iba ang tibok nito nakakasakit.

Kinakabahan man nag patuloy parin ako sa paglakad natanaw ko si Danna na nakatayo kasama si Martin.

Hindi ko na sila linapitan at sumiksik na sa mga tao para makita kung ano talaga ang nangyayari.

Nang makasiksik ako, inayos ko ang buhok ko at inangat ko ang bahagyang nakayukong ulo ko para masaksihan ang pangyayari na dapat hindi ko nalang tiningnan.

"Fallen for you…" Tinapos niya ang kanta para sa babaeng nasa harap niya at nilapag ang gitara na dati ay sakin niya lang ginagamit.

Sabi niya ako lang ang kakantahan niya, nangako siya sa akin eh. Pinangako niya…

Akala ko doon na magtatapos iyon pero nag kamali ako.

Akala ko hihinto na ang sakit ng huminto na siya sa pagkanta pero nagkamali ako.

Nanikip ang dibdib ko, para akong papatayin sa sobrang sikip.

Napaluha ako at napatakip ng bibig ng makitang lumuhod siya sa harap ni Kristen.

"N-no n-no please n-no…" Umiling iling ako habang tumutulo ang mga luha sa mata.

Napapikit ako ng mariin ng makita kong may nilabas siya red velvet box.

No, panaginip lang ito. Hiling ko pero nang idilat ko ang mga mata ko lalo akong nasaktan ng mapatunayang hindi ito isang panaginip.

Totoong nangyayari ito…

"I love you Kristen. Will you marry me?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit. Totoong nangyayari ito at hindi ako ang babaeng niluhuran, inalok at gusto niyang pakasalan.

Sabay ng malakas na hiyawan at kantyaw napalakas rin ang hagulgol ko lalo na nang marinig ko ang sagot ng babaeng mahal niya.

"Shet! Yes Jayce! I will marry you!" Gusto kong magwala sa sobrang sakit ng nararamdaman. Napakasakit ng nakikita at naririnig ko.

Nagyakapan sila and it fucking hurts! Napakasakit parang hindi ko na kakayanin.

Why it hurts so bad? Why Scott? Why…

Tears were still falling from my eyes, fuck my tears. Just fucking stop from falling.

Titig na titig ako sa kanila ng mapatingin siya sa gawi ko at saglit na natigilan.

Umiling ako at malungkot na tumitig sa mga mata niya.

Napaiyak ako ng makita kung gaano siya kasaya, I was crying so hard.

Napakasakit na makita siya masaya sa iba. Nagpakawala ako ng hangin fuck I just wanted to die.

I love you so much baby but why it can't be me? Why Scott?

Napayuko ako at unti unting tumalikod sa kanila habang patuloy sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.

Pagod kong pinunasan ang mga ito at napaisip.

When will I stop crying? When?

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now