Chapter 7

2.6K 87 13
                                    

Brianne Hill.

"Brianne! Wake up bitch!" Nagising ang diwa ko ng may maramdaman na yumuyugyog sa balikat ko.

"B, gumising kana!" Tinapik ko lang ang kamay ni D at nag talukbong ulit ng kumot.

"Aba Danna, mukang ayaw bumangon eh tara na kaya." Si Jasmine ata ang narinig ko.

"Sige tara na, iwanan na natin tong babae na ito. Sayang ngayon pa naman ang outing at ang balik ni Jayce." Agad akong napabangon sa narinig.

"What? Ngayon na ang uwi niya?!" Napangisi silang dalawa sa akin.

"Oo, actually nandoon na nga daw siya sa resort kung saan tayo mag a-outing." Hindi ko alam pero agad bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oh my god! Bakit ngayon agad? Akala ko sa makalawa pa?!" Umiling iling sila.

"Eh paano, tumawag daw iyon at sinabing ngayon na pumunta. Libre niya daw lahat, kaya ikaw bumangon kana diyan at mag handa." Sabi ni Danna.

"Babalikan ka nalang namin pagkatapos mong mag empake at mag ayos. Ihanda mo na ang sarili mo Brianne tatlong araw tayo doon." Seryosong sabi ni Jasmine. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa sinabi ni J.

"Alis na kami B, love you!" Sabi ni D at lumabas na sila.

Huminga ako ng malalim. Ngayon ko na siya makikita at napangiti nalang ako.

Napadako ang tingin ko sa kabilang side ng pader ko, at doon ko natagpuan ang gitara na nakabalot.

Tumayo ako at kinuha ito, tinanggal ko ang cover nito at napangiti nalang ulit.

Hinaplos ko ang kitang kitang pangalan na nakaukit sa dulo ng gitara.

"Jay jay Love Yan yan." Pag basa ko, hinaplos ko ito.

Ang gitara na ito ang dapat na ireregalo ko sa first anniversary namin noon, kaso wala eh. Hindi ko nabigay dahil pag gising ko, wala na siya.

Muli kong tiningnan ang pangalan na nakaukit doon, oo naalala ko na ang lahat at hindi ko maiwasan na hindi alalahanin kung paano nangyari iyon.

Papunta ako sa malaking bahay ng mga Quiamco dahil pinapapunta ako ni Tita Steffie doon dahil na mi-miss na daw nila ako ni Fei.

"Hi po Tita!" Maligayang bati ko kay Tita at yumakap sa kanya.

"Nako, ang ganda ganda talaga ng girlfriend ng panganay ko. Tara tuloy ka wala pala dito ang tito James mo dahil may trabaho." Napangiti ako, napakabait talaga ni tita.

Inakay niya ako papasok at nakita ko naman si Fei na nakaupo sa sofa at humahagikgik.

May hawak itong photo album at ng makita ako, agad ako nitong hinatak paupo.

"Nako ate tingnan mo si kuya nung baby pa siya oh, ang cute cute!" Tiningnan ko ang picture at napatawa ng makita kung gaano nga ka cute si Scott noon.

Nilipat niya pa at nakita ko naman ang batang Scott na walang saplot na umiiyak.

"Uy si Ate nakita na niya ang Birdie ni Kuya." Nanunuksong sabi ni Fei na ikinapula ko.

"Ikaw talaga Fei! Ang bunganga mo ah." Suway ni Tita pero tumawa lang si Fei.

Tumikhim ako ulit at nag umpisa na ulit tumingin tingin sa mga pictures, hanggang sa napunta ito sa pinakahuli.

Nagulat ako ng makita ko ang batang ako at ang batang si Scott na Magkahawak kamay sa tabi ng isang puno.

"Ay Ate huwag kang mag seselos ah? Ayan ang kababata ni kuya parang first love niya, kaso hindi na namin ulit iyan nakita. Bigla nalang nawala ng parang bula at iniwan si kuya. Ay hayaan mo nanga matagal na naman ito." Isasarado na sana niya ulit ito ng hawakan ko ito at doon pumasok ang mga alalang kasama ko siya.

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now