Chapter 5

3.2K 104 13
                                    

Brianne Hill.

Nakangiti akong naglalakad habang hawak ang kamay Danna.

Birthday niya ngayon at nag tatampo siya dahil wala man lang daw ni isang bumati sa kanya kaninang umaga.

Nakapiring siya at inalalayan ko papasok sa loob ng restaurant.

Patay lahat ng ilaw at sa isang senyas ko lang, tinanggal ko ang piring sa mga mata ni Danna at automatic na nag bukas ang ilaw kasabay ng pag putok ng mga confetti.

"HAPPY BIRTHDAY DANNA!" Sigaw ng lahat ng tao na nandito, napatuptop ito sa bibig niya.

"Oh my god!" Maluha luha itong tumingin sa akin.

"Happy birthday bitch!" Mahigpit ko itong niyakap, lumapi narin sila Ella at Jasmine at nag group hug kami.

Bumitaw si Danna at agad nawala ang ngiti nito ng hindi makita si Martin.

Maluha luha itong tumingin sa akin.

"Bakit wala siya dito? Isang linggo na siyang hindi nag paparamdam sa akin ah? H-hindi na ba niya ako mahal?" Niyakap ko lang siya ulit at bumulong sa tenga niya.

"Trust him D." Iyon lang at lumayo na kami nila Jasmine sa kanya.

Excited kami nila Ja at Ella sa mangyayari ngayon dahil alam ko na dito sasaya ang kaibigan namin.

Umilaw ang isang madilim na bahagi ng restaurant at doon lumabas sila Raph at nagsimulang tumugtog ng isang magandang musika na nababagay sa pangyayari ngayon.

Lumabas si Martin, mula sa tinataguan niya at niyakap si Danna mula sa likod.

Nagulat si Danna at sa pag harap niya hinalikan siya ni Martin ng mabilis sa labi.

"Happy birthday mahal ko… Oh hep! Huwag ka muna magsalita ako muna." Pag pigil niya kay Danna at nag patuloy na ito

"Siguro nagtataka ka kung bakit madaldal ako ngayon, hindi ko rin alam. Siguro dahil sayo ikaw lang naman ang dahilan kung bakit humihinga pa ako, kasi kung wala ka parang wala naring silbi ang buhay ko." Humalakhak si Martin.

"Marami na tayong pinagdaanan, at sobrang blessed ko na dumating ang isang Danna sa buhay ko." Nakita ko kung paano mamasa ang mga mata ni Martin at Danna.

"Salamat… salamat mahal ko kasi kahit sobrang daming pagsubok ang sumubok sa pagmamahal natin, nandito ka parin sa harap ko at hawak hawak ko. Alam mo bang sa bawat araw na lumilipas mas sumasaya at ginaganahan ako, kasi alam ko sa pag gising ko may isang Danna sa buhay ko na patuloy parin akong iniibig." Naluluha narin ako sa pinagsasabi ni Martin.

"Naalala mo ba yung sinabi mong 3 golden rule para sa isang relationship? Yung Don't lie, Don't cheat, and Don't give up? Alam mo ba simula ng sinabi mo sakin iyon napatunayan kong totoo nga iyon para sa isang relasyon. Para mas tumibay pa ang pag iibigan ng isang relasyon, ng dahil rin don mas tumibay ang relasyon natin. Walang nagsisinungaling sa isat isa, walang nagloloko at higit sa lahat kahit ano pang dumating nag pagsubok walang sumusuko sa ating dalawa…" Napasinghap ako sa narinig, hindi ko maiwasang malungkot sa narinig pero sabi ko nga I have to be strong.

"Walang sumusuko kasi mahal na mahal mo ako, ay! Este mahal pala natin ang isa't isa." Humalakhak ulit si Martin kahit tulo uhog na.

"Ang drama mo mahal, birthday ko lang naman ngayon." Nang aasar na sabi ni Danna kay Martin pero agad itong natigilan ng biglang lumuhod si Martin sa harap niya at nag labas ng isang red velvet box na nag lalaman ng isang makinang na engagement ring.

"Shit mahal! Huwag mo akong binibiro ng ganito!" Napatuptop si Danna sa bibig at hindi makapaniwalang nakatitig kay Martin na ngumiti sa kanya.

"At sinong nag sabing nagloloko ako? Mahal simula ng makilala kita nakalimutan ko na ang salitang loko." Hindi ko maiwasang mapatawa sa ka-cornyhan ni Martin ngayon.

"Ehem mahal? Alam kong madami na tayong naranasan na pagsubok bilang mag boyfriend at girlfriend, this time mahal, harapin naman natin ang mga pagsubok ng mag asawa at may sinumpaan sa harap ng diyos. Mahal… Will you m-" Hindi na pinatapos ni Danna si Martin na magsalita at agad na sinakal ito, I mean niyakap pala at nagtatatalon.

"YES! YES! YES! MAHAL! I will marry you! Oh god! I love you so much Martin!" Hindi ko maiwasang mapaluha sa saya, sa wakas. Nahanap na ng kaibigan ko ang magpapasaya sa kanya habang buhay.

Sinuot na ni Martin ang singsing kay Danna at agad na niyakap si Danna, nagpalakpakan ang lahat pero napatigil din ng mag salita si Danna na halatang binulong niya pa kay Martin pero rinig na rinig naman namin.

"Pero mahal, pwede naman natin unahin yung honey moon no? Mamaya ah?" Napahalakhak kaming lahat at pulang pulang naman ang muka ni Martin.

Nakita ko pa kung paano pisilin ng Bestfriend ko ang pang-upo ni Martin.

Napailing agad ako ng maalala ko siya. No, hindi pwede maging malungkot ngayon.

Nagulat ako ng biglang may  umakbay sa akin at paglingon ko agad kong piningot ang tenga nito.

"Ikaw Florencio Torres ah! Lagi mo nalang ako ginugulat!" Sigaw ko sa lalaking tumatawa sa tabi ko.

"Inggit ka sa kanila no?" Mapang asar na sabi nito, I rolled my eyes bago sumagot.

"At bakit naman ako maiingit?" Umiirap na sabi ko sa kanya.

"Kasi ang bestfriend mo nahanap na ang forever niya, eh ikaw?" Dumila pa ito kaya binatukan ko ito.

"Ulol, ikaw rin naman walang forever ah? Parehas lang tayong iniwan kaya wag ka pasikat diyan." Dumila pa ako kaya natigilan din ito, Nahuli ko siya don.

Nakilala ko siya sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagkagaanan kami ng loob dahil parehas kami sawi at iniwan.

Napailing nalang ako bago ko ito sinikmuraan at iniwan, lumapit ako sa mga boys na nag kukumpulan sa harap ng isang cellphone.

Tangina ng mga to, pati ba naman dito naisipan manuod ng porn?

Iiling iling ako lumapit sa kanila at sumingit sa gitna para makaharap sa screen ng pinagkakaabalahan nilang cellphone.

"Hoy ano iyan?! Pati ba naman dito porn parin?!" Inagaw ko sa kanila ang cellphone at pagkaharap ko sa screen ng cellphone hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko.

Napaatras ako at pati sila natulala sa naganap.

Those perfect set of eyes… his perfect pointed nose and his soft red lips.

Nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi nito ng makita ako.

Biglang nanubig ang mga mata ko at kumabog ng mabilis ang puso ko…

I missed him, I missed hugging him and kissing his soft red lips, I missed him so much.

"S-scott…" Nauutal na banggit ko sa pangalan niya, lumakas lalo ang tibok ng puso ko ng banggitin ko ang pangalan niya, Kumunot ang noo nito at biglang nawalan ng emosyong ang itsura bago nagsalita gamit ang malamig na boses nito.

"I'll go ahead dudes, congrats Martin see you soon." Bigla nalang siya nawala sa screen at nanghina ako kaya nabitawan ko ang cellphone na hawak ko.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko, hindi ako nito tinapunan ng tingin na para bang hindi niya ako kilala at hindi nag eexist dito sa mundo.

Wala na siya paki sa akin, Ang sakit…

Another year had passed pero ganon parin pala.

Akala ko kaya ko na hindi parin pala…

Akala ko okay na ako pero akala ko lang pala iyon…

It's been four years since he left and I haven't move on yet.

I cried so hard,  Can someone help me to stop the pain? Because it hurts, it hurts so bad…

Courting Ms PlaygirlWhere stories live. Discover now